Story By Jeni Monroe
author-avatar

Jeni Monroe

bc
The One I Love the Most
Updated at Jun 5, 2021, 08:49
Lumaki sa hirap na buhay si Elisha, labing tatlong taong gulang palang siya ngunit araw-araw sinusuyod nila ng kanyang ina ang lungsod upang maipagbili ang iba't- ibang uri ng kakanin. "Di mo dapat dinaranas ang hirap na ito Eli" wika ng kanyang ina na kita ang lungkot sa mga mata. "Wala kang dapat ipag-alala Nay, basta kasama kita kahit gano pa kahirap ang buhay natin titiisin ko basta nandyan ka lang" wika niya na pilit pinasigla ang boses upang maibsan ang lungkot ng ina. Ngunit isang di inaaasahang pangyayare sa buhay nila ang magdadala sa kanya upang makilala ang nag-iisang matalik na kaibigan ng kanyang Ina. Si Donya Anabelle na ubod ng bait at si Dylan Greco, ang nag-iisang anak ng Donya na kung gaano kabait at kagaan na pagtanggap sa kanila ng kaibigan ng kanyang ina ay ganoon naman ang nararamdaman nitong disgusto sa kanila. O mas dapat sabihin na disgusto sa kanya lang? Dahil sa tuwing magkikita sila nito ay mataman siyang titigan nito at ni di siya kinakausap. Kahit anong gawin niya ay di siya mapalapit dito. Pero kahit na ganoon ang pakitungo nito sa kanya, ang kanyang batang puso ay naglaan na ng espasyo para sa binata na. Para sa kanya ito ang langit na di niya maabot kailanman kahit abot tanaw mo na. Lalo pa at mas nalalapit na ng pagkakalayo nila sa nakatakda nitong pag-alis. Sa paglipas ng panahon ay mawala kaya ang nararamdaman ng kanyang musmos na puso? Sa paglipas ng panahon at matanggap ba siya nito?.
like