Istoryang pumapatungkol sa hindi inaasahang pangyayari, sumubok na pigilan ang nararamdaman ngunit nanaig ang puso. Hindi nagpa-awat sa bugso ng damdamin, handang isakripisyo at isa-alang-alang ang lahat para lamang sa kaniyang taong minamahal. Kung ikaw ba ang nasa posisyon niya, makakaya mo bang bitawan ang mga importanteng bagay sa buhay mo para lamang sa taong bumihag ng iyong puso? Kung hindi mo alam ang iyong isasagot halina't basahin natin ang kwento nina Bryce at Yoshiaki.
Nanirahan sa isang payak na lugar, may simpleng pamumuhay ngunit minsan ding naghangad ng magandang kinabukasan. Handang subukin ang lahat ng hamon sa buhay maging maayos lang ang kalagayan ng kaniyang pamilya.