Story By toink ra hikari
author-avatar

toink ra hikari

bc
Kumaw (Masahol pa sa Aswang)
Updated at Nov 19, 2022, 02:59
Kwento ito sa aking Ng aking mga tita at lolo dong. Panakot ito sa kanilang Lugar noong kabataan Sila. Kumaw Ang tawag sa taong nangunguha Ng mga bata sa kanilang Lugar. Sa Pangasinan Sila tumira noon, Doon din Sila nakapag-aral Ang mga tita ko Ng elementarya. Sa Lugar ding iyon ay bali-balitang may mga nangunguhang mga bata. Ayon sa sabi-sabi Ang mga kinukuhang mga kabataan ay NASA edad Isa Hanggang 13 taong gulang. Ukol pa na kinukuha Ang mga kabataan at inaalay sa ginagawang tulay. Papatayin Sila, gamitin Ang dugo nila, ihahalo sa paggawacng tulay. Sabi pa na Ang dugo nila ay pampatibay dito. Kahalintulad din ito sa mga kwento sa kamaynilaan at sa karatig Lugar na gaya Ng pinanggalingan ko sa Lugar Ng cavite. Dumudukot Ng mga bata, pwedeng kumuha Ng mga palaboy sa kalsada tapos papatayin ito at ilalagay Ang dugo sa gagawing istraktura gaya Ng tulay, kalsada at gusali. NASA fx kami noon nang makuwento ito Ng aking tatlong tita. Sabi pa Ng Isa kong tita na noong kabataan pa nila kapag PAuwi galiNg eskwela ay panakot na sa mga bata Ang kumaw. Dahil malayo pa Ang bahay nila ay dali-dali silang maglalakad Patungo sa bahay nila kapag umabot ka na Ng alas sais sa labas ay may gumagalang kumaw nangunguha. Dahil sa kuryusisad ay inalam ko pa Ang patungkol dito. Tinanong ko, ano nga ba Ang kumaw? Ito ba tulad sa Lugar Ng kamaynilaan at karating Lugar na may Isang puting van at puting kotsr na nag-iikot at dinudukot Ang mga kabataan? Nagsalita ang aking Isang tita. Sabi nito ay oo tulad din ito. Pero Ang kumaw ay tawag sa taong dumudukot o mandurokot Ng mga bata. Ayan Ang panakot Ng mga magulang namin samin. Kapag makulit kami o NASA labas kami na nakikipaglaro sa mga kaibigan namin na halos gumanihin na kami ay binabanggit na aming mga magulang Ayan na Ang kumaw Dali-dali na kaming napasok sa mga bahay namin. Laking takot namin Doon at iniiyakan pa namin ito kapag nasamnit ang pangalan nito. May bali-balita kasing marami Ng nawawalang Bata sa Lugar na timirahan nila. Merong din nawawalang mga kaeskwenla namin. Naputol Ang usapan sa kwento na kumaw. Pero may tanong sa isip ko. Ano nga ba ito? O sino nga ba ito? Sabi ko sa sarili ko na kapag naroon na kami sa bahay Ng kamag-anakan namin ay ipapakwento ko Ang tungkol sa kumaw. Siguro dahil writer ako Ng horror stories ay kailangan Kong alamin ito. Maiisusulat ko ito. NASA sasakyan pa Rin ako kumaw pa Rin Ang iniisip ko. Patungo Kasi kami sa lareg-lareg, malasique, pangasinan. Kinailangan kasing puntahan Ang iniwang lupain Ng aming mga lolo at mga Lola sa parte Ng pamilyang Manuel. Dadayo Rin kami dito para makapagbayad Ng amilyar sa lupa at titignan na Rin Ang lupa naipamana sa mga anak-anakan Ng mga lolo at mga Lola. Nang matapos na Ang transakyon sa munisipyo ay tumungo na kami sa bahay Ng aking lola na si Lola Suleng at lolo dong. Nagbukas ako Ng panibagong kwento na patungkol pa Rin sa kumaw. Tinanong si lolo dong. Lolo ano ba Ang kumaw? Saad nito ay Ang kumaw ay Isang tao na nandurukot Ng mga kabataan dito sa aming lugar. Ayon sa kwento-kwento ay Ang mga nakuha. Nandurukot ng mga kabataan at di na natatangpuan pa. Sabi pa na Ang mga batang nawawala ay inaalay sa mga tulay na ginagawa at mga kalsada. Dugo nila Ang magpapatibay dito. Meron pang sabi-sabi na Ang iba ay ginigiling Ang mga katawan ng mga nadurukot nila at inihahalo sa simentong panggawa sa kalsada at tulay. Ganyan Ang pagkakasabi sa akin ni lolo. Ayon pa sa kanya, taong 1970 noong pumutok Ang mga kwento-kwentong ganito. Kaya Ang mga tao Doon ay pinag-iingat Ang mga kabataan napasok sa eskwela. Ngunit Ang ibang kalugar nila ay ni Hindi naniniwala dito. Sabi pa na baka Ang mga dumukot sa mga bata ay Isang miyembro Ng masasamang tao na pinaglilimos sa kamaynilaan Ang mga batang nadudukot nito. Sa kwento ni lolo dong ay NASA edad 14 Siya noon na mismong masaksihan Niya Ang karumal-dumal na pangyayaring naging bangungot sa kanya. Marso 15, 1971 kasagsagan Ng tag-araw nong binalak nila Ng kanyang mga kaibigang Sina pando at buning na humanap Ng gagamba. Dahil masukal pa Ang Lugar nila ay naglibot-libot ito. Halos makalimutan na nilang UMuwi sa mga bahay nila. Nakakakain naman Sila sa dinadaanan nila. May mga Puno naman Doon Ng mangga, pwedeng pumitas kaya busog na busog na naman Sila sa araw na iyon. Tumagal Ng ilang Oras Ang paghahanap nila sa mga gagamba ngunit ni Isa ay Wala silang nahuli at natagpuan. Bagkus mga salagubang lang Ang kanilang mga nahuhuli. Bandang alas sais na Nang Gabi Ng makaabot Sila sa Isang Lugar na ginagawan Ng tulay at kalsada. NASA di kalayuan Sila Ng may marinig silang iyakan at paghingi Ng tUlong. Boses ito Ng mga kabataan na halos kasing-edadan nila. NASA masukal na damuhan Sila na lapas tao noon. Nakatago Sila dito. Silip nila ang Lugar Na pinangyayarihan Ng mga boses. Itutuloy....
like