Triple POPOYnts: Foul na Pag-ibigUpdated at Apr 29, 2021, 19:20
Pronie "Popoy" Castillo
Nakakabit na sa pangalan niya ang mga letrang MVP dahil sa kanyang galing sa basketball sa Monteverde University.
Labing siyam na taong gulang na may kursong Civil Engineering. Bukod sa tinitilian ng nakararami dahil sa galing sa basketball court ay natural siyang makisig at may magandang pangangatawan, bagay na naging dahilan para mahumaling sa kanya ang anak ng kanilang strict coach, si Miles.
Galaw lalaki si Miles dahil nag-iisang anak. Wala siyang ina kaya't naging mas matimbang ang pagiging galaw lalaki niya. Kasama siya lagi sa practice at ang gamot lang pala sa pagiging tibo niya ay ang kakisigan ng team captain ng kanyang ama na si Popoy.
Paano kung ang kanilang pagtitinginan ay bawal humantong sa pagmamahalan? Paano kung magiging personal foul ang gagawing panlalaban ni Popoy kay Miles upang maipanalo ang laban?
Hanggang kailan niya ito madedepensahan?
Sa larong basketball, maaaring MVP siya, ngunit sa laban ng pag-ibig, magiging Most Valuable Person kaya siya sa puso ng taong tunay na iniibig niya?