Story By Lyka Jane Albar
author-avatar

Lyka Jane Albar

bc
Isang Salin ng Pag-ibug
Updated at Apr 13, 2025, 13:17
Romansa. Kasaysayan. Panahong pinagtagpo ng tadhana. Sa gitna ng alikabok ng lumang silid-aklatan, isang misteryosong diaryo ang natagpuan ni Samantha isang tahimik at mahilig sa kasaysayang dalagita. Isinulat sa sinaunang Baybayin, ang nilalaman nito’y puno ng matatalinghagang tula at lihim na damdamin. Habang isinasalin niya ito sa makabagong Filipino, bigla siyang dinala pabalik sa taong 1884 panahon ng matinding kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila. Doon niya nakilala si Elías, isang makatang Pilipino na pinipilit magsulat para sa mga Kastila, habang palihim na lumilikha ng mga tula ng rebolusyon. Sa bawat taludtod, unti-unti silang nahulog sa isa’t isa. Ngunit alam nilang hindi sila para sa isa’t isa dahil sa pagitan nila ang panahon at tungkulin. Sa gitna ng panganib, pagkakakilanlan, at mga lihim ng kasaysayan, magtatagpo ang dalawang pusong hindi dapat nagtagpo. Isang kwentong inukit sa tinta, panulat, at panahong hindi kanila. Hanggang saan kayang itawid ng pag-ibig ang agwat ng panahon?
like
bc
The Forbidden Notes
Updated at Apr 13, 2025, 13:00
Sa mundo ng Elyndor, kung saan bawal ang mahika at ang pag-ibig ay may hangganan, isang bawal na koneksyon ang unti-unting nabubuo sa ilalim ng liwanag ng buwan.Si Aeryn, isang estudyante na may tinatagong kapangyarihan, ay pumapasok sa Arcanum Academy para lang sana matutong kontrolin ang kanyang abilidad. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Professor Kael — isang guro na misteryoso, may madilim na nakaraan, at may lihim na posibleng magpabagsak sa kaharian.Bawal ang lahat sa kanila ang koneksyon, ang nararamdaman pero habang mas lumalalim ang gabi, mas lumalalim din ang damdaming pilit nilang pinipigilan.Habang lumalapit ang banta ng sinaunang sumpa at bumabangon ang kadiliman sa paligid nila, kailangang piliin nina Aeryn at Kael kung sino ang dapat nilang ipaglaban: ang kanilang puso, o ang mundong nais silang paghiwalayin.
like