Story By Diana King
author-avatar

Diana King

ABOUTquote
I\'m a widow, gregarious, and have a positive outlook in life. I consider odds as challenges. I\'ve been through many downfalls and heartaches and i found writing a story will heal all my emotional traumas.
bc
Silver Lining
Updated at Jul 14, 2022, 02:49
This is a story of a young girl who became a strong woman. She endures all the heartaches and pains. After all the sufferings she remains positive and the odds became a challenge to her.
like
bc
Ang Mga Kulay ng Bahaghari
Updated at Feb 23, 2022, 08:29
Minsan ay nadatnan ng 7 bata galing sa kanilang eskwelahan na ang kanilang Ina ay nakadungaw sa kanilang bintana at nakatanaw sa malayo na animo ay may matamang pinagiisipan. Sa pagpasok nila sa kanilang bahay ay tinawag nila ito ngunit parang hindi sila napapansin nito, kung kayat lumapit sila at nakita na nakatanaw ang kanilang Ina sa isang napakagandang bahaghari. Kaya sila ay nagsalita ng, "Ina nandito na po kami. Namiss po namin kayo." Manapay biglang nagulat ang kanilang Ina at sinabing, "mga anak pasensya na kayo di ko kayo napansin na dumating sapagkat ako ay nalibang sa pagtingin sa bahagharing iyan na lubos na napakaganda." Sabay sabay na nagsalita ang kanyang mga anak, "ayos lamang po Ina, kami man po ay natutuwa na iyan ay aming makita." Sinabi ng babae na halika muna kayo mga anak at magmiryenda. Ipinaghanda ng Ina ang kaniyang mga anak at habang sila ay nagmimiryenda ay bigla silang tinanong. "Ilan ang kulay ng Bahaghari mga anak?" Sabay sabay silang sumagot, "pito po Ina, red, orange, yellow, green, blue, indigo, violet", sabay sabay nilang turan. Tumango ang babae at sinabi, "mahusay, parang kayong pito, iba-ibang kulay, iba-ibang kilos, iba- ibang ugali, pero ito ang masasabi ko sa inyo, sa kabila ng inyong pagkakaiba-iba ay tulad kayo ng Bahaghari na yan na napakaganda. Tandaan ninyo na lahat kayo ay mahal na mahal ko. Anuman ang paraan ng pagpapakita ko ng pagmamahal sa inyo ay depende sa kung paano nyo bibigyan ng pagpapahalaga ang aking pagmamahal. Kayong lahat ay aking mga anak. Kaya ang hiling ko sa inyo ay wag kayong magaaway, sasama ang loob o magtatampo kung sa tingin ninyo ay pinapaburan ko ang isa. Marahil sa oras na iyon ay kailangan ako ng isa sa inyo. May kanya kanya lamang akong paraan upang ipadama ko sa inyo ang aking wagas na pagmamahal sa kabila ng inyong pagkakaiba-iba. Tandaan ninyo iyan mga anak. Ako ang inyong INA at ipaglalaban ko kayo, aarugain ko kayo, mamahalin ko kayo ng walang labis walang kulang. Kasama ninyo ako sa inyong pagkakadapa at pagbangon. Kasama ko kayo sa pagukit ng inyong magandang kapalaran para sa inyong magandang kinabukasan. Anuman ang aking pagkukulang, ito ay aking pupunuan. Sapagkat ang pagmamahal ng isang INA ay walang kapantay. Hinding hindi ko kayo iiwan." Sabay sabay na tumayo ang pitong anak at niyakap nila ng mahigpit ang kanilang Ina at sinabing, "alam po namin Ina, alam po namin." ❤️✌️🙏 Credit to the owner of the picture.
like