Ang ina ni Kelcy ay isang katulong sa pamilyang Mondragon na nagmamay-ari ng pinakamalaki at sikat na mall dito sa bansa. Walang ibang tao ang kayang sumuporta ng kaniyang matrikula sa pagkokolehiyo kundi ang nanay niya lamang. Sa kasamaang palad ay nagsimula na itong magkaroon ng sakit at hindi na nito kaya pang magpatuloy sa trabaho.
Kaya't nagpasyahan na lang ni Kelcy na siya ang papalit bilang isang bagong katulong doon sa mansion kung saan ito nagtrabaho. Doon niya nakilala ang amo niya, si Carlos Mondragon. Kalaro niya ito dati noong kapwa apat na taong gulang pa lang sila kung saan ay naglaro pa nga ang mga ito ng Nanay at Tatay.
Dahil sa naging desisyon ni Kelcy ay nakapag-aral ito sa pinakatanyag na unibersidad hindi lamang dito sa bansa kundi pati na rin sa ibang bansa sa kursong accountancy.
Anong bagay kaya ang magbabago kay Kelcy sa magiging buhay niya roon sa mansion? Malalaman natin iyan.
Si Kendra ay lumaki sa isang striktong pamilya ng mga mayayaman. Lumaki itong hindi marunong mag-ayos ng sarili sa hindi malamang dahilan. Wala siyang kaalam-alam kung bakit gano'n na lang ang trato ng kaniyang mga magulang sapagka't hindi naman nila ito pinapahalata.
Bilang resulta, she was bullied and disrupted. Lalo na 'yung badboy na si Kim Philip na 'yon. Hindi niya alam kung bakit sa dinarami-rami ng nerd sa university nila ay siya pa ang napagdiskitahan. They haven't know how imposing she is.