Story By Fairytales Note
author-avatar

Fairytales Note

ABOUTquote
Hi! I'm Fairytales Note, a Filipino writer, who believes that love like a fairytale do exists— in novels. I mostly write romance and drama, but I love writing crime, tragedy, and cliffhangers the most. And yes, I'm planning to explore more genres soon.
bc
KARMA
Updated at Oct 24, 2026, 20:24
Ilang beses siyang kumatok ngunit walang tugon kaya binuksan na lamang niya ang pinto. Pumasok siya sa loob, walang tao sa sala at sa mini dining. Tumungo siya sa kama na nakakubli sa divider wall sa pagitan ng silid at sala. Wala ring tao. "Asan siya? Sabi niya may ipagagawa siya" bulong niya. Napatingin siya sa medyo kusot na bedsheet, lumapit siya roon at nagsimulang ayusin iyon. Napansin niya ang isang cufflink sa gilid ng kama, ngunit nasagi iyon ng paa niya kaya pumailalim ito. Halos nakadapa na siya para maabot iyon, dahil nasa gitna na ito ng ilalim ng kama Noon naman bumukas ang pinto ng banyong malapit lang sa silid. Lumabas mula roon si Zachary at nang umangat siya mula sa pagkakadapa ay nagkagulatan sila. Natisod pa si Zachary sa gilid ng maliit na mesa sa tabi ng pinto, kaya nalaglag ang tuwalyang nakabalot sa baywang nito at tumambad ang h*bo't h*bad nitong katawan sa harap niya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. "Ay malaking ahas!" naisigaw niya ang dapat ay sa isip niya lamang. Agad namang dinampot ni Zachary ang tuwalya sa sahig at inayos iyon sa baywang nito. Kung kanina ay hiya at gulat ang nasa mukha nito, ngayon ay isang ngisi ang nakapaskil doon pagkarinig sa sinabi niya. "Bastos ka Lhiarra, bat ka kasi biglang sumusulpot!" paratang pa nito na ikinasinghap niya. "Huy! Ako pa ang bastos! Ikaw itong lumalabas ng banyo ng walang suot. Saka kumatok ako huy!" depensa niya sa sarili. Pero mas lalo lang itong ngumisi. "Malay ko bang andito ka. Sanay akong lumalabas ng banyo nang walang s*plot! Buti nga't nakatowel pa ako!" saad nito na ikina-ingos niya. "Nakatuwalya nga nahulog mo naman! Sinasadya mo yata eh! " Inis niyang sagot. Hindi parin siya makatingin dito nang diretso. "Natisod ako huy! saka nagustuhan mo naman yung nakita mo diba" nakangisi nitong sagot na ikinalingon niya dito. Pinanlakihan niya ito ng mata. "Anong nagustuhan ka jan! Bastos!" pasigaw na kaila niya, dahil sa totoo lang sa isip niya ay nakapinta pa rin iyong hitsura ng nakita niya. Triple M: Mah*ba, mat*ba, at... mat*gas. Idagdag mo pa ang walong pandesal nito. "See! Namumula ka oh! ... sabi mo pa nga malaki eh" pang-aasar pa nito na lalo namang ikinapula ng mukha ni Lhiarra. "Heh! Magbihis ka na nga! Lalabas muna ako!" kumaripas na siyang lumabas na akala mo'y hinabol ng aso, rinig niya pa ang halakhak ni Zachary bago niya hinila pasara ang pinto ng suite nito.
like
bc
I Met You In Seoul
Updated at Oct 24, 2026, 04:42
Umalis si Fresia Wilson hindi para mangarap. Umalis siya para mabuhay ang ama niyang may sakit. Sa South Korea, akala niya puro pagod at puyat lang ang naghihintay sa kanya. Tapos dumating si Jae-han Park. Senior high. Part-timer sa convenience store. Tahimik, malamig ang mga mata, pero malalim kung tumitig. Customer lang siya. Part-timer lang ito. Iyon lang dapat. Pero naging routine nila ang isa't isa. At nabuo ang pagkakaibigang hindi nila pinlano. At sa loob ng pitong taon, naging mundo nila ang isa't isa. Ngayon, tapos na yung convenience store era nila. He's no longer the boy behind the counter. He's her boss. She's no longer the tired factory girl. She's his intern. Sabi nila, friends lang sila. Pero bakit parang sinasapak sa dibdib si Jae-han tuwing may ibang lalaking nagpapangiti kay Fresia? At bakit nasisira ang araw ni Fresia tuwing may ibang babae sa tabi ni Jae-han? Sa pagitan ng noon at ngayon, isang tanong na lang ang kailangan nilang sagutin: Kailan ba talaga naging more than friends ang lahat sa kanila?
like