Hi! I'm Fairytales Notebook, a Filipino writer, who believes love doens't need to be loud to be unforgettable.
I write romance, drama, and I'm planning to explore other genres.
Umalis si Fresia Wilson hindi para mangarap. Umalis siya para mabuhay ang ama niyang may sakit.
Sa South Korea, akala niya puro pagod at puyat lang ang naghihintay sa kanya.
Tapos dumating si Jae-han Park.
Senior high. Part-timer sa convenience store. Tahimik, malamig ang mga mata, pero malalim kung tumitig.
Customer lang siya. Part-timer lang ito. Iyon lang dapat. Pero naging routine nila ang isa't isa. Nagsimula sa tissue at lunchbox ang pagkakaibigang hindi nila pinlano.
At sa loob ng pitong taon, naging mundo nila ang isa't isa. Ngayon, tapos na yung convenience store era nila.
He's no longer the boy behind the counter. He's her boss.
She's no longer the tired factory girl. She's his intern.
Sabi nila, friends lang sila.
Pero bakit parang sinasapak sa dibdib si Jae-han tuwing may ibang lalaking nagpapangiti kay Fresia?
At bakit nasisira ang araw ni Fresia tuwing may ibang babae sa tabi ni Jae-han?
Sa pagitan ng noon at ngayon, isang tanong na lang ang kailangan nilang sagutin:
Kailan ba talaga naging more than friends ang lahat sa kanila?