Nagpanggap bilang isang mahirap si Maricon, upang takasan ang karangyaan na kanyang namulatan. At sa pag umpisa niya ng kanyang ninais na simpleng pamumuhay, na kilala niya ang isang mayaman na lalaki na si Ged. Nagmula din ito sa isang mayamang pamilya. Pero katulad niya ay nais din nitong takasan ang buhay na meron ito.
Hindi nagtagal nahulog ang kanyang loob sa lalaki. Naging masaya ang kanilang pagsasama. Hanggang sa bumalik ang babaeng una nitong minahal.
Saan nga ba siya dapat lumugar sa buhay ng binata? May puwang ba siya sa puso nito?
Isang Heredera ang dalagang si Kate. Nag iisa siyang anak ng kanyang mga magulang na nagmamay-ari ng isang malawak na hacienda. Masasabing perpekto ang kanilang pamumuhay. Mayroon siyang mabait at mapagmahal na mga magulang. Subalit, ang lahat ng iyon ay nagbago ng tumuntong siya sa wastong gulang. Sapagkat, sa hindi niya malamang dahilan ay ipinagkasundo siya ng kanyang Ama, sa anak na lalaki ng kaibigan nito. Na isa ding Haciendero. Ilang araw matapos niyang malaman ang kasunduang iyon at ang nakatakda niyang pagpapakasal sa lalaking hindi niya mahal, ay animo bula na naglaho ang kanyang kasintahan na si Raymart. Dahil sa labis na pagmamahal niya sa binata, nagawa niyang tumakas sa mismong Araw ng kanyang kasal. Kasal sa lalaking hindi niya mahal!
Makalipas ang limang taon, muling nag krus ang landas nila ng kasintahan. Subalit, nakatakda na itong ikasal sa ibang babae. Labis siyang nasaktan dahil sa kanyang nalaman. Kaya nagdesisyon siya na bumalik ng Pilipinas, at harapin ang kanyang inabandona na mga magulang. At sa kanyang pag-uwi hindi niya akalain ang madaratnan niyang kalagayan ng mga ito.
Nagsimula siyang muli, kasama ang kanyang pamilya. Subalit, ang inaakala niyang simple at masayang pamumuhay na mayroon sila ngayon, ay panandalian lang pala. Dahil naka handang gawin ng binata ang lahat makapag higante lamang ito sa kanyang pamilya.
Hanggang kailan niya kakayanin ang magtimpi para sa lalaking minamahal? At hanggang kailan dapat manaig ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa binata?