Story By Diena_M
author-avatar

Diena_M

ABOUTquote
Hi! I\'m Daina Madorable known as Diena_M. Filipino aspiring writer, trying to share my novel. I hope you like and support my novel. Thank you.
bc
Love Thy Mistake
Updated at Dec 29, 2025, 01:49
Aliyah wants a new start in her life kaya nagpasya siyang umalis sa kanilang bahay at manirahan mag-isa. She thought it was easy, but being independent is very difficult, lalo na't ang kaniyang buhay ay umiikot na may katuwang sa buhay. Ngunit hindi niya inaasahan na doon niya rin matatagpuan ang pag-ibig... isang makasalanang pag-ibig na hindi niya matatakasan gaya ng kung paano niya tinakasan ang marangyang buhay na kinagisnan. They both knew it was a mistake to fall in love with each other ngunit pinili parin nila na makasama ang isa't isa. Ngunit hanggang saan nila kayang panindigan ang makasalanang pag-ibig na ito? Maipaglaban kaya ito ng isa sa kanila hanggang dulo o, hahantong sa pagpapalaya at pagsuko?
like
bc
His Personal Maid
Updated at Nov 12, 2024, 20:38
Gusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan hindi mo nakitaan na mayroon din siyang pagmamahal sayo katulad ng pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya? Ang hirap. Iyong lihim mong minamahal ang isang tao at hanggang tanaw ka lang. Nakakapanghina. Kung sabagay, sino ba siya para mapansin at magustuhan ng lalaking gusto niya? Isa lang naman siyang langaw na sampid sa angkan nila. Ilang taon na ba siyang naninilbihan sa pamilyang Montefalco? Halos isang dikada na. Minahal naman siya ng pamilyang ito ngunit yung pagmamahal na inaasam niya...hindi niya pa naramdaman. Palagi nalang siyang nag-aasam. Pait siyang napangiti habang nakatanaw sa lalaking matagal na niyang iniibig. Ang lapit lang nila sa isa't isa ngunit nahihirapan siyang ito ay abotin. Hanggang maid na lang ba ang tingin nito sa kanya?
like
bc
Contract Marriage To Mr. Billionaire
Updated at Nov 4, 2024, 20:10
"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne.____________Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwapo, malakas ang karisma at higit sa lahat isang bilyonaryo? Ngunit sa edad na tatlumpung taong gulang wala pa itong nobya. NO GIRLFRIEND SICE BIRTH in short NGSB dahil hinihintay niya ang pagbalik ng dating minamahal. Subalit, minamadali na siya ng kanyang ina na mag-asawa. Kaya nang dumating ang bagong kasambahay nilang si Gueene, agad niya itong pinakilala sa mga magulang na fiance niya ito. Gulat at pagkalito ang naramdaman ni Gueene dahil bilang isang kasambahay ang ipinunta niya, ngunit hindi trabaho ang kanyang nadatnan kundi ang maging asawa ng isang binatang bilyonaryo.Anong klaseng buhay kaya ang kanyang matatamasa sa poder ng mga Montagne? Ito na ba ang kasagutan sa kanilang kahirapan o ito ang simula upang lalong maging magulo ang kanyang buhay?Paano kung muling bumalik ang babaeng unang iniibig ng binata, panindigan kaya ni Razen Isaac ang kanyang mga sinumpaan sa asawa o magpadala sa bugso ng damdamin?Hanggang saan hahantong ang pagiging mag-asawa nila gayong una palang wala na silang pag-ibig na naramdaman sa isa't isa?
like
bc
Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma
Updated at Feb 27, 2024, 16:23
Young, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip sa basket na pinaglagyan ng munting anghel.Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya, hindi niya alam kung sino doon sa kanila ang ina ng bata. Hindi niya kayang alagaan na mag isa ang bata lalo na at may negosyo siyang kailangan siya. Kaya nag hire siya ng yaya para sa anak niya.Nadia Carnaje-isang ulila, magaling na mang aawit at raketera na nangangarap na makapasok sa mansiyon ng mga Montefalco. Pangarap niyang maging isang sikat na mang aawit, ngunit mas pinili niya ang maging isang yaya ng anak ng babaerong si Enrico Joaquin Montefalco. Ano ang maging papel ni Nadia at Baby Gio sa buhay niya, is it good or bad? Is he accept the fact and reality na isa na siyang ama o magpatuloy sa buhay na kinasanayan niya?Ito na ba ang karma sa pagiging babaero niya?
like
bc
Montefalco Series 1: Mapaglarong Tadhana
Updated at Aug 9, 2023, 07:22
Magkasabay na namatay sa car accident ang mga magulang ko. Iniwan nila ako sa malupit kong Tita, ang kapatid ni mama na si Tita Fely. Sinasaktan niya ako, binubogbog araw-araw. Ngunit lahat ng iyon ininda ko dahil alam ko may malalim siyang dahilan. Naging biktima ako ng panggagahasa nang magkayayaan kaming magkaibigan na maligo sa batis kasama ang boyfriend ko at ang mga pinsan niya. Ngunit, hindi ko nagawang bigyan ng hustisya ang ginawang panggahasa sa akin o kahit magsumbong sa pulis dahil hindi ko man lang nakita ang hitsura ng lalaki. Wala akong matibay na ebidensya. Walang naka saksi kundi ako lang. Nang dahil sa pangyayari na iyon, tinalikuran ako ng mga kaibigan ko na ang akala ko tunay ko silang mga kaibigan. Pati ang best friend ko hindi ako dinamayan, hindi niya ako tinulungan. Pinandirihan nila ako at tinalikuran. Ang masakit pa, pinalayas ako ni tita sa sarili naming pamamahay nang malaman niyang buntis ako. Wala akong mapuntahan dahil kahit ang boyfriend ko hindi na nagparamdam. Sinadya ko siyang puntahan sa kanilang bahay. Ngunit hindi ko inasahan ang gagawin niya sa akin. Pinagtabuyan niya ako, pinagsabihan ng masakit na salita, tinulak, at iniwan na parang isang basura na nakalupagi sa kalsada. Hindi niya ako tanggap lalo na ang anak namin dahil ang akala niya bunga iyon ng taong gumahasa sa akin. Imbis na pakinggan at tulungan, pinili niyang ako ay talikuran at pabayaan. Until, Edmund Javier Montefalco saved my life nang makita niya akong natumba sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Pinakain niya ako, inalagaan, pinatuloy sa kanyang bahay at inako ang responsibilad na hindi naman dapat siya ang gumawa. Siya ang naging sandalan ko sa mga panahon na lugmok ako at hindi niya kami pinabayaan ng anak ko. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana. Dahil ang taong tumulong sa akin ay siya pala ang taong gumahasa akin. Inamin niya sa akin ang kasalanang ginawa niya pagkatapos kong ipanganak si Isabella. Gusto ko siyang maparusahan sa ginawa niya sa akin, ngunit sa anong paraan? Ipagkatiwala ko ba iyon sa batas o ako mismo ang gagawa? Ngunit paano? Gayong sa puntong ito natutunan ko na siyang mahalin. Makayanan ko bang ipakulong ang taong mahal ko? Maibigay ko pa ba ang hustisya para sa sarili ko kung ang taong iyon ay parte na ng buhay ko? O, hahayaan ko na lang kung ano ang plano ng tadhana sa aming dalawa? Bakit sa ganitong paraan ako pinaglaruan ng tadhana?
like
bc
Montefalco Series 2: One Night Mistake
Updated at Aug 2, 2023, 07:56
Warning: R-18. Not suitable for young readers. Read at your own risk. ________Kapit sa patalim.Iyan ang ginagawa ng isang mahirap na katulad ko sa oras ng kagipitan. Mahirap. Nakakababa ng digninad. Wala na ngang pinag-aralan pinasok pa ang isang bagay na hindi makatarungan. Ngunit sa ngalan ng pamilya, pagmamahal,at sakripisyo,lahat kaya kong isugal maisalba lang ang buhay ng nanay ko. Pera kapalit ang dangal. Dangal na nawala para makasalba ng isang buhay. Ito ang mahirap para sa gaya kong isang mahirap ngunit wala kang pagpipilian kundi pasokin ito dahil ito lang ang naisip mong madaling paraan. "So, ano ang dahilan mo bakit sumama ka sa akin?" Mapang-akit niyang tanong sa mapusok naming halikan. "Pera," pa ungol na sagot ko sa sensasyon na nadarama. Dangal laban sa isang buhay na kailangan iligtas. Puri para sa perang inaasam. A one night mistake that changed my life forever that I can't escape.
like
bc
My Ruthless Mafia Husband
Updated at Jul 28, 2023, 00:52
Warning: R-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin ang binata, sa isang iglap paggising niya, itinakda na siyang magpakasal sa lalaking kinahumalingan niya nang maabutan sila ng ama ni Emmanuel na hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Emmanuel's father forced him to marry her because for him, it is such a embarrassment to the clan of Montefalco to fuck a girl without marrying her. Kaya wala siyang nagawa, natatakot din na mangatwiran dahil isang David Montefalco ang kanyang kaharap. Akala niya maging masaya siya kapag ikinasal siya sa taong gusto niya, ngunit isa palang impeyerno ang buhay niya sa kamay ng asawa. Walang araw na hindi niya ito sinasaktan, physical, emotional. At lahat ng iyon binalewala niya dahil may kasalanan rin siya... At mahal niya ang kanyang asawa. What would you choose, love or revenge? Emmanuel Montefalco, a CEO, a Multi Millionaire, and also known as a ruthless mafia. Pumasok sa isang organisasyon upang hanapin ang taong nagtangka na patayin ang kanilang pamilya at walang iba kundi ang ama ng kanyang napangasawa. He is known as a feared, ruthless and cold hearted person. Kahit si kamatayan hindi niya kinakatakutan. Pero nang dumating sa buhay niya ang kanyang asawa, bawat oras, bawat sigundo, takot na takot siya dahil baka isang araw mawala sa piling niya ang asawa dahil sa kawalanghiyaan na ginawa niya dito. Magtagumpay kaya siya sa plano niyang paghihiganti? Makuha kaya niya ang hustisya na kanyang ninanais o, mahulog sa sariling patibong at sumuko nalang dahil sa pag-ibig?
like