Hindi maikakailang maganda ang dalagang may labit-labit na balde ng tubig.
Kahit na nakayuko ito ay mababakas ang maamo at kaakit akit nitong mukha.
Si Eros ay nagbabakasyon sa probinsyang iyon nang magawi sila ng kaniyang mga pinsan sa paa ng bundok na hindi naman kalayuan sa bahay ng kaniyang tiyo.
"Anton, sino iyon?" tanong niya sa pinsang nanginginain ng mangga.
"Si Helena yan" pabulong na sagot nito sa pagitan ng pagnguya sa prutas. "Huwag na huwag mong sisipulan o sasabihan ng masama, mas maigi pang huwag mong titigan" namimilog ang mga mata pang sabi nito sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin e titingnan ko lang naman o magpapakilala ako, hindi ko babastusin" akmang lalapit siya sa dalaga nang hilahin ni Anton ang kaniyang mga kamay. Hinawakan siya nito ng mahigpit at nang makalayo layo na ang dalaga ay saka ito nagsalita.
"Huwag kang magkakamali pinsan, baka bukas hindi ka na namin makitang buhay. Maraming kalalakihang dayo na ang hindi natatagpuan sa tuwing kinukursunada nila ang apo ni aling Huling." saad nito sa mababang boses. Nagulat siya at nagtanong pa.
"Bakit naman nawawala?"
"Usap- usapang aswang at mambabarang ang lola niyan"
Nanlaki ang kaniyang mata sa narinig. Bilang laking siyudad ay hindi na siya naniniwala sa mga ito.
Tiningnan niya ang papalayong dalaga. Sa hindi inaasahan ay lumingon ito pabalik at nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti naman siya at kumaway.
'Bahala na, kung mamamatay e ano naman. Basta ba siya ang kakain sa akin!' pilyong sabi niya sa kanyang utak.
Istorya ito ng magkababatang nagkasama sa isang apartment. Si Allyssa at Patrick. Parehong may itinatagong paghanga sa isa`t isa. Both needed to be rescued. May sikretong makakasira ng relasyon. Unhealed wounds from the past. Read as to where their story can lead us to somewhere beautiful
PEERS SERIES
GEORGINA
Since first year high school crush ko na siya.
I love stargazing and I wished our paths would cross eventually. He's a bad boy and I thought I could change him. He noticed me, it's hard to get married at 19 you know. It's hard when you're not who he considered his great love. Was I the only one inlove?
I regret nothing though since I gave my all.
Tragic isn't it?
Sigh. Georgina's Tragedy