Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Pero paano kung siya mismo ang dahilan kaya ka muntikang mamatay?
Si Klea ay isang babaeng nagmamahal ng tapat at tunay. She is the one na maipagmamalaki mo at iyan ang naging panlaban ni Miguel kaya malakas ang loob nitong lokohin ang kasintahan.
Maninindigan ba si Klea na si Miguel ang itinadhana sa kaniya o magiging katulad siya sa mga babaeng pinatay nito?
Sheena Morales ay isang gym instructor. Ang mga lalaki ay nahuhumaling sa kaniya pero umaasa siyang makilala ang lalaki sa kaniyang panaginip kaya kahit binubuyo na siya ng kaibigan ay hindi niya masabi ang katotohanan na gusto niyang makilala ang ideal man niya na katulad ng kaniyang nasa panaginip.
Will she find her love kahit hindi niya ito hanapin o pipiliin niya ang ideal man niya kahit nakatali na ang kaniyang puso sa lalaking hindi niya pinangarap na makasama habang buhay?