Story By Ivory
author-avatar

Ivory

bc
You're a Traitor
Updated at Apr 29, 2024, 18:52
Halos lahat ay nakay Agatha na ang pagiging maganda ,mayaman, matalino at nakapagandang hubog ng katawan nito, halos maraming kalalakihan ang nabibighani dito mapa- bata oh matanda man ay naiinlove dito. Kaya naman kinaiingitan ito ng ibang kababaihan dahil ang mga lalaking nais nila ay si Agatha ang gusto. Isa na dito ay ang matalik niyang kaibigan na si Hazel ngunit hindi niya ito alam na may inggit at halong galit sa kanya ang kanyang matalik na kaibigan. Matapos ng ilang buwang panliligaw sa kaniya ni Timothy ay sinagot niya na ito. Kaya naman mas lalong nainis sa kaniya ang kaibigan nito. " Sisiguraduhin kung makukuha ko si Timothy nasayo na ang lahat pero hindi ako papayag na pati si Timothy ay makuha mo kaya sisiguraduhin ko na maghihiwalay kayo" sigaw sa utak ni Hazel. Makailang taon ang dalawa ay maayos ang samahan ng magkasintahan ngunit hindi nito alam na ilang taon na din itong pinagtataksilan ng kanyang kasintahan at ng kanyang matalik na kaibigan. Ano kayang gagawin ni Agatha kapag nalaman niya na nagtataksil sa kanya ang dalawang taong pinagkakatiwalaan niya? Makakayanan kaya niya ito? Kapag dumating ang panahong iyon muli ba syang magtitiwala at magmamahal muli?
like