PAG SUYO LANG ANG GUSTO KO,PERO BAKIT PAG SUKO ANG NATANGGAP KOUpdated at Mar 7, 2021, 23:19
PAGSUYO LANG ANG GUSTO KO, PERO BAKIT PAG SUKO ANG NATANGGAP KO
I love my boyfriend so much, tipong patatawarin ko siya kahit hindi pa man siya nag sosorry o gumagawa ng bagay para mag kaayos kami. Halos lahat na ata ng kaibigan ko ay nasabi na hiwalayan ko na siya pero hindi ko ginawa. Mahal ko e'.
He always let me sleep at night even if Im not okay o kahit na may problema kaming dalawa. Hindi siya sanay manuyo, hindi siya gaya ng ibang lalaki na susuyuin ang girlfriend nila dahil ayaw na matulog 'tong masama ang loob.
Sa loob ng dalawang taon, tumagal ako sakaniya kahit na gano'n ang palaging nangyayari. Mag tatampo ako pero hindi niya ako susuyuin. Ang ending? Susuyuin ko ang sarili ko.
Pero ngayon, hindi ko pinalampas ang ginawa niya. I saw him chatting with his ex again. I asked him so many time pero iniiba niya lamang ang usapan. Hanggang mapuno ako. I confronted him.
"Bakit nag uusap na naman kayo?" Chat ko sakaniya.
Halos 30 mins siya bago mag reply at isang "Ano?" Lamang ang natanggap ko.
"Bakit mag kausap pa rin kayo ng ex mo?"
"Nag uusap lang naman kami, walang ibang meaning 'yon." He replied.
"Wala ka naman dapat ikaselos. Wala lang 'yon." Dagdag pa niya.
Bumuntong hininga lamang ako at mag rereply na sana para mag kaayos na kami, ngunit naisip ko muna na pahabain 'yon at mag pasuyo sakaniya.
"Ah sige." Reply ko sakaniya. Natatawa nalamang ako sa inaasta ko ngayon.
"Galit kana niyan?" Reply niya. Tingnan mo 'to, galit na rin agad siya.
"Hindi haha." Reply ko.
"Problema mo?"
"Selos ka na naman?" - him.
"Wala, hindi haha." Selos na selos ako sobra! Mga salitang gusto kong bitawan ngunit mas pinili kong iklian ang reply upang makita