"Miss Cathy, ayon sa resulta ng laboratory test, ikaw ay may sakit na cancer stage 4. May 100 araw ka na lang na natitira—katumbas ng humigit-kumulang tatlong buwan at sampung araw."Yan ang umalingawngaw sa isipan ni Catherine "Cathy" Santiago habang naglalakad papasok sa isang bar. Isang simpleng dalaga, 26 na taong gulang, walang naging kasintahan, at nananatiling birhen. Sa halip na malugmok sa kanyang taning, pinili niyang harapin ang nalalabing araw sa paraang hindi pa niya kailanman naranasan—buong tapang, may halong pait at pag-asang maranasan ang tunay na kalayaan, pagmamahal, at lahat ng hindi niya nagawa. Sa gitna ng paglipas ng bawat araw, may makikilala kayang magpapabago ng kanyang kapalaran?
Sa mata ng mundo, si Zaina Zamora ay isang simpleng babae—walang boyfriend mula pagkabata, nagtitinda ng kakanin, at tahimik ang buhay. Pero sa likod ng kanyang ngiti ay isang lihim na ahente na sanay sa pagpatay, paglusob, at pagsira ng mga sindikato.
Isang araw, sa kagustuhang maging ina, nagpasya siyang maghanap ng sperm donor. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking sasagot sa ad niya ay walang iba kundi si Red Paris—isang guwapong billionaire na siya mismong iniimbestigahan sa isang mapanganib na cybercrime case.
Habang lumalalim ang misyon, mas nagiging malabo ang hangganan ng tama at mali, ng trabaho at damdamin. At sa pagbabalik ng madilim na nakaraan, matutuklasan ni Zaina ang kanyang tunay na pagkatao—ang prinsesa ng isang assassin at mafia empire.
Ngayon, haharapin niya ang pinakamahirap na misyon: ang magmahal habang nilalabanan ang kapalaran.
KAMBAL, iyan ang naiwan ni Dave kay Anastasia, matapos siya nitong pagtaksilan.
Nilisan ni Anastasia ang dati niyang buhay bilang assassin ng organisasyong Dark Moon at tagapamahala ng mga ari-arian ng pamilya Clinton bilang nag-iisang tagapagmana kapalit ng buhay sa piling ni Dave.
Ang buong akala ni Anastasia ay nahanap na niya ang labis na kasiyahan dahil sa naging relasyon nila ni Dave pero may nangyaring hindi inaasahan.
Natunghayan mismo ng mga mata ni Anastasia na katalik ni Dave ang best friend niyang si Katrina, na labis na nagpadurog sa puso niya.
Simula noon ay pinili ng dalaga na mangibang bansa at buhaying mag-isa ang kambal niyang supling. Inilaan ni Anastasia ang buhay niya pag-aalaga sa dalawa. Nagbalik-loob din ang dalaga sa dati niyang buhay bilang tagapamahala ng ari-arian ng pamilya Clinton at bilang isang assassin.
Ilang taon ang lumipas ay nagbalik si Anastasia sa Pilipinas kasama ang kambal niyang anak matapos siyang pagnakawan ng mga kasosyo niya sa negosyo. Sa muling pagkakataon ay nagkita rin sila ni Dave.
Hahayaan pa kaya ni Anastasia na kumatok sa puso niya ang binata matapos siya nitong labis na sinaktan?
Manumbalik pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan?
Makuha kaya ni Dave ang loob ng kambal niyang anak?
Paano kung malaman ni Dave ang tunay na pagkatao ni Anastasia?
Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pangalan ang puhunan—at si Rhianna Montenegro ay walang sapat na karapatang gamitin ito. Isang anak sa labas na pilit tinatanggap ng kanyang pamilyang may pangalan, pinili niyang tumahimik at magsikap upang patunayan ang sarili. Sa loob ng Rodriguez Company, isa siyang modelo ng sipag at disiplina, tahimik ngunit matatag.Ngunit sa likod ng kanyang katahimikan, may mga lihim na gustong lumaya.Isang araw, isang estranghero ang dumating sa opisina ni Mr. Rodriguez—at sa isang sulyap, nagbago ang lahat. Ang lalaking ito ay may dalang katotohanang kayang iangat o wasakin ang mundong maingat niyang binuo. Sa pagitan ng katotohanan at pagkatao, kailangan ni Rhianna mamili: itutuloy ba niya ang tahimik na buhay o haharapin ang lihim na maaaring magbunyag ng kanyang tunay na pagkatao?Isang kwento ng pagkakakilanlan, pag-ibig, at pagtanggap sa sarili sa gitna ng mga mata ng lipunang mapanghusga.