LABAN SA AGOSUpdated at Apr 11, 2025, 19:35
Ito ang kwento ng isang binatang seaman na pinatunayan na hindi lahat ng nasa barko ay marunong lamang magmahal sa iba’t ibang pantalan. Sa kabila ng masamang imahe na ikinakabit sa kanyang propesyon, pinatunayan niyang tapat ang puso niya sa iisang babae—isang simpleng dalagang minahal niya higit sa lahat.Hindi naging madali ang kanilang pagmamahalan. Tumutol ang kanyang mga magulang, naniniwalang hindi angkop ang dalaga sa buhay na nais nila para sa anak. Pero hindi siya natinag. Pinaglaban niya ito—hindi lang laban sa distansya, kundi pati laban sa mga mata ng pamilyang hindi makakita sa purong pagmamahal nila.Sa bawat pagbabalik niya sa dalampasigan, siya’y muling umuuwi sa babaeng pinili niyang mahalin, kahit ilang ulit pa siyang tangayin ng alon ng dagat. Dahil para sa kanya, ang tunay na lalaki—seaman man o hindi—ay hindi sumusuko sa tunay na pag-ibig.