The Tale Of Zero MCKENLYUpdated at Feb 8, 2021, 16:57
— PROLOGUE —
The Doll, The Murder and The Apartment
“How was your day, babe? Do you want me to massage your body?”
Normal lang naman siya noong unang araw kong makilala.
Normal lang rin ang biglaan niyang pagbati sa akin at pagtawa nang nakahubad dahil iyon naman talaga ang aasahan ko sa isang sex doll—ang maging makatotohanan sa paningin ko.
Kahit pa magdamag lang siyang nakaupo sa sofa habang nakatingin sa malayo at hindi kumukurap, napapatitig pa rin ako dito dahil humahanga ako sa perpektong pagkakagawa ng manufacturer sa kaniya.
Paano ba naman, ang sex doll na ito ay maihahalintulad ko sa mga modelo ng mga sikat na international fashion magazines. Makapal ang kilay. Matangos ang ilong. Kulay kayumanggi ang mapupungay na mga mata. Mapupulang labing mapagkakamalan mong totoo. Dumagdag pa sa sex appeal niya ang magulo niyang kulay itim na buhok at malaki niyang pangangatawan na may six pack abs pang bumabandera