Part 1

2146 Words
“JUST-mine!” Nag-echo ang buong-buong tinig na iyon ng lalaking bumungad sa lobby ng Meralco Theater. Ang mga nakapilang manonood ng musical play ay iisang matang napunta ang direksiyon sa lalaki. Parang walang pakialam sa pagkakatawag nito ng pansin sa mga naroroon. Ang mga hakbang ng lalaki ay papunta sa gawi ni Jasmine. Alam niya na sa kanya ipinatutungkol ang pagtawag na iyon. At nawala sa normal ang pagtibok ng kanyang puso. Ibinaling niya ang tingin sa dalawang ushers na nagsisimula nang magpapasok ng audience. Humugot siya nang malalim na paghinga para mabawasan ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib. “Just-mine,” muling tawag nito. Nakalapit na ito sa kanya at sa pagkakangiti ay nakadagdag sa kaguwapuhang taglay nito ang dimple sa magkabilang pisngi. Nanatili siyang nakapako sa pagkakatayo. Ang isang kamay ay mahigpit na ikinapit sa strap ng shoulder bag. Sa paglapit ng lalaki ay naramdaman niya ang panlalamig ng buong katawan. “Just mine…” Ngayon ay nasa mismong tapat na niya ito. Wala siyang magagawa kundi salubungin ang tingin nito. “Nakalimutan mo na ba ako?” Kung amusement ang kasama sa mga ngiti nito ay hindi niya alam. At gusto niyang mainis sa klase ng tanong ng lalaki. “Of course, I still remember you.” Deretso niyang tiningnan ang mga nito. Isinugal niya ang pagkakataong iyon kung ano ang makikita sa mga mata nito o kung sa kanya ay mayroong masisinag na nakaraan. Parang may gumuhit na kirot sa kanyang puso. Ang nakikita niya ngayon sa mga mata ng lalaki ay recognition sa dating kakilala. Wala na ang kakaibang kislap sa mga mata nito tuwing magkakatinginan sila kapag flag ceremony noong high school days nila. Sumunod si Jasmine sa paggalaw ng pila. “Mag-isa ka lang?” Sumabay sa lakad niya ang lalaki. Tumango siya. Narinig niya ang mahinang tawa nito. “You haven’t change,” amused nitong sabi. “Lagi ka pa ring mag-isa kung lumakad, Just-mine.” “Kung pagbabatayan ko ang hitsura mo ngayon, gusto kong isiping nagbago ka na. Why, you look like man of the world sa kilos at ayos. But there’s something in you that remains the same,” sabi niya rito. Matamis itong ngumiti sa kanya. “Jasmine. Hindi ko matandaan kung ilang beses kong itinama sa iyo ang pangalan ko, pero ‘just-mine’ ka pa rin ng ‘just-mine’,” mariin niyang sabi. Nasa tapat na siya ng usher at iniabot ang ticket dito. Tumikhim ang babaeng kasunod ni Jasmine sa pila. Sabay silang napalingon. Salubong ang guhitang kilay nito at isa lang ang gustong ipakahulugan sa kanila. Ayaw nitong pasingitin ang lalaking iaabot na rin sana ang ticket sa usher na nakatalaga roon. Nakakaunawang lumayo sa kanya ang lalaki. “Reserve a seat for me,” sabi nito sa kanya bago pumunta sa pinakadulo. Nagmamadali ang mga hakbang niya nang makapasok sa loob. Pinili niya ang upuang nag-iisa sa pagitan ng magkakagrupo. Marami ang tao sa loob. Isinandal niya ang likod at itinuon ang mga mata sa madilim pang entablado. Naramdaman pa niya ang eratikong t***k ng puso. Nakita niya ang lalaki na lilinga-linga. Hinahanap siya. Hindi siya kumilos sa kinauupuan. Ayaw na niyang makalapit pang muli sa lalaking iyon. At lihim siyang nagpasalamat nang makitang umiling ito at humanap na ng sariling upuan. Ini-off niya ang dalang cell phone nang ihudyat ang pagsisimula ng palabas. The Lion, The Witch and The Wardrobe. Talagang hinintay niya na ipalabas ang musical na iyon. Hindi siya magtitiyagang manood mag-isa kung hindi siya interesado sa play. Nasa kalahati na ang play pero ang isip niya ay wala sa palabas. Bumalik sa isipan niya ang alaala ng nakaraang gusto na niyang mawala sa kanyang sistema…   “CLASS, meet your new classmate, Jasmine Cabrera.” Nakangiting inihatid siya ng teacher sa isang bakanteng upuan sa unang row. Lahat ng third year students sa classroom na iyon ay curious na nakatingin sa kanya. Isa-isa niyang sinalubong ang mga tingin ng mga ito at sa dakong hulihan ay natigilan siya. Iyon lang ang lalaki sa row na iyon. Mataman ang tingin sa kanya ng naturang kaklase. Prominente ang matangos nitong ilong pero nang magtama ang kanilang paningin ay ngumiti ang lalaki at isa lang ang adjective para mai-describe ito. Cute. Especially with his charming smile. At sa pandinig niya ay pumailanlang ang himig ng noon ay pinaka-in na kanta: “Unchained Melody.” Sa kanyang isip ay tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya. “May I?” Ang kamay nito ay nakalahad sa kanya. Isasayaw siya! Kalabit ng seatmate ni Jasmine ang pumutol sa pangangarap niya nang gising. At pakiramdam niya ay naipon ang lahat ng dugo niya sa pisngi nang masulyapang nakangiti pa rin sa kanya ang lalaki. “May sinasabi sa iyo si Ma’am Clemente.” “Yes, Ma’am?” Naging uneasy siya sa pagkakaupo. “I said tell your classmate something about yourself.” Mukhang mabait ang teacher. Isinenyas sa kanya na tumayo at magpakilala. Nag-ipon ng hangin sa dibdib si Jasmine bago tumayo at humarap sa kaklase. “Good morning!” bati niya sa mga ito. “Just what Mrs. Clemente said, I’m Jasmine Cabrera.” Ngumiti siya at iniiwas ang tingin sa huling row. Kung hindi ganoon ang gagawin niya, baka magkabuhol-buhol ang kanyang dila at wala siyang masabi. Hindi na siya si Jasmine Cabrera kapag nangyari ang ganoong pagkawala ng composure niya. “I can describe myself in few words. Typical Gemini. I can easily mingle with people and also tend to be a loner sometimes. By the way, I’m only twelve.” Umugong ang bulungan sa classroom na iyon. Huminto siya sa pagsasalita. Hindi na siya nagtaka sa mga reaksiyon ng mga bagong kaklase. Sinenyasan siya ng teacher na maupo na. Nagsisimula nang mag-ingay ang klase at siya ang topic. Hindi nakatiis ang lalaki sa hulihan, itinaas nito ang kanang kamay at tinawag ang pansin ng guro. Pinatahimik ng teacher ang mga estudyante. “Your classmate at the back has something to say. Let’s give him the floor.” Tumayo ang lalaki. Nakipag-apir pa muna ito sa isa pang lalaking nasa harapang row. “Ma’am, baka naman nagkamali nang pinasukan `yong bata. Sa kabilang building ang Elementary Department. Puro fifteen years old na kami rito. `Di ba dapat grade six lang siya?” Wala sa tono nito ang pang-iinsulto pero sumabog na ang tawanan sa claassroom. Namumulang tumayo si Jasmine. “Excuse me—” Nagsalubong ang mga kilay ng teacher. Tumayo na ito. “No, Jasmine,” putol nito sa kanyang gustong sabihin. “Go back to your seat, and also you, young man.” Naroon pa rin ang inis sa kanyang dibdib nang magbalik sa upuan. Bumulong sa kanya ang katabi. “Huwag mo na lang pansinin `yon. Scholar kasi, kaya ganyan. Ako nga pala si Caroline.” Friendly ito. “Listen, everybody. Though Jasmine is only twelve, she really belongs to this class. She has successfully passed the examinations needed to be accelerated in this level.” May pagmamalaking sinulyapan siya ng teacher. “Brain and beauty ka pala,” siko sa kanya ni Caroline. Nagsimula na naman ang iba’t ibang reaksiyon ng mga kaklase niya. “Enough for that. Let’s proceed to our election of officers.” Ang teacher muna ang nagsilbing chairman. Tumayo na kaagad ang isa niyang kaklaseng babae sa huling row. “I nominate Oliver Caballero for president.” Parang kinikilig pa nitong tiningnan ang lalaking katabi. “I move the nomination for president now be closed,” sabi ng isa pang estudyante. Hiyawan ang iba pa. Sa tingin ni Jasmine ay hindi lang tatlo ang tumayo para sabihing “I second the motion.” Naiiling na lang na ibinigay ng teacher ang floor kay Oliver. Unanimous decision. Kampanteng nagpunta sa harap ang lalaki. Itinaas nito ang dalawang kamay bilang pagpapatahimik sa buong klase. Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Thank you, classmates, for giving me this position for the third time.” Bahagya pa itong yumukod. Palakpakan ang buong klase. Tumaas ang kilay ni Jasmine. Anong klaseng election ito, lokohan? Pero hindi siya makapagprotesta. Nilingon niya si Caroline at nakikipalakpak din ito; maging ang teacher ay hinahayaan na lang ang mga ito sa pagkakatuwaan. “Now, classmates...” Muli ay inagaw ni Oliver ang atensiyon ng mga kaklase. “If I may have this opportunity to say sorry to Jasmine.” Dalawang hakbang lang at nasa harap na niya ito. Nakalahad ang kamay ni Oliver. “Peace?” Ang ngiting tumawag ng pansin niya noong una ay nasa mga labi nito. Gusto na niyang mag-back out. Kanina pa ay laging sa kanya natutuon ang pansin ng mga kaklase. At sa ginawa ni Oliver ay may tuksuhan pa siyang naririnig. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito sa kanya. Kung hindi siya nakaupo ay malamang na bumagsak siya. Dama niya ang panlalambot ng kanyang mga tuhod nang magdaop ang kanilang mga palad. Bakit para siyang nakuryente? At nang magtagpo ang kanilang mga mata ay muling pumailanlang sa kanyang pandinig ang himig ng “Unchained Melody.” Iglap lang at ang baywang niya ay nakakulong na sa mga bisig nito. Ang kanilang mga mata ay nananatiling magkahinang sa saliw ng musikang tanging si Jasmine lang ang nakakarinig. “Am I forgiven?” Si Oliver na ang palad ay nakahawak pa rin sa kanya. Namumulang tumango si Jasmine at binawi ang kamay. Nahalata kaya nito ang pangangarap niya nang gising? “Nomination na for vice president!” sabi ng isang estudyanteng may-katabaan. Bumalik na sa harap si Oliver. Nakita niya ang paghugot nito ng hininga nang minsan pa siyang tinapunan ng tingin. “If you voted me unanimously, may I request all of you to give the vice president position to Jasmine. I think we can be good partners.” Namangha siya sa sinabi nito. Walang nag-object. Pero hindi masaway ng teacher ang kanya-kanyang tuksuhan at kantiyawan sa kanilang dalawa. “Suwerte mo, Jas. Ikaw lang ang binigyan ni Oliver ng ganyang klase ng atensiyon. Iyong ibang high school students, sila na halos ang nanliligaw kay Oliver pero ‘no pansin’ sa kanya,” bigay-impormasyon ni Caroline. “I don’t need his special attention,” mahina niyang sabi. Ayaw niyang ipahalata kahit kanino ang nararamdamang kakaiba mula kanina. Tiningnan muna siya ni Caroline bago muling nagsalita. “Sorry, nakalimutan ko. Feeling ko kasi, kaedad ka namin. Twelve ka nga lang pala. Siguro, pag-uwi mo sa bahay, Barbie doll pa rin ang hawak mo, `no?” Wala sa loob na napatango siya rito.   IN-ANNOUNCE sa speaker ang fifteen-minute break ng musical play. Bumukas ang mga ilaw sa gilid ng teatro. Itinago ni Jasmine ang sarili sa upuan. Lihim na naidasal na huwag sana siyang hanapin pa ni Oliver. Hindi niya akalaing magtatagpo pa sila ng landas ng lalaki. At dito pa mandin. Kailan pa nagkaroon ng interes si Oliver na manood ng play? He hated watching this kind of show. Ilang beses bang humihingi ng pabor sa kanya si Oliver noon para igawa niya ng review ang pinapalabas sa school nila? Ang natatandaan niya ay nandoon din ito sa school grounds para mag-check ng attendance nila at pagkatapos ay isasaksak sa tainga ang headphones ng dalang walkman, saka makikinig ng music mag-isa.   STANDING ovation ang play. At habang ang mga manonood ay sinusulit ang kahuli-hulihang minuto ng production ay mag-isa nang umalis si Jasmine. Nakahinga siya nang maluwag nang nakasakay na siya sa kotse. Luminga pa nang minsan para matiyak na hindi na nga siya nasundan ni Oliver. Ini-start niya ang makina ng sasakyan. Ilang sandali pa at binabaybay na niya ang kahabaan ng Ortigas Avenue. Wala nang traffic dahil alas-onse y medya na ng gabi. Minuto lang ang lumipas at pina-park na niya ang sasakyan sa basement ng building kung saan nandoon ang condo unit niya. Pero muntik na siyang himatayin nang sa pagbukas ng elevator sa fifth floor ay nabungaran ang lalaking iniiwasan pa mandin niya. “Unit 503, Orlando Condominium, San Juan…” Parang nakakaloko ang ngiti nito sa kanya. “How did you know my place?” Tumaas ang boses niya. Gusto niyang itago ang kabang bumangon sa kanyang dibdib. Kung excitement o takot dahil sila lang dalawa sa pasilyo ay hindi niya alam. “Ikaw na ang may sabi kanina, I look like a man of the world now. I’m just acting to your belief.” “Know what? It’s already late. I can’t invite you in. You may go now, Oliver.” Tumapat na siya sa pinto ng unit niya. “It’s nice to hear my name from you. I thought you have forgotten it already. See you…” At iniwan na siya nito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD