Part 2

1983 Words
BILING-BALIGTAD si Jasmine sa pagkakahiga. Nang hindi pa rin dalawin ng antok ay bumangon at isinalang ang CD sa player na siya niyang tanging kapiling sa maraming magdamag na gaya ngayon.   Oh, my love, my darling I’ve hungered for your touch A long, lonely time And time goes by So slowly and time can do so much…   Pero nagkamali siya. Sa halip na hilahin na siya ng antok sa maayos na tulog ay lalong nagising ang kanyang diwa. And memories she treasured in the most special part of her heart for ten years came flooding in…   NAGKAKAGULO ang mga estudyante ng III-Yakal. Section ni Jasmine iyon. Lipatan ng klase at ang susunod nilang subject ay Chemistry. Maraming estudyante ang nahihirapan sa Chemistry kaya una-unahan sa pagkuha ng upuan at pilian ng makakatabi. “Quiet…!” Natakot ang mga estudyante. Kilala na terror ang teacher doon, si Miss Neri. “Vacant all the seats! You will be arranged alphabetically,” istrikto nitong sabi. Bakas ang pagtutol sa bawat mukha ng mga estudyante pero walang umimik. Isa-isa nang tinawag ng teacher ang mga pangalan nila. At magkakatabi ang babae at lalaki. “Alfonso, Charlie… Alonzo, Maricar… Caballero, Oliver…” Iginala ng teacher ang paningin. Walang kumikilos. Hangos na bumungad ng classroom si Oliver at nag-sorry kay Miss Neri. “Let’s continue. Caballero, Jasmine…” Honest mistake. Pero lumikha ng malakas na ugong at bulungan ng mga kaklase nila. Naglakas-loob na magsalita si Jasmine. “Ma’am, ‘Cabrera’ po ang last name ko,” aniya. “I’m sorry,” hinging-paumanhin nito. “Anyway, please take the seat beside Oliver.” “Don’t you want to use my name? Me, I don’t mind sharing my name with you. In fact, I’d love to!” Hindi malakas ang pagkakasabi ni Oliver pero sapat para marinig ng iba pa nilang kaklase na isa-isang umookupa sa mga bakanteng silya. Inirapan niya ito. Nagsimula ang tuksuhan. Laging sila ang magkasama, sinadya man ng pagkakataon o hindi. Magka-row. Seatmate. Magka-group sa cleaners. Parehong class officers. At bawat special project ay sa kanilang dalawa ni Oliver ibinibigay ng teacher. At sa kahit anong project na gagawin nila ay extra-inspired siya sa pagtapos. Dahil kasama niya si Oliver. Crush niya si Oliver. First crush. At sa simpleng pagkakadikit ng kanilang mga braso sa pagkakatabi ng kanilang upuan sa Chemistry ay naghahatid sa kanya ng kilabot na masarap sa pakiramdam. Gayundin sa iba pang pagkakataon. Kapag nagkakatagpo ang kanilang mga mata ay iiwas siya ng tingin. O sa pagkakaharap nilang dalawa sa blackboard para sa graded recitation. Sa Geometry. She was barely twelve. At nahihiya siyang aminin na may crush na siya. Pero matunog si Caroline na naging constant companion niya. “Crush mo si Oliver, `no?” tukso nito. Hindi niya nakuhang magsalita. Pero ang biglang pagba-blush ng mestisahin niyang mukha ay nagpapahayag ng pag-amin. “Normal lang iyon. Promise, hindi ko ipagkakalat. At saka wala namang nag-iisip dito na twelve ka lang. Mas mukha ka pa ngang dalaga kung sa iba lang nating classmates. Maayos ka kasi sa sarili. Simple but elegant ba ang tawag doon?” Natakot siyang makarating kay Oliver ang lihim niyang pagtingin dito. Friendly sa kanya si Oliver. At ang competition sa pagitan nila ay sa loob lang ng classroom. Paglabas ng klase ay kabarkada pa halos ang turing sa kanya. At kahit silang dalawa ang mahigpit na magkalaban sa first place sa klase, supportive ito sa mga library materials na kailangan niya. Tiyahin ni Oliver ang librarian ng school at walang hirap dito ang pagre-research.   MATAPOS ang first at second grading periods, lalong naging stiff ang competition sa pagitan nila ni Oliver. Si Oliver pa rin ang top at hindi masasabing poor second si Jasmine dahil napakaliit na puntos lang ang lamang sa kanya ng lalaki. At sa unang pagkakataon na may nakaungos sa kanya ay wala siyang naramdamang sakit ng pagkatalo. And knowing that Oliver can beat her, academically, made her happy though. Isang linggo bago mag-Christmas vacation ay ipinagpaalam na siya ng kanyang daddy sa school authorities para um-absent. Approved na ang visa nilang mag-ama at anytime ay puwede na silang lumipad papuntang Amerika. Chemist doon ang mommy niya at hindi ito pinayagan ng kumpanyang pinagtatrabahuhan na mag-leave kung kaya sila ang pupunta sa Amerika. Magkahalong lungkot at saya ang nasa puso ni Jasmine noong huling araw niya ng Disyembre sa St. Peter Academy. Excited siya sa muli nilang pagkikitang mag-ina at malungkot din dahil mami-miss niya ang school Christmas party. Sila pa namang dalawa ni Oliver ang nagplano noon, kalagitnaan pa lang ng Nobyembre. Gumawa kaagad siya ng sulat pagdating na pagdating niya sa Amerika.   Dear Caroline,   Ganito pala rito. Lahat ng sinasabi ng mommy ko sa sulat, saka sa voice tape, personal ko nang nai-experience ngayon. And first time ko ring mararanasan ang white Christmas. Of course, masaya ako dahil buo kaming pamilya but I still miss you and our classmates. Kuwentuhan mo naman ako ng nangyari noong party ninyo riyan. And please tell Oliver that I’m sorry for not being with all of you. Kayang-kaya naman niya iyan kahit wala ako. Merry Christmas, Caroline, and to all of them.                                                                                                                                          Missin’ you,                                                                Jasmine     Hanggang doon lang ang kaya niyang isulat na nagme-mention kay Oliver. Dahil baka ipagmalaki ni Caroline sa mga kaklase ang card na ipinadala niya ay mabubuko siya. Sinagot ni Caroline ang sulat niya at hindi nga siya nagkamali. Mismong kay Oliver pa nito pinabasa ang card.       He was very hesitant to read your card. Hindi naman daw kanya bakit niya babasahin, although, alam niyang sa iyo nanggaling. Pero malungkot siya. At least, timing ang dating ng letter mo, mismong party, kaya para ka na rin naming kasama rito. I don’t want to mislead you, friend, but when I saw him reading your card on the part that you mention him, bigla siyang sumaya…   Hindi na niya sinagot ang sulat ni Caroline. Next week na ang flight nila pabalik sa Pilipinas at ang bahaging iyon ng sulat ang siyang nakapag-inspire sa kanya sa papasok na New Year. Ipinamili ni Jasmine ng souvenir items ang mga kaklase pero espesyal ang pasalubong niya kina Caroline at Oliver. Isang Gucci watch na ang mommy niya ang nag-suggest ang binili niya para kay Caroline at Cabbage Patch doll para kay Oliver. “Hija, bakit naman manyika ang ibibigay mo kung lalaki ang papasalubungan mo?” tanong ng mommy niya. “Hindi ko kasi alam kung ano’ng gusto niya,” katwiran ni Jasmine. Sa binilhan nila ng manyika ay may kakaibang proseso na ikinagulat niya. Parang aampunin niya ang doll at may birth certificate pa.   LUNES. Cleaners silang dalawa ni Oliver at sila na lang ang nasa classroom. “Pasalubong ko sa iyo,” nahihiyang sabi ni Jasmine. Nilingon siya ni Oliver na isinara ang utility cabinet. “Ito?” nagtatakang tanong nito bagaman nasa mga labi ang katuwaan. Napakunot ang noo nito nang mabuksan ang decorative paper bag. Magkahalo ang pagtataka, pagkagulat at kasiyahan sa mukha ni Oliver. “Y-you like it?” alanganin niyang tanong. “Y-yeah. Of course! It is just that I’m so amazed…” Nasa kamay na nito ang Cabbage Patch doll. “Don’t you want to see the papers?” “Oh!” Birth certificate ng manyika. At pinangalanan niyang ‘Jasmine Caballero.’ “At least, the doll will not object on whatever name you are going to give her,” aniya at binitbit na ang school bag. “Jasmine,” habol nito sa kanya. “Thanks, I will treasure this just as how I treasure my very first medal.”   MABIGAT na mabigat ang ulo ni Jasmine nang magising sa tunog ng alarm clock. Inaantok na diniinan niya iyon at ibinaon pa uli ang mukha sa unan. Ngayon pa lang siya nagsisimulang matulog. Isasakripisyo na niya ang kalahating araw ng pagtatrabaho bukas kung ganitong parang binibiyak ang kanyang ulo sa sakit. Mag-aalas-diyes na ng umaga nang kusa siyang magising uli. Magaan ang kanyang katawan dahil nakabawi na siya sa puyat. Nagsimula siyang mag-ayos ng sarili at naghanda na sa pagpasok. Ilang minuto lang at ipinarada na niya ang kotse sa parking lot ng building na iyon sa Emerald Avenue. “Jas! Mukhang may hang-over ka pa ng The Lion, ah?” bati sa kanya ni Ruth. Kagaya niya ay account officer na rin ito. Mas matanda nga lang sa kanya ng anim na taon at naging close friend niya. “Hindi ka kasi sumama,” sagot niya rito at saka tumuloy sa kanyang executive desk. Sinagot ni Jasmine ang local line na nasa isang gilid ng chest sa likod niya nang tumunog ito. “Ma’am Jas?” boses ng operator. Napailing siya. Ayaw niyang nagpapatawag ng ‘Ma’am.’ Twenty-two lang siya at pakiramdam niya ay pioneer siya sa auditing firm na iyon kapag tinatawag siyang ‘Ma’am.’ But her status commanded due respect. “Yes, Naomie?” “Mayroon pong caller na nasa kabilang line. Tatlong beses na pong tumatawag, kaibigan n’yo raw po.” Nangunot ang noo niya. Kung kaibigan niya ang caller ay dapat alam ang direct line niya. Hindi na dadaan pa sa trunk line. “Ma’am…?” Naghihintay ng sasabihin niya si Naomie. “Sige, paki-connect.” Saglit itong nawala. “Hello, good morning…” bati niya sa kabilang linya. Hindi niya mahulaan kung sino ito. “Sarili mo yata ang bundy clock. Alas-onse na, ah! Ngayon ka lang dumating?” Ni hindi nito sinagot ang pag-‘good morning’ niya. “Who are you?” Ikinalingon ng mga subordinates niya ang pagtaas ng kanyang boses. “Relax, Just-mine…” Narinig niya ang nanunuksong boses nito. “O-Oliver?” Halos bulong ang lumabas na boses sa bibig niya. “I was trying to contact you since eight this morning. I thought it would be impossible now to reach you.” “Bakit?” “Why?” ulit nito sa tanong niya. “I’d like to invite you to lunch, for old time’s sake…” For old time’s sake that haunts her memory almost every night before she sleeps. She accepted Oliver’s invitation. Sinundo siya nito labinlimang minuto bago mananghalian. Ipinakilala niya ito kay Ruth at sa ibang kasamahan na naroon. Hindi maitago ng ibang kababaihan ang paghanga kay Oliver. He was tall and more gorgeous now that he added weight na nasa tamang parte ng katawan. And no one can deny this man’s winning appeal in his blue-striped polo shirt tucked in his 501 jeans. Habol sila ng naiinggit na tanaw ng mga kaopisina nang makalabas sila.   “WHAT happened to you?” tanong ni Oliver habang hinihintay ang in-order nila. “After graduation hindi ka na namin nakita.” “And how about you? Ano’ang nagtulak sa iyo sa Meralco Theater? As far as I remember, you hated watching shows like last night’s.” “Complimentary ticket. And curiousity somehow.” Nagkibit ito ng balikat. “And you?” “I didn’t know my father’s plan until we got home and showed my plane ticket. The day after graduation, I went to Chicago, to my mom,” may bara sa lalamunang sabi niya. Kung puwede sana, ayaw na niyang maalala ang pag-alis niyang iyon. “You left me.” Bakas ang pagdaramdam sa tinig ni Oliver. Marahan siyang tumango. “Yeah, somehow. But I wrote you and Caroline explaining why I left.” “I didn’t receive any.” Maaari. At naputol na rin ang communication niya pati kay Caroline.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD