Part 3

1757 Words
TATLONG taon si Jasmine sa Amerika sa piling ng mommy niya. On special occasions, her father would visit at makalipas ang isang linggo ay babalik din sa Pilipinas dahil sa family business na inaasikaso nito. At sa panahong kasama nila ang daddy niya, kukulitin ito ni Jasmine para makabalita sa mga kaibigang naiwan niya. “Oliver is busy, enjoying his scholarship grant sa UP. Bihira siyang makauwi sa San Roque dahil kailangang mag-exert ng extra effort to study,” kaswal na sagot ng daddy niya. She stopped regular schooling after graduation. Hintayin daw niyang mag-sixteen, sabi ng daddy niya para maranasan niya ang normal college life. Nine years old lang siya nang ma-accelerate at noong third year, saka lang siya kusang tumanggi na mag-take pa ng panibagong exam. Kung dahil kay Oliver o nagsawa na siya sa ganoong situation ay hindi niya alam. Ang she learned cooking. Nag-enroll siya to spend her spare time and, later, focus sa community doon ang naging customer niya sa mga home-made cakes na made-to-order during her three years of stay there. Pagbalik ni Jasmine sa Pilipinas, ini-enroll siya ng ama sa Assumption sa Makati. Stay-in siya roon. Naka-dormitory. Gusto niyang magrebelde sa ama. Nasasakal na siya. At wala siyang nagawang paraan para mahanap ang mga dating kaklase.   “LET’S eat,” anyaya sa kanya ni Oliver nang i-serve ang pagkain nila. Wala na itong isinumbat sa pagkawala niya. After all, sampung taon na ang nakalipas at hindi na rin nila maibabalik pa. Magkahawak-kamay na nilakad nila ang car park ng Megamall. Hinayaan lang ni Jasmine si Oliver nang hawakan nito ang palad niya. Awkward na ang mag-react siya. They were both grown-up now. Matured enough in dealing with things. “Listen to the music…” Pinindot ni Oliver ang On button ng car stereo. Umandar na ang aircon at makina pero hindi pa inaatras ng lalaki ang kotse. Pumailanlang ang tugtog na kahit nananaginip siya ay maa-identify niya. “Still remember?” Nilingon siya ni Oliver. At sa pagkakahinang ng kanilang mga mata ay nag-rewind ang memorya niya to the wonderful night that she will remember forever…   PROM night. Oliver asked her for her first dance. At hindi siya tumanggi. Kung alam lang nito na una pa lang niyang makita ang lalaki ay nag-daydreaming na siya na kasayaw ito. At ngayon nga ay hawak na ng lalaki ang kamay niya at dinala siya sa gitna ng dance floor. Ilan lang ang magkakaparehang nandoon. Sa sulok ng kanyang mga mata ay kinikilig na binigyan siya ni Caroline ng thumbs-up sign, at ang mga babae sa kanilang section ay nasa mga mata ang pagkainggit sa kanya dahil siya ang isasayaw ni Oliver.   Oh, my love, my darling I’ve hungered for your touch A long, lonely night And time goes by…   Dinala ni Oliver ang mga bisig niya sa batok nito at doon ay pinagsalikop niya ang dalawang kamay. Halos magkadikit na ang kanilang mga noo. Kulong ng dalawang palad ni Oliver ang baywang ni Jasmine. At dama niya ang init na nagmumula rito. “Are you still mine? I need your love…” Sinabayan ni Oliver ang awitin. At ang mainit na hininga nito ay tumatama sa isang bahagi ng kanyang tainga. Magkadikit na ang kanilang mga pisngi at pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Napakalapit nila ni Oliver sa isa’t isa. Ang init ng mga palad nitong nakasalikop sa kanyang baywang, ang init ng hininga nitong nararamdaman ng kanyang tainga, at ang amoy ng cologne ay sama-samang nagpapaliyo sa kanyang damdamin. “Jasmine…” bulong nito. Inilayo niya ang mukha at tiningnan ito. A charming smile flashed in his face at ibinalik ang pagkakalapit ng kanilang mukha. “You smell so sweet. Just like your name, and knowing you adds more meaning for me to appreciate that tiny, fragrant flower…” Gumapang ng nakakakiliting kilabot sa kanyang katawan. Kung sa sinasabi mismo ni Oliver o sa sadyang pagdikit ng mga labi nito sa kanyang tainga ay hindi niya sigurado pero ang puso niya ay nag-uumapaw sa kagalakan sa narinig. Palakpakan ng mga kaklase ang nagpabalik sa kanilang huwisyo. Tapos na ang tugtog at sila ang pinakahuling umalis sa dance floor. Like a true gentleman, inihatid siya ni Oliver sa mesa nila ni Caroline. Magalang niyang tinanggihan ang iba pang gustong maisayaw siya. First crush niya si Oliver. At first dance. At ang buong gabing iyon ay ide-devote niya sa lahat ng alaala nilang dalawa ni Oliver. Ayaw niyang masira iyon ng iba pa. Inihatid siya ni Oliver sa bahay at nang pagbuksan sila ng pinto ay salubong ang mga kilay ng daddy niya. Ni hindi nito inanyayahang pumasok sa loob si Oliver… TAWANAN ng isang grupo ng kabataang paparating ang nakagambala sa kanila. Parang namamalikmatang binawi ni Jasmine ang paningin sa kasama at umayos ng upo. Hindi na pumanhik sa opisina niya si Oliver. Pero nagsabing tatawag uli. “I smell romance,” biro ni Ruth nang ipatong nito sa mesa ang mga dapat niyang pirmahan. “Old romance,” maikli niyang sagot. “I’d still want to hear.” Naupo ito sa katapat na visitor’s chair at naghanda sa pakikinig. Pahapyaw niyang ikinuwento ang tungkol sa kanila ni Oliver. “Alam mo, Jas, you might forget the first gift that your husband gave you but not that high school flame,” kinikilig nitong sabi at bumalik na sa puwesto.   SHE EXPECTED Oliver to call her again the next day. Pero maghapon ang dumaan na puro business calls ang tinanggap ni Jasmine. She wanted to renew the friendship with Oliver, kung iyon na lang ang puwede. And Oliver could be the bridge para may mabalitaan naman siya tungkol kay Caroline. Kasalukuyan niyang pinag-iisipan kung ano ang kakainin nang tumunog ang doorbell. Si Oliver. Hawak sa isang kamay ang kahon ng pizza mula sa Pizza Hut. “Hi!” Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto. Nahagip ng tingin niya ang malisyosong pagtitig sa bisita niya ng isang occupant sa floor na iyon ng building. “Very feminine. And cozy,” komento ni Oliver nang makapasok sa pinakasala ng unit niya. Abot-tanaw na ang lahat ng bahagi ng unit, maliban sa bedroom niya na laging nakasara ang pinto. Ang nag-iisang toilet and bath ay nasa loob din ng kuwarto. “Cooking?” tanong nito at humakbang sa kitchen c*m dining area. Ibinaba ng lalaki sa ibabaw ng dining table ang dalang pizza. “Hindi pa. Nag-iisip pa lang ako ng kung ano ang ipe-prepare. Have dinner with me, para may makasalo ako,” anyaya niya rito. “Your dad?” “He’s with my mom. Ayaw nang umuwi ni Mommy rito, so he’s the one who went there. This time medyo magtatagal siya roon, about six months. Anyway, what do you want me to cook?” “Re-heat the pizza at bahala ka na kung ano ang gusto mong i-match.” Naupo ito sa minibar na nasa isang sulok ng bahay at inaliw ang sarili sa pagsasalin ng bukas nang wine na nakita roon. Kasama niyang nainit sa microwave oven ang baked macaroni na nakita niya sa ref. Nang handa na ang lahat ay tinawag na niya ang bisita. “C’mon, it looks like we had an express delivery from a pizza restaurant.” Isinasalin niya ang malamig na Coke sa baso. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang maalala niyang itanong si Caroline. “May balita ka pa kay Caroline?” Nakita niyang natigilan si Oliver. Uminom muna bago sumagot. Isang tango lang at nagpatuloy sa pagkain. Ipinasya ni Jasmine na tapusin muna nila ang dinner bago pag-usapan iyon. Nakaupo silang pareho sa sala. Mula sa kuwarto niya ay lumabas ang mabining tugtog. Kinalangan niya ang pinto. “I don’t know what to think, but I wished hindi na lang kita nakita uli,” sabi ni Oliver. Nakatayo ito at ang magkasalikop na mga kamay ay nakapatong sa magkabilang hita nito. Nabigla siya sa sinabi ni Oliver. At parang gusto niyang magalit sa lalaki. Ang espesyal na damdaming iniukol niya rito mula noon ay lalo niyang naramdaman ang intensidad ngayon. At hindi niya akalaing ang mga salitang iyon ang lalabas sa bibig nito. “I don’t understand you,” nakuha niyang sabihin. “Kanina, you were asking about Caroline. Alam ko namang darating ang time na hahanapin mo siya and that time will be very hard for me. But still, ako rin ang magsasabi sa iyo.” “Nasaan na siya ngayon? Twenty-five na rin siya kagaya mo, she must be working.” “She doesn’t work and she knows that I saw you again. And that makes her excited about her wedding, she wants to include you in the entourage.” Dinig niya ay hirap na hirap ang kalooban ni Oliver sa pagkukuwento. Pero bale-wala sa kanya iyon. Excited din siyang makaharap uli ang kaibigan, lalo pa at ikakasal na pala ito. “Wedding? She’s going to get married?” Halata ang excitement sa boses ni Jasmine. “With whom?” Hinagilap muna ni Oliver ang mga mata niya. At saka pinuno ng hangin ang baga bago nagsalita. “With me.”   BASANG-BASA na ng luha ni Jasmine ang unan ay hindi pa rin matigil ang pagdaloy nito. Nakaalis na si Oliver, at naiwan siyang tulala. “Liar!” sabi niya patungkol sa lalaki. “Sabi mo ako ang para sa iyo. I’m holding on to your promise…” Namamaga na ang mga mata niya sa kaiiyak…   “JASMINE, you are just mine…” Fourth year na sila noon. Matapos ang isang buwan na panliligaw sa kanya ni Oliver ay sinagot na niya ito. “Sino’ng may sabi sa iyo?” naggagalit-galitan niyang sabi. “Ako, Jasmine, Just-mine. We have already built a family, you know. The Cabbage Patch doll that you gave me is our child. It carries our name.” “It’s only a doll.” “Yeah, a doll for the meantime. When we are both mature and ready, we are going to build a real family with you as the wife of Oliver Caballero and the mother of his children.” Hinawakan nito ang kamay niya at sa sincere na pananalita ng lalaki ay naniniwala siya… And silly of her for believing his words—until this time when Oliver admitted that he was marrying her friend Caroline.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD