Prologue

230 Words
"AHHHHH!! TULOOONG!! TULUNGAN NYO KO!!" Maririnig ang sigaw ng babae sa masukal na gubat na iyon. Pagod na pagod na siya dahil kanina pa siya tumatakbo. Hindi na niya alam ang gagawin. Kanina pa siya sumisigaw ngunit tila walang nakakarinig sa kanya dahil malalim na ang gabi. Idagdag pa na mukhang mga mababangis na hayop lamang ang naninirahan sa lugar na iyon. 'Please. Ayoko pang mamatay.' Napaluha siya ngunit agad din niyang pinalis dahil nanlalabo ang paningin niya. Sa pagpunas niyang iyon ay hindi niya napansin ang ugat ng puno na nakaharang sa daraanan niya. "Ah!" Nadapa siya dahil doon. Nang muli niyang sinubukang tumayo ay natumba muli siya dahil sumakit ang paa niya. 'Oh sh*t. I don't wanna die this way.' Narinig niya ang mabilis na pagtakbo ng humahabol sa kanya. Malapit na iyo. Palapit ng palapit.. 'Sana di na lang ako sumama sa kanya. Kung alam ko lang ang totoo nyang pagkatao. Kung alam ko lang na isa pala siyang--' Naputol ang pag-iisip niya nang may matutulis na kukong bumaon sa kanyang balikat. Napasigaw siya sa sakit. Inilapit nito ang mukha sa kanyang leeg. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto ang gagawin nito sa kanya. Di niya alam ang gagawin kaya't napasigaw na lang siya. At ang pagsigaw na iyon ang tanging maririnig sa gubat kasabay ng paglipad ng mga uwak sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD