Chapter 1

741 Words
"Dem? Nakikinig ka ba?" Natigil siya sa pag iisip nang marinig ang boses ng kaibigan niya. Kanina pa ito salita ng salita pero hindi siya nakikinig dahil may iniisip siya. Nahiya tuloy siya rito. "Ha? Ano nga uli yun?" nasabi na lang niya. "Haaay naku. Ang sabi ko sabay tayong umuwi. Di ako susunduin ni mama dahil nag grocery sila. Ginamit nila yung kotse! Ano? Payag ka ba?" iritado nitong tanong sa kanya. "Ah. Sige sige. Walang problema." "May problema ka ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo." nag aalala nitong tanong sa kanya. Natouch tuloy siya rito. "Eh kasi si nanay. Hindi pa rin niya sinasabi sakin kung ano talaga nangyari kay tatay. Gusto ko lang naman malaman yun. May masama ba dun?" Nag roll eyes ito. "Ayan na naman tayo sa issue mong yan. Baka naman totoo talaga ang sinasabi ng nanay mo tungkol sa tatay mo. Na namatay sya bago ka pa pinanganak?" "Ewan ko, Ashley. Pakiramdam ko talaga may tinatago si nanay sakin. Pag kasi tinatanong ko sya tungkol kay tatay, di sya makatingin sakin. O kaya naman iniiba nya yung usapan." "Alam mo ang paranoid mo. Eh ano naman ang gagawin mo? Pipilitin mo nanay mo? Haay naku Demetra. Kung totoo man na may inililihim nga sayo ang nanay mo, baka naman sasabihin nya rin sayo balang araw? Hindi pa lang sya handa ngayon? Maghintay ka kasi! Masyado kang atat eh!" pagtapos ay umirap pa ito sa kanya. Natawa siya sa ginawang iyon ng kaibigan niya. Mataray si Ashley kaya hindi niya alam kung bakit nya ito naging kaibigan. Bukod pa doon ay mayaman rin ito. Sila ay may kaya lamang, hindi mabibilang sa mayaman ngunit hindi rin naman matatawag na mahirap.Ang kakaiba lang kay Ashley ay mahilig ito sa mga mysteries. Halos lahat at ay alam nito. "Oo na, oo na! Maghihintay na. Lumalabas na naman katarayan mo." Tumawa rin ito. "Sorry. Sabay tayo ha? Wag mo ko iiwan!" "Oo. Para namang di tayo magkaklase." Tumayo na sila at lumabas ng cafeteria ng school nila dahil malapit na ang time para sa second subject nila. **** "Sasakay ba tayo?" tanong niya kay Ashley. Nasa labas na sila ng gate ng school nila at pinag uusapan kung sasakay ba o hindi sa pag uwi nila. "Duh~ Lakad tayo! Ang lapit lang kaya! Nagtitipid ako noh?" pagtataray nito sa kanya. "Wag mo kong tarayan. Ikaw pa talaga ang nagtitipid sa atin ha?" Tumawa ito. "Tara na." Kinawit nito ang kamay sa kanyang braso. Habang naglalakad ay kung ano ano ang napag uusapan nila.Masayang maging kaibigan si Ashley. Naalala niya dati nung unang araw niya sa pagiging highschool. Tahimik lang siya at sa likuran pa umuupo. Walang gustong tumabi sa kanya. May isang babae ang na late at ang bakanteng upuan na lang ay sa tabi nya. Nung una ay hindi sila nagpapansinan pero dumating yung panahon na naging close sila at kalaunan ay naging matalik na kaibigan. Nanatili ang pagkakaibigan nilang iyon hanggang ngayong third yeat highschool nila. "Awww. Malapit na bahay mo." Ngumuso pa ito pagkatapos sabihin iyon. "Para namang di tayo magkikita bukas." Nakangiti niyang sabi dito. "Mamimiss kita!" Nakanguso pa rin ito. "Tumigil ka. Mukha kang aso." biro niya. Inirapan sya nito. Nang nasa tapat na siya ng bahay nila ay tumigil sya para magpaalam. "Ingat ka, Ash." pagkatapos ay ngumiti siya. "Ikaw ang mag iingat, Dem." seryoso nitong pagkakasabi sa kanya. Pagkatapos ay tumingin ito sa katabing bahay nila. "Hindi mo ba alam kung paanong nawala na lang basta ang babaeng anak ng mga Guevarra?" Guevarra. Yun ang apelyido ng pamilyang dating nakatira sa bahay na iyon. Pero sa di malamang dahilan ay biglang nawala ang babaeng anak ng mga ito. Nagluksa ang pamilya nito at ginusto na lang na kalimutan ang lahat kaya't napagdesisyunang ipagbili na lang ang bahay. Kahit na malaki ito ay walang gustong bumili sa takot na baka mangyari rin sa kanila ang nangyari sa pamilyang Guevarra. Kaya't nanatiling walang nakatira sa bahay at tinawag iyong 'haunted house'. "Ang sabi sumama daw yung babae sa halimaw." pagpapatuloy ni Ashley. Na curious siya kaya nagtanong na rin. "Eh bakit naman siya sasama sa halimaw?" "Nag anyong tao daw yung halimaw. Napakagwapo daw nito. Bali-balitang mahilig sa gwapo yung anak na babae na yun kaya nagmamadaling sumama. And the rest is history." Napatingin siya sa 'haunted house' na iyon at hindi alam kung maniniwala o hindi sa kwento ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD