Chapter 2

720 Words
Hindi na siya mapakali simula nang marinig niya ang kwento ng kaibigan. Hindi niya alam kung maniniwala siya o hindi dahil kung minsan ay baliw lang talaga ito. Nasa kwarto ngayon si Demetra at naggagawa ng assignments para bukas. Kakakalat pa lang ng dilim. Binuksan niya ang bintana ng kanyang kwarto para malayang makapasok ang sariwang hangin. At ang parteng iyon ng bintana ay katapat ng haunted house. Hindi niya maiwasang mapatingin dito. 'Ano ba, Dem. Si Ashley ang nagkwento nun. Kilala mo naman ang kaibigan mong yun.' Nagpatuloy siya sa pagsusulat pero maya maya'y tumigil din at tumingin muli sa bahay. "Arrrrrgh!" Sinabunutan niya ang sariling buhok. Hindi na siya nakatiis. Tumayo siya para isara ang bintana. Tiningnan niya muna ang kabuuan ng bahay. Nang akmang isasara na niya ang bintana ay napatingin siya sa katapat na bintana ng kanyang kwarto. Sa hula niya ay isa rin itong kwarto. Nahigit niya ang paghinga nang makita ang isang pares ng pulang mga mata ng isang lalaki. Nakatingin iyon sa kanya. Hindi siya makagalaw. Nanatili lamang siyang nakakatitig sa lalaki. Naramdaman niyang tumataas ang balahibo niya sa kanyang batok. Nakaramdam siya ng takot. Idagdag pa na mukhang nagliliwanag ang mata nito sa dilim. Hindi niya magawang alisin ang paningin dito. Pakiramdam niya ay minamagneto siya. Kung hindi pa niya narinig ang boses ng kanyang ina ay baka nahimatay na siya sa sobrang kaba. "Demetra, kakain na tayo. Mamaya mo na tapusin ang ginagawa mo." Kumatok pa ito sa pintuan ng kanyang kwarto. Saglit niyang inalis ang paningin sa lalaki upang sagutin ang ina. "Opo. Bababa na." Mukha namang umalis na ang kanyang ina dahil hindi na ito sumagot pa. Nang muli niyang binalik ang paningin sa bintanang iyon ng haunted house ay wala na ang lalaki. Wala na rin ang takot na naramdaman niya kanina. Hindi niya alam kung totoo ang nakita niya o hindi. Ang pagkakaalam kasi niya ay wala pang bumibili ng bahay. 'Ilusyon ko lang ba iyon?' Ipinilig niya ang ulo para alisin ang pag iisip tungkol sa nakita na. 'Kung ano ano ang naiisip ko. Si Ashley kasi eh!' Sabi na lang niya sa isip at pagkatapos ay bumaba na para kumain ng hapunan. **** "Nay, may nakatira na po ba sa kabilang bahay?" tanong niya sa ina habang kumakain sila. "Alin? Yung haunted house?" Uminom ito ng tubig para makapagsalita ng maayos. "Ahmm. Opo?" sabay kagat niya sa steak na ulam nila. "May mag iinteres pa ba dun?" Napaisip siya. Oo nga naman. Kung siya ang maghahanap ng bahay ay hindi niya ito bibilhin. Nakakatakot kasi talaga ito. "Pero ang alam ko, may interesadong bumili." "Oh?" Nagulat siya. "Ayun yung bali-balita. Teka, bakit mo ba natanong?" "May nakita po kasi akong lalaki dun sa katapat ng kwarto ko." Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya tungkol sa mga mata nito. "Talaga? Baka sya yung gustong bumili ng bahay?" "Siguro nga po." Pinagpatuloy na lang nila ang pagkain. Hindi na niya sinabi sa ina na iba ang kulay ng mga mata nito. **** "Baka naman contact lens?" Sabi ng kaibigan niyang si Ashley habang naglalakad sila papuntang cafeteria. Kinuwento niya rito ang nakita niya kagabi sa haunted house. Naisip na rin niya iyon pero may nagle-lens pa kaya sa gabi? At isa pa, hindi naman siguro siya makakaramdam ng takot kung lens lang pala ito. "Ewan. Pero parang totoo eh. Baka yun yung halimaw na kumuha sa anak ng mga Guevarra?" Napatingin si Ashley sa kanya. "So naniniwala ka sa kwento ko?" tanong nito sa kanya. Pumila sila sa counter para bumili ng pagkain. Tumangi siya. "Maalam ka sa mysteries eh." "Tsk tsk. Di naman lahat ng mga mysteries ay totoo. Yung iba kwento-kwento lang talaga. Wag kang magpapaniwala masyado. Kaya nga mystery eh." "Bakit parang di ka yata interesado ngayon?" Pag kasi tungkol sa mysteries ay si Ashley ang unang unang interesado. Kaya nagtataka talaga siya sa inaasal ng kaibigan. Nagkibit-balikat ito. "Ewan. Wala ko sa mood. Waaaah. Nagugutom na kasi ako. Di ako nakapag almusal dahil na late ako ng gising." Natawa na lang siya. Pero sino nga kaya ang lalaking iyon at bakit ito may pulang mga mata ? Sa puntong iyon ay hindi pa alam ni Demetra kung ano ang magiging epekto ng lalaking iyon at ano ang magiging papel nito sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD