Chapter 3

600 Words
Hindi pa rin maalis sa isip ni Demetra ang nakita niya kagabi. Naaalala nya pa rin ang mga pulang matang iyon. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Tuwing nakabukas ang bintana ng kwarto niya ay napapatingin siya sa direksyon kung saan niya nakita ang lalaki kung kaya palagi niyang sinasara ang bintana. Nasa kwarto siya ngayon at walang ginagawa. Wala naman kasing ibinigay na assignment ang kanilang guro kaya nakahiga lang siya. 'Magpahinga ka lang, Dem. Di mo kailangang mag isip ng mga walang kwentang bagay.' Pero mayamaya ay natagpuan niya ang sarili sa tapat ng bintana niya at pinagmamasdan ang haunted house. Walang ingay na nagmumula sa loob ng bahay. Wala ring nakabukas na ilaw. Mahahalatang matagal na itong hindi tinitirhan. 'Nakakatakot talaga. Arrrgh! Ano ba, Demetra! Matulog ka na nga lang!' Humiga na syang muli sa kama at nakatulog na. **** "Dem! Kanina pa kita hinihintay!" Naabutan niya si Ashley na naghihintay sa kanya sa labas ng room nila. "Good morning, Ash. Bakit mo naman ako hinihintay?" Hinila siya nito papasok. "May transferee tayo! Kaklase natin sya!" tuwang tuwa pa ito sa pagkakasabi. "Talaga?" tanong niya habang ibinababa ang kanyang bag sa upuan. "Narinig ko na lalaki daw at sobrang hot daw talaga! Sana sya na ang man-of-my-dreams ko." kinikilig pa ito habang sinasabi iyon. "Ganun ba? Sana nga." Umupo na sya sa upuan. "Gosh, Demetra! Babae ka ba talaga? I mean, hindi ka man lang ba interesado? Usually yung mga normal girls kikiligan at maeexcite ang reaction nila pero ikaw yun lang? Yun lang ang sasabihin mo?" Sunod sunod na tanong nito sa kanya. Umupo na rin ito sa upuan nito na katabi lang ng kanya. "I guess hindi ako normal na babae." Biro niya dito. "Hay naku. Ewan ko sayo." Sabay irap nito sa kanya. Napatawa siya at napailing na lang. Mayamaya ay pumasok na rin ang kanilang guro. Nagsibalikan na rin sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase niya. "Okay, class. Before I start, I want you to meet your new classmate. Come in, hijo. Please introduce yourself." baling nito sa may pintuan. Pumasok ang isang lalaki. Una niyang napansin ang kulay ng buhok nito. Pulang pula ito. Yun bang sa sobrang diin ng pagkakakulay mo sa krayola ay malapit nang maging itim. Kakulay ng malapot na dugo. Maganda din ang katawan nito. Halatang inaalagaan. 'Pwedeng pang model ng Bench.' Maganda din ang kutis nito. Napakakinis. Napatingin tuloy siya sa sariling kutis. 'Mas maganda pa kutis niya sakin. Ano kaya ginagamit niya?' Maputi din ang kulay ng balat nito. Pero yung pagkaputi nito ay maputla pero bumagay ito sa lalaki. Nang humarap ito sa kanila ay nakarinig siya ng pagsinghap at mga impit na tili. Maging siya ay hindi maialis ang paningin sa mukha nito. Ngayon lamang siya humanga ng ganito sa kagwapuhan ng isang lalaki. Ineksamin niya ang mukha nito. May matangos itong ilong. Makipot at pula ang mga labi nito. Makapal na kilay at mapupungay na mga mata. 'Perpektong perpekto. Parang di tinamad ang Diyos nang nilikha ito.' Bumalik ang kanyang paningin sa mga mata nito at isang bagay ang napansin niya. Mayroon itong kulay abong mga mata na kapag tinitigan ay parang may bagyong namumuo sa loob nito. Nakaramdam siya ng pananahimik ng paligid. Tsaka nya lang napansin na nakatingin din sa kanya ang lalaki! Nataranta siya. Sa tingin pa lang iyon ng lalaki ay pakiramdam niya ay natutunaw siya. 'Baka naman hindi ako ang tinitignan niya?' Pero agad ding nakumpirma ang tanong niyang iyon nang magsalita si Ashley sa tabi niya. "Oh my gosh. Is he... Is he staring at you?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD