Chapter 1: Memories of Past

1089 Words
Lian's POV       "Paano kaya ito? May sakit daw ang asawa ni Tesa kaya hindi mapi-pick up dito ang mga order nilang damit," problemadong sabi ni Mama nang pumasok ako ng shop.   "Ako na lang po ang magdadala sa kanila, Ma," saad ko.   "Naku. Sigurado ka ba anak? Hindi ba at may lakad kayo ni Cyrna?" tanong ni Mama.   "Opo, pero pwede ko naman pong idaan na muna ang mga order ni Aling Tesa sa kanila bago kami magkita ni Cyrna."   "Sa bagay anak. Oh sige ikaw na nga lang ang magdala sa kanila."   Nang matapos kami sa pag-aayos ng mga damit na order ni Aling Tesa ay umalis na nga ako sakay ng tricycle. Hindi naman kalayuan ang palengke mula sa subdivision namin.   Ilang beses ko na rin kasing hiniling kay Mama na bumili kami ng sariling sasakyan lalo pa at pwede naman naming magamit sa business namin. Kaso kahit anong pilit ko ay hindi niya gusto. Hanggang ngayon kasi ay may takot parin siya dahil namatay si Papa at si Ate sa isang car accident 8 years ago. Ayon sa mga pulis na nag-imbestiga ay nawalan daw ng preno ang sasakyan na minamaneho ni Papa noon. Dahilan para kumitil ng tatlong buhay. Bukod kasi kay Papa at Ate ay may nadamay daw na babae sa aksidenteng iyon at namatay.   So far, iyon lang ang alam ko. Hindi na kasi inoopen sa akin ni Mama ang bagay na iyon kahit anong tanong ko. Ang alam ko kasi ay hindi aksidente na nawalan ito ng preno dahil may nahuli silang tao na nag-alis nito. Kung ano ang dahilan at kung sino siya ay hindi ko alam. Tutal ay bata pa rin naman ako noong mangyari ang bagay na iyon.   Sa katunayan niyan ay magde-death anniversary sila Papa at ate sa darating na Linggo—sa darating na kaarawan ko. Nangyari kasi ang bagay na 'yon noong birthday ko. Magcecelebrate dapat kami noon sa ipinangako ni Papa na amusement park na pupuntahan daw namin sa Maynila. Ilang oras kaming naghintay ni Mama noon sa school ko sa pagdating nila, pero sa halip ay isang tawag mula sa hospital ang natanggap namin.   Sa paglipas ng panahon ay unti-unti na rin naming natanggap ang pagkawala nila. Wala na rin naman kaming ibang magagawa kundi tanggapin na lang at patuloy na magtiwala sa Diyos. Never din pinaramdam sa akin ni Mama na malungkot siya tuwing birthday ko, kahit pa alam ko naman na mahirap para sa kanya 'yon. Bumibisita kami sa puntod nila Papa at ate tapos magcecelebrate na kami. Ganoon lagi taon-taon sa tuwing birthday ko.   Tumigil ang tricycle sa tapat ng tindahan nila Aling Tesa. Tinulungan ako ni manong driver na ibaba ang mga malalaking supot saka ito tuluyang umalis pagkabayad ko.   "Naku! Maraming salamat, Lian! Pasensya ka na ikaw pa ang nagdala. Nakakahiya!" bungad sa akin ni Aling Tesa.   "Naku, ayos lang po iyon," nakangiti kong sabi.   "Ito oh," nakangiti si Aling Tesa habang iniaabot sa akin ang bayad.   "Salamat po," malugod kong tinanggap iyon tapos nagpaalam na ako sa kanya.   Nag-send ako ng text message kay Cyrna para ipaalam na papunta na ako sa meeting place naming dalawa. Mayroon daw kasi siyang importanteng bagay na ibibigay sa akin.   Pasakay na ako ng Jeep nang biglang, maagaw ang atensyon ko ng dalawang mag-jowa na masayang kumakain ng kwek-kwek. Dahil doon, may mga alaalang nagbalik sa isipan ko.           "Wow kwek-kwek!" sigaw ko habang papalapit sa nagtitinda nito.   "Sinong mas love mo? 'Yong kwek-kwek o ako?" tanong sa akin ni Mark nang sundan niya ako papunta sa kwek-kwek-an.   "Kuya bente pesos po," sabi ko doon sa nagtitinda.   "Siguro 'yong kwek-kwek," parang bata na pagmumukmok ni Mark sa tabi ko.   "Gusto mo?" alok ko sa kanya nang hindi sinasagot ang mga tanong niya.   "Kapag naging mag-asawa tayo, bawal ka maglihi sa kwek-kwek!" aniya.   Bigla naman akong natawa dahil sa sinabi niya.   "Anong asawa ang sinasabi mo diyan?"   "Bakit? Doon din naman tayo papunta, Babe. Magiging misis kita at magiging mister mo ako. Soon!"   "Magpropose ka na muna sa akin."   "Alam ko naman na yes ang magiging sagot mo," mayabang na sabi niya.   "Paano mo naman nasabi?" natatawa kong tanong sa kanya.   "Kasi alam kong mahal na mahal mo ako, at mahal na mahal din kita."             Sumikip ang dibdib ko dahil sa mga alaalang iyon. Kalokohan! Kung talagang mahal tayo ng isang tao, hindi nila tayo bibitiwan lalo na sa napakasimple at walang kwentang dahilan.   Iwinasiwas ko ang aking ulo upang magbalik ako sa aking tamang isipan. Hindi ko na dapat pa binabalikan ang nakaraan dahil alam kong ang tapos na ay tapos na. Pero may mga pagkakataon pa din talaga, na hindi ko maiwasan na hindi maalala ang lahat. Lalo pa at may mga bagay na biglang magpapaalala sa akin nito. "Miss sasakay ho ba kayo?" tanong sa akin ng Jeepney driver. "Opo," mabilis na tugon ko at dali-dali nga akong sumakay. Wala pang ilang segundo ay may mga alaala na naman na biglang bumalik sa isipan ko.     "I'm sorry, Babe."   "P-pwede ko bang.. malaman ang dahilan?" pagtatanong ko sa kanya habang pinipigil ko ang mga luha ko na gusto nang lumabas.   "Mahal kita, pero kasi si Lanie eh," tugon niya.   "Bakit? Mahal mo pa ba siya?" muli kong tanong sa kanya.   "I'm sorry, Babe," tanging naging sagot na lamang niya. Hindi ko napaghandaan ang paghingi niya ng tawad. Kita at ramdam ko sa mga mata niya na ayaw na talaga niya.   Naglakad ako palayo sa kanya habang tuluyan ko na ngang pinakawalan ang mga luha ko. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko, pero nagpatuloy lang ako sa paglakad.   Sobrang sakit. Sumisikip ang dibdib ko at para akong kakapusin sa paghinga! Parang may kung anong tumutusok sa puso ko.   Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya nang maabutan niya ako.   "Lian..."   "G-ginawa mo akong rebound?" lumuluhang tanong ko.   Ang sakit! Siya ang first boyfriend ko, kahit six months pa lang kami ay sobrang minahal ko na siya.   "I'm sorry," paghingi niya ulit ng tawad.   Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya pagkatapos niyang banggitin ulit ang mga salitang 'yon. Ayoko! Ayokong maririnig ang mga salitang 'yon sa taong mahal ko, dahil para sa'kin iyon ang pinakamasakit.                 Isang taon na rin ang nakalipas mula nang makipaghiwalay siya sa akin. Pero sa tuwing maaalala ko iyon ay para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin ang sugat na iniwan niya sa akin. Ang sakit pa rin. Siguro ganoon talaga. May mga sugat na hindi kayang paghilumin agad ng panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD