Chapter 2: Birthday Gift

1004 Words
Lian's POV         "Kanina ka pa ba?" tanong ko nang makalapit ako kay Cyrna na prenteng nakaupo habang humihigop ng inumin niya.   Cyrna Rodriguez is my best friend since birth, de joke lang! She is my best friend since my first-year high school. Naging classmate ko kasi siya noon, scholar lang ako no'n kaya nakapasok ako sa school nila. She came from an elite family. Pero kahit na gano'n, naging magkaibigan pa rin kami kahit na malayo ang estado ng aming pamumuhay sa kanila.   Well, mabait at napaka-sweet naman din kasing tao ni Cyrna. Rich kid siya oo, pero never niyang ipinaramdam sa akin na iba ako sa kanila. Silang dalawa ni Mama ang pinaka-iniingatan kong tao sa buong buhay ko. Sila lang kasi ang mayroon ako.   "Hindi naman," nakangiti niyang sagot sa akin.   Umupo ako sa harap niya tapos biglang may lumapit sa amin at nagpatong ng milk tea sa tapat ko.   "Best, alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganitong inumin," wika ko.   Sa tuwing magkikita kasi kaming dalawa, lagi na lang niya akong binibilhan ng mga bagay o pagkain na mayroon siya.   "Alam ko. Pero masarap 'yan. Try mo, bago nila 'yan dito," aniya.   Napailing na lamang ako. Isa kasi sa mga ayaw niya ay 'yong tinatanggihan siya. Masyado siyang mapagbigay na madalas ko namang kontrahin. Ayaw ko kasing isipin ng iba na sinasamantala ko ang pagiging magkaibigan namin para lang makakuha ng mga bagay sa kanya.   "Teka. Ano ba 'yong ibibigay mo? Hindi ba at nakapag-usap na tayo?" tanong ko.   Gaya ng sabi ko, mahilig siyang magbigay. No'ng nakaraan ay bigla na lang niya akong binilhan ng mamahalin na bag. Naisip daw niya kasing bagay iyon sa akin kaya niya binili.   Sa totoo lang ay naaappreciate ko siya ng sobra. Pero that time, nasabihan ko talaga siya. Nagtampo siya pero naging okay din naman agad kami. Hindi na raw siya uulit tanggapin ko lang daw iyon. Kaya wala na rin akong nagawa pa.   "Alam ko, Best. Pero iba kasi 'to," nakangisi niyang sabi.   Luh. Parang sinto.   "Bakit? Ano ba iyon?" tanong ko ulit sa kanya   "Happy Birthday, Best. Advance birthday gift ko 'yan sa'yo," nakangiti niyang sabi sabay abot ng sobre.   "Ano 'to?" kunot-noong tanong ko at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita at mabasa ko ang laman ng sobre na ibinigay niya.   "Nagustuhan mo ba?" masayang tanong niya.   "Pakisampal nga ako."   Naramdaman ko agad ang palad ni Cyrna sa pisngi ko. Sinampal nga niya ako.   "Aray! Bakit mo ako sinampal?" reklamo ko.   "Sabi mo eh."   "Hindi 'to panaginip?" manghang tanong ko.   "Loka! Syempre hindi no. Gusto mo ng isang sampal pa sa kabila para fair?"   "Oh my gosh!" At napahiyaw na nga ako. "Totoo 'to? M-manonood tayo ng concert nila?"   Nakangiting tumango sa akin si Cyrna.   "OMG!" Natutop ko ang aking bibig. "Paano ka nagkaroon nito?" tanong ko pa.   Eh kasi naman, VIP ticket ng nalalapit na concert ng 4SBLUE ang laman no'ng sobre. Sino ba namang fan nila ang hindi mamamatay sa tuwa kapag ganoon di'ba?   "Kay tita, I told her na ibili ako ng two vip tickets ng concert ng 4SBLUE mo noong nasa Seoul pa siya. Ano? Ayos ba?" nagyayabang niyang sabi.   "I-ibig mong sabihin... pupunta tayo ng Seoul?"   "Yes! Pupunta tayo ng Seoul para manood ng live sa concert ng blue boys mo," nakangiti niyang sabi.   "My gosh, Best! Thank you so much." Sa sobrang tuwa ay niyakap ko siya.   Alam kong kakasabi ko lang kanina na sa tuwing binibigyan ako ni Cyrna ng kung ano-ano ay sinasabihan ko siya. But this time—this concert ticket.. sobrang saya ko. Isa 'to sa mga pangarap ko. Ang makapanood ng live sa concert ng 4SBLUE na alam ko naman na malayong mangyari, dahil hindi sila nagdadaos ng concert nila dito sa Pilipinas. Kaya naman—sobrang saya ko talaga ngayon na mapapanood ko sila.. sa Korea pa mismo.   4SBLUE stands for 4 STAR BLUE, the famous rookie rock band contains two Filipinos, one Korean and a half Filipino and Korean. And BLUE is the abbreviation based on their characteristic.   B stands for BURNING represented by Jed Suarez (lead guitarist and vocalist). Pure Filipino.   L stands for LOVELY represented by Kang Jae Hee (drummer and backing vocalist). Pure Korean.   U stands for UNTOUCHABLE represented by Nico Fuentez (the bassist, rapper, and backing vocalist). Pure Filipino.   And last but not the least...   E stands for EMOTIONAL represented by Justin Song (the leader, main vocalist, main rapper, and rhythm guitarist). Half Korean and a half Filipino.   They debuted four years ago in South Korea, bago pa lang sila pero super sikat na nila. Marami na silang fans hindi lang sa Korea, maging dito rin sa Pilipinas, and as far as I know, halos kilala na rin sila sa buong Asia.   Nakilala ko ang banda nila no'ng time na may korean drama show si Justin na ipinalabas din dito sa Pilipinas. Bukod kasi sa pagiging singer niya ay magaling din siyang artista. Kaya naman, talagang na hook ako sa kanya at sa banda niya.   Bukod doon, marami rin ang humahanga sa mga kanta nila. It seems like their musics can heal and touch people. 'Yong mga kanta nila 'yong naging karamay ko noong mga panahon na sobrang nasaktan ako. Ito rin 'yong naging panangga ko sa lahat ng sakit. Para akong nakatagpo ng comfort sa mga musikang nililikha nila kaya naman hindi ko maiwasan na hindi sila hangaan.   At dahil nga sa fan nila ako, kumpleto ako ng mga album nila at ng mga CD ng concert nila.   This coming Thursday ang concert nila sa Seoul. At ngayon pa lang ay mukhang hindi ako makakatulog ng maayos, dahil sa excitement na aking nararamdaman.   "You are always welcome, Best," malambing na sabi sa akin ni Cyrna.   "Thank You Lord! the best Ka talaga," sabi ko sa isipan ko.   I can't wait to see them.   South Korea, hintayin niyo ako. Malapit na akong makapunta diyan. At ito ang isa sa pinakamasayang birthday gift na natanggap ko sa buong buhay ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD