Chapter 3: Red Alert

1177 Words
Lian's POV       Bukas na ang alis namin ni Cyrna papunta ng South Korea, four days kami doon. 'Yong plane ticket at reservation namin sa hotel na tutuluyan namin doon ay sinagot niyang lahat.   "Best! Bili tayo nito," ungot sa akin ni Cyrna.   Nilingon ko siya at may hawak-hawak na isang korean dictionary.   "Oo Best, kailangan natin niyan," nakangiti kong sagot sa kanya.   Nandito kami ngayon sa mall. Namimili kami ng mga gagamitin at kailangan namin para bukas. Can't wait to see my blue boys!   Hapon na nang matapos kami sa pamimili. Kapwa kami nakaramdam ng gutom kaya napagpasyahan namin na magdinner na rin. This time ako naman ang taya. Ayaw niya nga sana, mag-KKB (kanya-kanyang bayad) na lang daw kami. Pero syempre, ako ang masusunod.   Habang kumakain kami, pinag-uusapan namin ang lakad namin bukas, sobrang excited na kasi talaga kami. Kaya lang, medyo namomroblema rin ako. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Mama ang tungkol dito.   Una pa lang kasi, ayaw na ni Mama na nahihilig ako sa mga korean. Ewan. Basta ayaw niya, nagagalit siya kapag naririnig niya na kumakanta ako ng mga korean songs, nagagalit din siya kapag nakikita niyang nanonood ako ng mga korean drama. Para bang may allergy siya sa korean.   Sa Sunday ang birthday ko, tapos sa Thursday ang concert ng 4SBLUE. Bali, sabado ng gabi, uuwi na kami rito sa Pilipinas, kaya sa Pinas parin ako magce-celebrate ng birthday ko.   "Best, paano na nga kaya? Paano ako magsasabi kay Mama?" problemadong tanong ko.   "Ako na lang ang magpapaalam sa kanya para sa'yo," sagot niya.   "Kahit na ikaw pa. Baka 'di rin 'yon pumayag. Ewan ko ba bakit ayaw niya sa mga koreano."   "Alam ko na, Best. Hingi tayo ng tulong kay Mommy," suhestiyon niya.   "Huh? Anong tulong naman?" tanong ko.   "Basta. Ako nang bahala," sabi niya sabay kindat sa'kin.   "Gusto mo lagi akong nasu-surprise," biro ko sa kanya at sabay naman kaming natawa.   Ilang sandali pa ay kapwa kaming nagulat at natigil sa pagtatawanan, nang biglang maglagay ng panibagong pagkain 'yong waitress sa table namin.   "Oh Best, nag-order ka ulit?" tanong ko sa kanya.   "No," sagot niya tapos tinapunan niya nang tingin 'yong waitress. "We didn't ask for that."   "That's mine," saad ng lalaking biglang sumulpot sa harapan namin.   "You? What the hell are you doing here?" inis na tanong ni Cyrna.   Okay. Mukhang may gera na naman.   Pinaalis na niya 'yong waitress, pagkatapos ay naupo siya sa tabi ko.   "Bakit? Masama bang maki-share sa table niyo?" maangas na tanong ni Michael.   "Bakit? Wala na bang ibang table rito?" sarkastikong tanong ni Cyrna.   "Sungit naman nito. Meron ka ba?" -Michael   "Shut up." -Cyrna   "Ikaw kaya mag-shut up." -Michael   "You disturbing us!" -Cyrna   "Hindi naman." -Michael   "Umalis ka nga rito!" -Cyrna   "Nabili mo na ba itong restaurant na 'to?" -Michael.   Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nagtatalo sila. Ever since, ganyan sila lagi kapag nagkikita.   Nagpatikhim ako para makuha ang atensyon nila.   "Hi, Lian," nakangiting bati sa'kin ni Michael.   "Hello, Michael. Mag-isa ka lang?" tanong ko.   Tumango siya sa akin. "May kikitain kasi sana ako kaso bigla akong tinamad."   "Blind date?" tanong ko ulit.   "Oo. Pero wala, hindi ko naman sinipot," walang gana niyang sagot.   "Wala naman kasing may paki." Si Cyrna tapos umirap siya kay Michael.   "Hindi naman ikaw ang kausap ko." -Michael   "Ay, bakit? Feeling mo naman ba ikaw ang kinakausap ko?" -Cyrna   "Oo kasi nagseselos ka." -Michael   Napabuga sa hangin si Cyrna at kita ko 'yong gigil niya.   "Wow! Ang kapal naman talaga," inis na sabi niya.   "Sabihin mo lang, sa susunod hindi na ako papayag sa pa-blind date ni Mommy." -Michael   "Asa ka!" -Cyrna   "Sige ka, baka magsisi ka sa huli." -Michael   "Bakit naman ako magsisisi?" -Cyrna   "Kapag napunta ako sa iba." -Michael   "Baka nga pasalamatan ko pa siya." -Cyrna   "Guys! pwede ba mag-behave nga kayo. Halatang miss na miss niyo ang isa't isa ha." Pagsita ko sa dalawang aso't pusa na 'to.   Nakalimutan na kasi yata nila na kasama nila ako.   "Paano kasi 'tong asungot na 'to. Epal," saad ni Cyrna sabay irap kay Michael.   "Ano? Ako asungot? Ang gwapo ko namang asungot niyan." -Michael   "Maluwag na siguro turnilyo mo sa ulo." -Cyrna   At nag-umpisa na naman ulit sila. Habang kumakain ang dalawa ay panay ang pag-aasaran at sagutan nila. Napailing na lamang ako at mabilis na inubos ang kinakain ko.   Makalipas ang ilang minuto ay natapos na nga kami sa pagkain pero hindi pa rin natatapos sa pag-aasaran at pagbabangayan ang dalawang kasama ko.   "Guys, una na ko sa inyo huh," paalam ko sa kanila.   "Bakit ka mauuna? Sabay na tayong umuwi," ani Cyrna.   "Nagtext kasi si Mama, may pinadadaanan siya sa akin," tugon ko. "Michael, ikaw na ang bahala sa best friend ko ha," balin ko kay Michael.   "What? You're kidding, right?" iritang tanong ni Cyrna sa akin.   "See you tomorrow, okay? Bye!" nakatawang paalam ko sa kanila at tuluyan ko na nga silang iniwanan.   Alam kong safe naman si Cyrna kay Michael. Naging classmate namin ni Cyrna si Michael noong High School, at schoolmate namin siya noong College.   At sa tingin ko talaga may chemistry sa kanilang dalawa.   Tingin niyo rin ba?                   **               Cyrna's POV         Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa akong iwanan ni Lian sa asungot na lalaking 'to.   "Tara, hatid na kita," nakangising sabi sa'kin ni Michael.   "Kaya kong umuwi mag-isa," pagsusungit ko rito.   Mabilis ko siyang tinalikuran at nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya, nang biglang may umakbay sa'kin, at naramdaman ko ang katawan niya sa likuran ko.   Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa sistema ko. Para bang nabuhay ang lahat na natutulog kong dugo sa katawan.   "Ouch! Oh s**t!" sigaw niya habang namimilipit at hawak-hawak 'yong ano niya. Basta 'yong ano niya, gets? Basta 'yon na iyon! Namimilipit siya habang hawak 'yong ano niya kasi, sinipa ko lang naman ng pagkalakas-lakas 'yong ano niya.   "Bastos! Manyak! Unggoy ka talagang bakulaw ka!" sigaw ko sa kanya.   "What? Ako na nga 'tong natulong sa iyo," sagot niya.   Teka, ano raw? Natulong? Tinutulungan niya ako? Gusto niya yata ulit masipa sa ano niya?   "Oy! Ano namang tulong ang ginagawa mo ha? Eh kamanyakan 'yon eh!" inis kong sabi sa kanya.   "Miss..." tawag sa akin ng isang babae. Nilingon ko siya at sinenyasan niya ako sabay turo sa may likuran ko—sa may pwetan ko. She mouthed "May tagos ka." Tapos ay nagtuloy na ito sa paglalakad.   Matagal bago naproseso ng utak ko ang sinabi sa akin ng babaeng iyon. Bigla kong naipantakip 'yong handbag ko sa may pwetan ko. Naka-white pants pa man din ako!   Napatingin ako kay Michael na medyo namimilipit pa rin. Bakit parang gusto kong bumuka na 'yong lupa at lamunin ako ng buo ngayon? Grabe namang kahihiyan ito!   Umayos ng tayo si Michael at naglakad papalapit sa'kin.   "See? I just want to help you," he said huskily.   Hinubad niya 'yong suit niya at pinatong niya 'yon mula sa likod ko and he whispered...   "Ano bang brand ang ginagamit mo? Ako na ang bibili."   And swear, nagtaasan 'yong mga balahibo ko sa katawan!   Sobrang kahihiyan!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD