PROLOGUE

1149 Words
Masayang nagh-hum si Julie habang nakahiga siya sa kama niya. Patanghali pa lamang pero pakiramdam niya buo na ang araw niya. Sinasabayan niya ang tugtog sa dock ng Ipod niya. Nakarepeat iyon. Whatever I said, what ever I did I didn't mean it I just want you back for good Nakasandal siya sa may headboard ng kama at nakatupi ang mga tuhod habang nakalapat ang paa sa pinakaibabaw ng kama. Sumasabay pa sa beat ng kanta ang kanyang mga kamay na para bang may kunwaring drums siya sa harap. "Sweets! Alis muna ako ah!" Mabilis na bumukas ang pinto ng kwarto ni Julie Anne at dumungaw naman ang kanyang pinakamamahal na nanay at nakangiting nagpaalam sa kanya. "Nagluto na ako diyan ng ulam, kain ka na lang ha, baka mamayang gabi pa ang uwi ko." Nagtatago ng kilig na tumango naman si Julie. "Okay mommy! Ingat po kayo!" "Love you sweets!" Queenie waved to her daughter and closed the door. "Love you mommy!" Balik tawag ni Julie at napasandal nanaman sa headboard. Kapag may makakakita sa kanya ay iisipin na nababaliw na siya. Paano ba naman, kanina pa siya ngiti ng ngiti. Patuloy lang siya sa pagsabay sa mga kantang naririnig niya sa radyo nang may kumatok sa pinto niya. Nakaangat ang leeg na animo'y dinudungaw niya kung sino ang nandoon. "Pasok!" Mabilis na bumukas naman ang pinto at dumungaw ang isang pamilyar na muhka para kay Julie. "Ui! Pasok!" Sabi na lang niya ulit. Nakangiting pumasok nga ang lalaki at mabilis na sinara ang pinto sa likod bago dumeretso sa kama ni Julie at komportableng nahiga sa tabi nito. "At home ah!" Pagtudyo ni Julie Anne. The guy shrugged and just leaned in closer. "Elmo ah..." Pagbanta ni Julie. Sa ginawa kasi ng lalaki ay naramdaman niya na parang uminit ang paligid at bumilis ang t***k ng puso niya. Sinong hindi bibilis ang puso kung ganun kalapit ang manliligaw mo? Ngumisi ulit ang lalaki sa kanya. "Ikaw kasi eh. Saan ba si tita pupunta? Nakasalubong ko siya sa labas eh. Sasakay ata ng trike." Nagpapasalamat si Julie na lumayo naman ang lalaki kahit papaano para naman makabalik siya sa wisyo niya. Then she remembered he actually asked her a question. At bumalik ang malaking ngiti sa kanyang muhka. "Eh kasi..." Di niya mapigilan ang kilig sa kanyang muhka at natutuwang tiningnan lang siya ni Elmo. "Feel ko magkakabalikan na si Mommy saka si Daddy." Muhkang hindi naman ganun na nagulat si Elmo pero lumapit pa ito kay Julie para magtanong pa. "O? Pano mo naman nasabi?" At dahil sa sobrang tuwa sa naiisip ay hindi namalayan ni Julie na napalapit nanaman sa kanya ang lalaki. Bagkus ay tinuloy lang niya ang kanyang iniisip. "E kasi ilang araw na kaya sila laging nagkikita. Sabi nila para daw sa negosyo pero halata naman na puros date kaya ang ginagawa nila." At sa huling salita niya na iyon ay kinilig kilig nanaman siya. Mahinang natawa si Elmo habang linilingon ang babaeng katabi niya sa kama. Hindi niya alam kung siya lang ba o ano pero parang kumikinang kasi ito. O dahil nakangiti ito? "Hoy!" Nagulat siya nang mahinang tinampal ni Julie nag braso niya. Napaderetso pa siya ng kaunti sa pagkakasandal sa head board. "Ah, a-ano?" Pinigil ni Julie ang ngiti. "Kako bakit ka mag-isang ngumingiti diyan. Ako may dahilan naman kaya ngumingiti. E ikaw?" "May dahilan din naman ako para ngumiti ah." Sabi ni Elmo. Naramdaman nanaman ni Julie ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Sobrang lapit kasi ni Elmo. Kapag may tumulak na hangin magdidikit na talaga ang mga labi nila. "M-Moe..." She stuttered. Pero parang walang naririnig si Elmo dahil nakatitig ito sa labi ng dalaga na nasa harap niya. "Julie." Anas ni Elmo. Nakatingin pa rin ito sa labi ng dalaga. Sa mga panahon na iyon ay magkadikit na ang kanilang mga ilong. Bahagya silang napatingin pareho sa isa't isa bago inilapat ni Elmo ang mga labi sa labi ni Julie. Saglit lamang iyon. Pero madiin. At naramdaman ni Julie na nagkulang siya ng hininga. Napasinghap siya nang saglit na lumayo si Elmo. Muhkang kabado ang lalaki at magsasalita pa sana nang si Julie ang lumapit ulit at ginaya ang ginawa ng lalaki. Napapikit na sila pareho at dahan dahang hinawakan ni Elmo ang muhka ng dalaga sa harap niya at linaliman pa ang halik. Sumagot na si Julie sa mapangahas na galaw ng labi ng lalaki at hindi niya namalayan na nabuka na pala niya ang kanyang bibig, pagkakataon para maipasok ni Elmo ang nagkukulit na dila. "Mmm!" Mahinang ungol ni Julie. At hindi niya sinasadya ang sunod na nangyari. "Aray!" "Oh s**t! s**t!" Nagpapanic na sabi ni Julie at napahawak sa isang balikat ni Elmo. Nakahawak naman ang lalaki sa labi at napatingin kay Julie. Kinakabahan na tiningnan siya ni Julie pero dahan dahan na sumilay ang isang ngiti sa kanyang muhka. "Wild ka pala ah..." Lumaki ang mga mata ni Julie habang mabilis na umakayat ang dugo sa muhka niya at naiinis na pinaghahampas niya ng unan si Elmo. "Tseh! I hate you!" Patuloy pa rin ang paghawak ni Elmo sa labi na ngayon ay...dumudugo. "Pwede maghugas muna?" Tawa ni Elmo habang iniiwas ang sarili sa mabigat na hampas ni Julie. Tumigil naman na ang huli at nahihiya na tumango. "Doon ka na sa C.R." Kumikinang ang mga mata na ngumiti si Elmo kay Julie bago naglakad na papunta sa banyo ng dalaga. Naiinis na nahilamos ni Julie ang muhka. Shet nakakahiya! Nagtatago siya sa likod ng dalawa niyang kamay nang maramdaman niya may humawak dito. Napaangat siya ng tingin at nakita na hawak hawak ni Elmo ang dalawa niyang kamay habang nakaluhod ito sa harap niya sa may kama. "Ang cute mo talaga Aka..." Tumaas ang kilay ni Julie. "Anong Aka?" "Aka...Akin ka..." Elmo snickered. Bahagyang tinulak ni Julie palayo ang muhka ng lalaki. "Corny mo!" "Bakit ka kinikilig?" Elmo teased. Umupo ulit siya sa tabi ni Julie at hinayaan na mahiga ito sa balikat niya habang mahigpit ng umakbay ang kanyang mga braso. Weird ba? Oo nagliligawan pa lang sila pero parang sila na. Ang gulo. Ang alam lang niya, masaya siya na kasama niya ang babae. Napatingala si Julie sa lalaki para makita ang muhka nito at namula nang makita na may sugat na nga ang labi nio. Hindi naman niya kasi sinasadya. Nakagat lang niya talaga ito. "Masakit ba?" Nahihiyang tanong niya. Elmo looked at her and answered. "Uh, medyo mahapdi, pero okay lang. Sabihin ko na lang sa tao, 'mahilig po kasi mangagat si Julie.'" "Elmo ah!" "Biro lang Aka." Tawa ni Elmo at inamoy amoy ang buhok ni Julie. They stayed in that position hanggang sa naramdaman niya na nakatulog na ang babae sa balikat niya. Ngumingiti na hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito bago nagpadala na din sa antok. "Someday you'll be mine, Aka...for good."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD