Chapter 1

2626 Words
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Julie habang tinitingnan ang kanyang cellphone. From: Rich Condolence Jules, sorry di ako makakapunta. Pag-pray ko na lang kayo. Nanghihina na binaba ni Julie ang device at nagpunas na lang ng luha. "Sweets?" May kumatok sa pinto niya at napatingin naman siya at nakitang nakatayo doon ang kanyang mga magulang. "Ready ka na sweets?" Tanong ng kanyang ama habang papalapit at umupo sa tabi niya sa kama. Tumutulo pa rin ang luha na inihilig ni Julie ang ulo sa balikat ng papa niya. Maya-maya ay umupo na din ang mama niya sa kabilang side. Naramdaman niyang hinihimas nito ang braso niya at hinalikan naman ng papa niya ang tuktok ng kanyang ulo. "Halika na sweets, babyahe pa tayo." Sabi ng papa niya bago ito tumayo. Kahit parang ang bigat bigat ng katawan niya ay tumayo na din si Julie at inakbayan naman siya ng kanyang mama. "Tagal din natin hindi nabisita si lolo eh." Julie sniffed and again wiped some stray tears from her face. Hinagod ng mama niya ang kanyang buhok hanggang sa makalabas sila ng kwarto niya at makarating sa salas. Narinig nila na pinaandar na ng papa niya ang kotse sa labas. "Bumibisita naman tayo, sweets." Sabi ng mama niya. "I know it's been five years simula nang umalis tayo sa Northville. Pero nakikita ka naman lagi ng lolo at lola mo." Napailing si Julie. "Not enough." At nauna na siya pumasok sa loob ng kotse habang napabuntong hininga na lang ang mama niyang nakatayo doon. Umandar na ang kotse at inihilig na lang muna ni Julie ang ulo sa may binatana ng kotse. Parang ayaw pa rin kasi niya tanggapin. At maya maya lang ay nakatulog na siya sa kanyang pwesto. Nagising na lang siya nang maramdaman na tinatapik tapik na siya ng kanyang papa. "Anak, gising na. Nandito na tayo." Kaagad na binunot ni Julie ang kanyang shades at sinuot iyon. Makikita kasi ng tao ang pagkamugi ng kanyang mga mata. Kahit alam naman nilang lahat na ganun talaga ang magiging sitwasyon. Pagkababa niya ng kotse ay nakita niya ata ang buong Northville na katauhan. Hapon na kasi at sa lamay, halos lahat naman talaga ng tao ay nandoon. "Halika na anak." Sabi ng mama niya at inakbayan siya. Nakikita niyang naiiyak na din ang kanyang mama kaya naman yinakap niya ito palapit. Malungkot na tintingnan sila ng mga tao habang pumapasok sila sa loob ng bahay. May iba naman na nagbibigay ng ngiting simpatya. "Queenie." "Ma..." Iyak ni Queenie at lumapit sa nanay niya, ang lola ni Julie habang nakatayo ito sa tabi ng ataul. Nagyakapan muna silang mag-ina bago siya pinalapit ng lola sa may ataul. "Anak." Tawag ni Queenie kay Julie habang linilingon ito. Mahinang tinulak si Julie ng kanyang papa haggang sa makarating siya sa kanyang lola na yinakap din niya. "Apo..." "Lola..." Julie sniffed. Pagkatapos yumakap ay sumunod na siya sa kanyang mama para tingnan ang ataul kung saan humihimlay na ang kanyang lolo Conrad. Magkayakap silang umiiyak ng kanyang mama. Napakabait pa naman sa kanya ng kanyang lolo. Mahal na mahal niya ito. Kaso panahon na siguro nito kaya siya kinuha ni Lord. Nakaupo lang sa sofa sa harap ng ataul si Julie habang nakikipagusap ang mama at papa niya sa iba pang bisita. Tulala siya. Parang ngayon pa lang pumapasok sa isip niya na wala na ang lolo niya. Pero alam niyang tanggap na din niya. Kaysa naman nahihirapan pa ito sa sakit. May tunog ng mga apak kaya napatingin siya. "Bes!" A small smile crawled up her face. "Bes..." Lumapit ang matangkad na babaeng tinawag niyang 'bes' at naupo sa tabi niya. "Condolence bes..." Binalik ni Julie ang yakap ng babae at naluha ng kaunti. Sabi nila hindi daw pwede magpasalamat kapag sinabihan ng condolence. Kaya naman tumango na lang si Julie at yinakap ang kaibigan. "Maqui..." Napatingin silang dalawa at nakita na lumapit sa kanila si Queenie. "Tita...condolence po." At kagaya ni Julie ay tumango lang si Queenie. Pinanuod ni Julie na lumapit sa ataul si Maqui at nakita ang taimtim na pagmumuni nito bago pa ito tumabi muli sa kanya. Pareho silang nanahimik dahil pareho din silang wala naman masabi. "Mga anak, sa labas muna kaya kayo at magpahangin? Padadalahan ko na lang kayo ng makakain." Sabi ni Lola Corazon. Napatango na lang ang dalawang babae. Muhkang marami pa kasing bisitang dumadating kaya lahat ay dumederetso sa mismong living room ng bahay nila. Takipsilim na sa labas. Humahaplos sa balat nila ang hangin. Sa isang bilog na lamesa umupo si Maqui at Julie at saka binigyan sila ng mga biscuit at juice na maiinom. "Kamusta ka naman bes?" Tanong ni Maqui. Apaaisip na tiningnan lamang ni Julie ang kalye. Parang minememorya niya ang pattern ng semento. "Ito. Medyo nabigla. Akala namin, simple pneumonia lang eh. Pero ayun nga. Alam mo naman na kung saan si lo, masaya na siya." "I think so too bes." Nginitian siya ni Maqui. Binalik ni Julie ang tingin sa kaibigan. "Kamusta nga pala ang job hunt?" Ang huling usap kasi nila ay naghahanap ng bagong trabaho si Maqui. Ayaw na kasi nito doon sa call center. "Sa univ na ako bes...magp-prof ako doon." "Talaga?" Nanlaki ang mga mata ni Julie. Masaya siya para sa kaibigan. "Goodluck ah!" "Thanks bes...o ikaw? Balita ko sa Just Empires ka na ah." Tama ito. Nakuha siyang copy writer sa kumpanya kung saan nagt-trabaho din ang tito Tom niya, nakababatang kapatid ito ng dad niya. Papatuloy pa sana sila ng usapan nang narinig nila na parang may binabati ang mga tao sa may harap bahay. Nanigas ang buong katawan ni Julie at sigurado siya na nakalimutang tumibok ng puso niya ng isang beat. "Bes..." Tawag ni Maqui sa kanya na parang nagaalangan din. Pero hindi siya nakasagot. Dahil tumingin sa direksyon niya ang lalaking kanina pa niya tinitingnan. Parang bumalik lahat ng pangyayari limang taon na ang nakakalipas. "Bes!!!" "Maq! Aga aga ang ingay!" "Whoo! Kunwari ka pa!" Sabi ni Maqui habang umaakyat para makatabi kay Julie sa kama. Alas diyez na ng umaga pero heto si Julie at hindi pa magigising kung hindi siya bubulabugin ni Maqui. "Siguro kaya late ka nanaman natulog kasi nagtelebabad kayo ni Elmo!" Kapag kinikilig si Julie napapajagat labi siya; kaya ayun. Halos masugat na ang labi niya. "Ay sinasabi ko na nga ba eh! Ikaw bata ka talaga!" Kunwari ay panenermon ni Maqui. Hindina mawala sa muhka ni Julie ang ngiti. Sa sobrang kilig ay napayakap na lang siya kay Maqui. "Maq, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito! Kay Elmo lang! Ang sweet sweet talaga ni Aka!" Tiningnan ni Maqui ang kabigan na naguguluhan. "Anong aka? Akala? Bwahaha!" "Hindi!" At mahinang hinampas pa ni Julie si Maqui. "Aka yung tawag namin sa isa't isa." "Anong aka?" Tanong ulit ni Maqui dahil gulong gulo talaga siya. "Baby?" "Ha? Anong baby?" "Baby kasi yung translation non kapag salitang Japanese! Or pwede ding red. Kasi ganun kulay ng muhka niyong dalawa kapag nakita niyo ang isa't isa." At humagalpak ng tawa si Maqui. "Hindi nga kasi!" Paghimutok ni Julie. Tumatawa pa rin si Maqui pero nabawasan kaya tinuloy niya ang sasabihin. "Aka tawag niya sa akin as in...akin ka..." There was a moment of silence that passed by. Yung tipong may anghel na dumaan. "BWAHAHAHAHAHHAHAHAA!" Nakasimangot na tiningnan ni Julie ang kaibigan habang patuloy itong tumatawa na akala mo kaunti na lang ay matatae na. At kahit nakikita ni Maqui na sinisimangutan na siya ni Julie ay patuloy pa rin ang pagtawa niya. Sa natatawa siya eh. "Stop it Maq!" "Eh kasi...bwahaha! Ang corny ni Magalona eh!" Sabi ni Maqui at sinubukan naman takpan ang bibig para tumigil na din sa pagtawa. "Ang sweet kaya!" Pagdadahilan ni Julie. Hindi niya magawang mainis ng tuluyan kay Maqui dahil nga naman best friend niya ito. "O e ano, sasagutin mo na?" Unti unting sumeryoso si Maqui. Muhkang naitawa na niya ang lahat ng maitatawa niya. Sumeryoso na din si Julie at napaisip. "Hindi ko alam Maq eh. I mean, he seems serious naman kaso...ang bata pa namin eh." "Gaga ka pala eh. E bakit ka nagpaligaw? Kinikilig kilig ka pa diyan!" "May...well..." Naguguluhan na huminga si Julie. "Crush ko naman siya eh. Pero kasi...gusto ko kapag nagkaboyfriend na ako, yung tipong siya na yung papakasalan ko. E ang bata pa namin eh." Napahawak sa sentido si Maqui. "Bes, sa ginagawa mo na yan, mahuhurt lang pride ni Elmo eh. Diba kilala pa naman yan na matinik sa chicks? Bago ka pa niya ligawan...kilala mo na yan. Magkakakilala naman tayong mga kabataan dito sa Northville. Edi sana sinabi mo na wag na lang niya ituloy." Problemado na napahinga si Julie. Ito naman kasi si Maqui e. Okay na eh. Masaya na siyang ang sweet sa kanya ni Elmo tapos dadaan ang tanong kung sasagutin na ba niya ito. Sa totoo naman na hindi pa siya handa eh. "Anak?" Napatigil si Julie at Maqui nang makitang sumilip sa loob ang papa at mama ni Julie. ~~~~~ "Hi Aka!" Maligalig na bati ni Elmo nang makita niya si Julie na papalapit sa kanya. Nakaupo siya sa may swing sa plaza ng village nila. Kumaway din si Julie bago tinahak ang daan papunta sa kanya. The moment na umupo ito sa tabi niya ay hinalikan niya ito sa pisngi. Naramdaman niya na parang natigilan ang dalaga sa ginawa niya at kinabahan naman siya. Dati naman ay ganun niya talaga ito batiin ah? Dahil ba ito sa nangyari nung isang araw sa kwarto ng dalaga? "Aka?" Nagtatakang tanong ni Elmo. Kahit muhkang naguguluhan nung una ay nakayanan naman ni Julie ngumiti. "Ah..A-Aka, may sasabihin kasi ako eh." "A-ano yon?" Elmo always stuttered whenever he was around Julie. Sakit na ata niya. Magpapacheck up na siya. Huminga muna ng malalim ang babae at mahigpit na hinawakan ang dalawang kamay ni Elmo. "K-kaya mo ba maghintay?" "M-maghintay?" May lito sa muhka niya. "Saan?" "Sa...akin." Naguguluhan na tiningnan ni Elmo ang babae. Pero nagpatuloy ito. "H-hindi pa kasi ako talaga handa sa relationship Aka..." Milyon milyon na palaisipan ang dumadaan sa utak ngayon ni Elmo dahil sa sinabi ng babae sa kanya. "Basted na ba kaagad ako?" Ayun ang lumabas sa bibig niya. "H-hindi! H-hindi ko alam..." Napatayo mula sa swing si Elmo at pinadaan ang kamay sa buhok niya. "Ba naman yan Julie!" "E-Elmo..." Napatayo na din si Julie. "Bata pa tayo pareho eh--" "Alam ko naman yon!" Magkaharap na sila. "Pero Julie naman, gusto ko ito eh. Gusto ko subukan ito. Kasi iba ka eh. Iba ka sa mga babaeng nakasama ko." Sa sinabi ni Elmo ay natigilan si Julie. Parang pumapasok sa isip niya ang sinabi ni Maqui. "Bakit Elmo? Doon ba sa ibang mga babae, mabilis mo lang silang nakuha?" Gimbal na napatingin si Elmo sa kanya. "Ganun? Ganun ang iniisip mo? Na kaya ako naaasar kasi hindi kita nakuha kaagad?" Parang gusto magsisi ni Julie sa sinabi. "H-hindi. Elmo, I'm sorry I---" "Naghahanap ka lang ba ng excuse ha? To let me down easy?" Mabuti ay wala masyadong tao dahil alanganin ang oras. Kung hindi kitang kita ng lahat ang pagaaway nila. "Elmo, can't we just continue this? What we have? Until I get my s**t together?" Elmo scoffed at that. "Akala mo ganun kadali yun Julie? E para lang pala pinagloloko ko sarili ko." "I need time!" Iyak ni Julie. May saglit na natigilan si Elmk dahil kahit kailan man ay ayaw niyang nakikita na uniiyak si Julie. Pero kapag inuna niya ang pagalala dito ay wala lang silang hahantungan. "Alam mo bakit Aka ang tawag ko sayo?" Hinayaan lang ni Julie na ituloy niya ang sasabihin. "Possessive kasi akong tao Julie. Aka...dahil gusto ko maging akin ka. E muhkang di naman pala ganun ang mangyayari." Huminga siya ng malalim. Baka kasi mapaiyak siya at ayaw niya makita ni Julie iyon. "Ang tagal na kitang liniligawan. Mapupunta lang pala sa wala." And with that he started walking away. "Elmo!" Tawag ni Julie. Pero wala. Mabilis na naglakad si Elmo palayo hanggang sa humantong na ito sa pagtatakbo. At naiiyak na napaupo sa swing si Julie. Muhkang di naman pala din talaga siya kaya nito hintayin. At hindi man lang niya nasabi na aalis na sila. "Bes?" Napakurap si Julie nang tawagin siya ni Maqui. Pagtingin niya ay saktong papasok na si Elmo sa loob ng bahay nila. Na para bang wala itong nakita. "Okay ka lang ba?" Tanong ni Maqui. Bilang best friend ay alam niya lahat ng nangyari dati. So Julie put up a smile. "Oo naman. Bakit?" Nagaalangan na tiningnan siya ni Maqui. Para bang sinisigurado kung tama itong sasabihin niya. "Kasi...nakita mo ulit si Elmo..." "O...what about him?" Gusto ni Julie kutusan ang sarili. Maloloko pa ba niya si Maqui e best friend niya ito. Aminado naman siya sa sarili niya na affected siya eh. "Matagal na yon, 16 pa lang kami non." "Ako pa ba lolokohin mo bes? E halata naman na bitter kayo sa isa't isa. Hindi nga naging kayo pero kulang pa rin sa brown sugar." "Di nga ako bitter." Irap din ni Julie. "Pake ko naman sa kanya. Ang pake ko si Rich na hindi man lang ako sinamahan." "E pano ang gulo niyong dalawa. Hindi naman kayo pero...haay ang gulo ng Rich na yan! Tangina pabebe!" At napahawak pa si Maqui sa bibig. Baka may nakarinig ng mura niya. Buti naman at wala. Napailing si Julie. College classmate ni Julie si Rich. Crush niya ito noon pa man at kaibigan naman siya nito. Pero ewan ba niya, ayaw niya kasi magbigay ng motibo at wala naman ata balak ito gumalaw. She was okay with him being her friend. But enough about Rich. "Basta...di ako bitter kay Elmo no..." "Talaga? Sige nga...pakita mo nga...he's coming this way." Mabuti na lamang at napigilan ni Julie na hindi masagi ang juice sa harap niya. Naghuramentado ang puso niya sa sinabi ng kaibigan hanggang sa nakita niyang nakatayo na sa harap niya si Elmo. He still had the same face. That face she was so fond of. Pero nagmature. Pareho pa rin ang makapal nitong kilay, ang matangos na ilong at maninipis na labi na, ayaw man niya isipin ngayon, ay natikman na niya. "Sweets!" Biglang sabi ng mama niya kaya nasampal siya pabalik sa realidad. Napatingala siya dito dahil katabi ito ni Elmo na nakatayo. "Nakiramay si Elmo, susunod daw ang parents niya. Sama na siya dito ah. Friends naman kayo noon pa eh." At humarap ito kay Elmo. "Anak, upo ka na ah. Kukuha kita ng juice." "Ako na lang ma!" Julie offered pero mabilis siyang pinaupo ni Queenie. "Nako wag na anak, marami naman tayong kasambahay eh." At bago pa makapagsalita si Julie ay naglakad na ito palayo. Napaupo ulit siya sa upuan niya pero iwas ang tingin kay Elmo na nasa tapat niya. Mabuti na lamang at nandito si Maqui. "Saan ka pupunta?" Tanong niya kay Maqui nang makita na bigla itong tumayo, sana lang hindi halata na gimbal na gimbal siya sa mga pangyayari. "Easy ka lang bes, kukuha lang ako ng kape, yung maraming brown sugar, Gusto mo ba? Ikaw Elmo gusto mo din?" "Okay na ako Maq... Salamat." Sagot naman ni Elmo. Pati boses niya ay ganun pa rin. Ganun pa rin pero iba na. Ang gulo ba. Pakiramdam ni Maqui matatanggal na ang braso niya sa higpit ng hawak ni Julie pero sa wakas ay nakawala siya at mabilis na tumakbo sa loob para magtimpla ng kape. And just like that ay naiwan silang dalawa. Napatingin si Julie kay Elmo at sakto naman na nakatingin din ito sa kanya. At sabay na sabay na nag-iwas silang dalawa ng tingin. Talk about awkward.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD