Chapter 2

2632 Words
Nananadya talaga ito si Maqui. Alam ni Julie iyon. Gaano ba katagal magtimpla ng kape?! Ilang minuto na iong nawawala! At sa bawat segundo na wala ito sa tabi niya ay parang hinihila ang oras. Lalo na at ni isang salita ay walang lumabas sa bibig nila ni Elmo. Hindi nga niya matingnan ito. Sa cellphone lang siya nakatuon ng pansin. "A--J-Julie." Mabilis na napaangat siya ng ulo nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Elmo. Nagtama ang kanilang tingin at sigurado siya na may naramdaman siyang init na bumalot sa buong katawan niya. Papaano iyon? E hindi naman summer. "H-ha?" Oh great. Sa lahat ng masasabi ayun pa ang lumabas sa bibig niya. Blangko lang ang ekspresyon sa muhka ni Elmo habang tinitingnan siya nito. Medyo nakalean ito sa lamesa at nakapatong ang isang braso sa ibabaw. Muhkang magsasalita pa sana ito pero mabilis naman na umiling. "Wala." Parang nadismaya si Julie. Pero hindi niya ipinakita iyon. Imbes ay tumango na lang siya at nagiwas ng tingin. Bakit pa niya id-deny pero ang awkward talaga. Ito ang unang pagkikita nila in 5 years. Oo, sa social media nagkabalitaan sila pero ni isang beses ay nakapagusap sila kahit man lang doon. Dahan dahan siyang sumulyap kay Elmo muli at nagulat nang nakitang nakatitig ito sa kanya. Muhkang pareho sila nagulat, lalo na si Elmo dahil halatang halata na nagiwas ito ng tingin at napatayo pa sa kinauupuan. At dahil biglaan ang pagtayo nito ay tumama ang tuhod niya sa gilid ng lamesa dahilan para matapon ang mga juice na nakapatong sa taas. "s**t! Sorry sorry!" Tarantang sabi ni Elmo at gumalaw sana para linisin ito pero ano naman ipanglilinis nito? "Kukuha lang ako ng basahan." Sabi ni Julie habang tumatayo. Mabuti na ito at may dahilan siya para makalayo doon. Pinakiramdaman niya ang sarili at hindi natiis na naghubad ng suot ng blazer. Nagiinit ang buong muhka at katawan niya ng dahil sa hiya. Umiwas siya sa mga tao na labas pasok sa bahay nila at tumatango na lamang sa mga nagbibigay sa kanya ng kanilang condolence hanggang sa nakaabot siya sa kusina. "Bes?" Napaikot siya sa tumawag at napahawak pa sa gilid ng counter. Nakita niyang nakatayo doon sa harap niya si Maqui na nakataas ang kilay habang may hawak na dalawang cup ng kape. "Maq! Ginugulat mo naman ako e." Julie heaved a sigh. Napasandal lang siya lalo sa may counter. Lumapit sa kanya si Maqui at linagay ang dalawang cup sa may counter bago hinarap siya. "O bakit ka nandito? Iniwan mo nanaman si Elmo?" Napaangil si Julie. "Bakit parang may laman yung sinabi mo?" Maqui showed a defensive face. "Hey, ikaw ang nagsabi niyan. Aba talaga naman iniwan mo siya doon." Sumandal na ito sa may counter para magkatabi sila. Nakaharap sila ngayon sa mga cabinet at akala mo naman ay may pinapanuod silang tv show dahil doon nakatuon ang pansin nila. "Sabi sayo e, ano, gusto mo ng brown sugar?" Sabay harap kay Julie. "Di ako bitter." Sabi naman ni Julie. And the words tasted different on her mouth as she continued staring at the cabinet. Natatawang napailing si Maqui kahit ba hindi naman nakikita ni Julie ang ginagawa niya. "Kanino mo yan sinasabi, sa akin? O sa sarili mo?" Nakasimangot lang na hinarap ni Julie ang kaibigan bago ibalik ang tingin sa harap. Pinagpatuloy naman ni Maqui ang pinagsasabi. "Nakakatawa kayong dalawa. Hindi nga naging kayo pero kung makaakto akala mo ilang taon na nagkarelasyon at bitter sa isa't isa." "Tss. Akin na nga yung basahan diyan!" Nasabi na lang ni Julie. Pero siya din naman ang kumuha ng basahan na nasa tabi ni Maqui at mabilis na naglakad palayo. Narinig pa niyang natatawa sa likod niya si Maqui. Bumalik siya sa lugar kung saan sila nakaupo kanina at nakitang nandoon pa rin si Elmo but he wasn't alone. Linapitan niya ang mga ito habang hawak hawak pa rin ang basahan. "James?" "Hi Jules." Sabi ng lalaki na nakaupo sa tabi ni Elmo. Tumayo ito para yakapin siya. She nodded her head as they pulled away. "Long time no see ah." Magpinsan nga sila pero madalang sila magkita. Si James ay anak ng tito Tom niya. "Well, you know." James shrugged. Saka naman sumunod si Maqui at napatingin pa sa kanila. "Hayme! Ano ginagawa mo dito?" "Hello to you too Maq." Ngiti ni James. "Julie..." Biglang nagsalit si Elmo kaya napatingin ang tatlo sa kanya. "Bakit ganyan ang suot mo?" Angil nito. Napatingin si Julie sa sarili at nakita na naka sleeveless spaghetti strap na lang siya. Nagtanggal nga pala siya ng blazer kanina at nailapag niya sa may kusina kanina. Mabilis na hinubad ni Elmo ang polo shirt na suot, leaving him in a white undershirt at pinatong ito kay Julie. "Ang rami rami tao ganyan itsura mo." At pagkasabi nito noon ay mabilis na naglakad papasok sa loob. Tamemeng nagkatinginan si James, Maqui at Julie. Kahit naguguluhan ay napakapit din naman si Julie sa shirt ni Elmo. "Ati, nainis si koya kasi lumuluwa na yang hinaharap mo." Bulong ni Maqui. Mabilis na tinulak ni Julie ang kaibigan at narinig naman nilang tumatawa si James. "Oh sorry." James said, snickering. "Ang obvious kasi ni Moe." "Obvious saan?" Takang tanong ni Julie. Kaya naman napaikot ang mga mata ni Maqui. "Ikaw naman tanga! Hayme pasok na din tayo! Saan naman kaya nagpunta yung kaibigan mo?" Naiwan tuloy si Julie na nakatayo doon mag-isa habang si James ay natatawang sumunod kay Maqui. Naguguluhan na naglakad pabalik sa loob si Julie pero napatigil siya nang makita niya si Elmo na nakatayo sa may gilid bahay. Nakasandal lang ito sa pader at tinitingnan ang kalangitan. Lumalabas na ang mga bituin at ayon na ang nagsisilbing ilaw sa kanila. Dinahan dahan lang niya ang paglakad pero napansin pa rin siya ni Elmo kaya naman napatingin ito sa kanya kahit na ilang tapak pa rin ang layo niya. Napatigil siya at saglit silang nagkatinginan bago unang umiwas si Elmo at parang nahihiya na tumingin. "Elmo." Tawag ni niya at nakatayo na siya sa tabi nito. "Bakit?" Elmo asked. Kunwari pa itong parang normal ang lahat pero sino pa nga bang ginagago niya. And becuase she just wanted to get this over with ay inisang salita na lang ni Julie. "I'm sorry." Nalilio at nakakunot noo na tiningnan siya ni Elmo. "For what?" "S-sa dati." Julie shrugged. Ano pa nga ba masasabi niya. "Pfft, wala yun. Naka move on na ako." Sagot naman ni Elmo at mas tinamaran pa ang pagsandal sa pader. "Siguro naman naka-move on ka na din." Nagaalangan na tiningnan ni Julie ang lalaki. Bakit parang masakit na nakamove on na nga talaga ito? Gaga ka pala Julie eh. Sinaktan mo nga. Tinapakan mo ang pride. "Sige...pasok na ako." Umikot siya para bumalik sa loob nang maalala niya ang suot suot na shirt. Hinarap niya ulit ito at napatingin naman sa kanya si Julie. "Ah, salamat nga pala--" "Wag mo hubadin." Kaagad na pigil sa kanya ni Elmo nang makita nito na isasauli na niya ang shirt. "Magkakapneumonia ka niyan eh. Sayo na muna. Bakit ba kasi ganyan ang suot." Binulong lang nito ang huling sinabi pero narinig ni Julie. Hindi na lang siya nagsalita at naglakad na pabalik sa loob. Hindi siya sanay kay Elmo na ganito. Paano ba naman, dati...kulang na lang itali nito ang sarili sa kanya tapos ngayon parang gustong gusto nito na malayo. May isang luha na nakatakas sa mata niya habang papasok siya at nakayuko. Get it together Julie Anne, matagal na yon. Siya nga nakapagmove on na eh. "Hi sweets!" Buti naitago niya ang gulat niya nang sumalubong ang mama niya sa may living room. "Ma!" "Bakit nawala kayo nila Elmo? Binalikan ko kayo sa labas kaso wala na kayo doon." Nagtatakang tanong ni Queenie. "Uh..." "Queenie..." Hindi natuloy ni Julie ang sasabihin dahil sa taong tumawag sa nanay niya. At naramdaman niyang napako ulit siya sa kinatatayuan nang makita kung sino ang tumawag. "Tina..." There's sympathy on the woman's face as she moved forward to hug Queenie. Pagkatapos ay napatingin ito kay Julie yumakap na din. "Hey Jules..." Bati nito at yinakap na din ang babae. "Condolence, Julie and Queenie." Sabi ng lalaki sa likod ni Tina. "Hello po tito Allan." Sabi ni Julie at bumeso sa lalaki. Allan looked at her and slightly c****d his head to the side in wonder. "Hmm, may ganyang polo shirt si Elmo ah." Julie froze at that. Oo nga naman. Alam naman siguro ni Allan kung ano itsura ng damit ng kanyang anak. "Ma? Pa?" Lahat sila napatigin sa nagsalita at nakitang naglalakad si Elmo palapit sa kanila at tumabi kay Julie. "Anak...kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ni Tina. "Nagpahangin lang po sa labas." Sagot naman ni Elmo. "Kain muna tayo sa loob?" Biglang yaya ni Queenie. Tumango si Tina at Allan bago sumunod kay Queenie. Naiwan na nakatayo si Elmo at si Julie doon sa gitna ng living room. Ayaw ni Julie ng ganitong pakirmadam. Yung pakiramdam na hindi niya alam ang gagawin at hindi siya makahinga. "Halika na." Sambit ni Elmo. Sobrang aloof at stoic nito sa kanya. Hindi siya sanay. Parang mas gusto niyang hindi na lang talaga siya nito pansinin kaysa ganito ang inaakto nito. Nauuna siyang maglakad papunta sa dining table. "Kayong dalawa dito muna maupo, usapang matanda sa kabila." Ngiti ni Queenie sa kanilang dalawa. Tinago ni Julie ang saglit na pagpikit niya. Napakatiming naman nitong nanay niya. Nananadya ata. Alam naman kasi nito ang nangyari sa kanila ni Elmo limang taon na ang nakaraan. Asan na ba si Maqui at si James?! Kailangan niya ng back up! "Sige po tita." Sabi naman ni Elmo. Nasa kabilang table sila. Yung pang dalawa lang habang nagsasalo sa isang malaking lamesa ang kanilang mga magulang. Pwedeng pwede naman sila maki-join! Mama naman eh... Dinner time na din talaga kaya pinapakain na ang ibang bisita. Magkaharap sila ni Elmo na nakaupo habang pinadalahan sila ng pagkain ng mga kasambahay doon. "Salamat po." Sabay na sabay nilang sabi. "Haha! Scripted po ba kayo mam, sir?" Tawa ng nagdala ng pagkain sa kanila. Pero hindi na nito hinintay pa ang sagot ng dalawa bago naglakad palayo. How can there be so many awkward moments in one night? Hindi ginagalaw ni Elmo ang pagkain at sa gilid ulit nakatingin. Mabuti hindi ito na stiff neck. "May balak ka bang tingnan ako?" Ani Julie. She just snapped. At tumingin nga naman si Elmo sa kanya, hindi nga lang niya inaasahan na matalim ang pagkakatingin nito. "Ano bang gusto mo gawin ko?" "Tss." Julie rolled her eyes. "Ewan ko Elmo pero pwede ba, pansinin mo naman ako. Hindi yung iwas na iwas ka sa akin." Nagigting ang panga ni Elmo pero kumalma din. Nakita ni Julie kung paano lumamya ang tingin ng lalaki sa kanya bago muhkang huminahon na. "Y-you're right. I'm sorry." Nararamdaman naman ni Julie kung saan nanggagaling ang lahat ng ito. At aminado siya na malaki ang kasalanan niya. But...it was all in the past right? Si Elmo din naman na ang nagsabi nito. He moved on. So he should act that way right? "Gusto ko lang talaga mag-sorry Moe." Panimula niya. "I wasn't fair to you. It wasn't right. At ilang tapn na rin ang nakakalipas at hindi ako nakahingi ng tawad. So...I'm sorry." Nakita niya na parang nalulunod sa iniisip si Elmo. Hinayaan naman niya ito hanggang sa ito na ang magsalita. "Bakit Julie?" At nabigla siya sa tanong na iyon. "Anong bakit?" Buti naman at hindi na siya nautal. "Bakit ganun ang nangyari sa atin?" He looked so pained that Julie had to look away. Matagal nang panahon iyon pero gayon at kaharap niya muli ang lalaki ay ramdam na ramdam niya pa rin ang emosyon na dumaloy sa kanya nung mga panahon na iyon. But they were just kids then. They were grown-ups now. Siguro naman ay mas mature na ang isip nila hindi ba? "Natakot ako Moe." Sagot ni Julie. "I mean, ang bata pa natin noon eh. At takot ako sumabak sa isang relationship noon. Hindi ko alam kung kakayanin ko nung mga panahon na iyon. And it would've been unfair to you because I wasn't ready to give my all right?" Napatingin siya dito at nakitang nagaabang ang ekspresyon sa muhka nito. At muhkang hindi gumaan ang pakiramdam nito sa sinabi niya pero ano magagawa niya at ayon talaga ang nararamdaman niya noon? "Okay Julie. I understand. Salamat. And I'm sorry too." Sa wakas ay nasahi ni Elmo at nagpakita ng isang maliit na ngiti. Kaya siya din ay napangiti na. Kahit papaano ay gumagaan na ang loob niya. "Mga anak!" Napatingin silang dalawa sa tumawag at nakita na ang papa pala ni Julie ang tumatawag sa kanila. Hindi nila napansin na nakisalo na din pala ito sa kabilang lamesa. Tumayo ang dalawa para lumapi doon kahit medyo nahihiya dahil hindi man lang nila naubos ang kinakain. Nauna pa kasi ang harapan at usapan nila. "Papa..." Bati ni Julie at humalik sa pisngi ng kanyang papa. Si Elmo naman ay automatic na nagmano dito. "Upo kayo anak." Sabi ni Tina at linahad pa ang dalawang magkatabing upuan sa may lamesa. Kahit naguguluhan ay sumunod naman ang dalawang kabataan. Ano naman kaya itong paguusapan nila? "Elmo, iho, balita ko mamamasukan ka na daw bilang chef sa Bene Italia?" Muntik na maluwa ni Julie ang iniinom na tubig. Mabuti na lamang at naitago niya na parang saglit siyang naubo. "Okay ka lang?" Tanong ni Elmo. Aba at bigla naman ito naging touchy dahil hinagod hagod ang likod niya. Isang usap lang pala ang katapat nito? Sumenyas naman siya na okay siya. Bakit siya muntik na mabilaukan? Dahil pagmamay-ari ng Just Empires ang restaurant na Bene Italia. "Ah opo tito. Kasama ko po si James. Patissiere naman po siya doon." Sabi ni Elmo nang masigurado na okay na si Julie. May sumilay na ngiti sa muhka ng mga matatanda at hinarap naman ni Queenie ang anak. "Sweets..." "Po?" The San Jose couple looked at each other first, then to the Magalona couple before going back to Elmo and Julie. "Anak, napagdesisyunan na kasi namin na, dito na namin itatayo yung isang coffee shop na binabalak namin ng dad mo." "Dito as in sa Northville?" Julie asked. "Oo anak." Sambit ni George. "Para may kasama na din si lola Cora mo. Dito na lang muna kami ng mama mo." Julie already knew what this implemented. Dahil mas malapit sa magiging office ang bahay nila sa Taguig, kailangan niyang manatili doon. "Dito na po kayo titira?" "Oo isasama din namin si manang Minda." ani Queenie. Tinatago ni Julie ang lungkot habang tinitingnan ang mga magulang. "Edi, mag-isa po ako titira sa Taguig?" "Pwede ka naman umuwi dito kapag weekends sweets." Suhestiyon ng mom niya. "Pero oo nga, naisip namin na magiging lonely ka..." There was more to this. Hinintay ni Julie ang sasabihin ng magulang niya. Parang naramdaman niya ang kaba nang makita niyang nagkatinginan ang mag-asawang San Jose at Magalona bago sabay na tumingin sa kanya at kay Elmo na kanina pa nananahimik pero halatang naguguluhan din. "Naisip namin na..." Simula ni Queenie. At si Tina ang nagtapos. "Malapit din kasi doon ang Bene Italia, kaya naisip namin, doon na lang din tumira si Elmo. Maging maghousemate kayo." "PO?!?!?" =•=•=•=•=•=•=•= AN: Whoo pagod ako ngayong araw. Sorry kung sabaw! Hanu na mangyayari? Congrats kay Moe!!! May album na siya sa Univ Records! #niceone THANK YOU SO MUCH SA MGA NAGBABASA! 1k reads na siya yehey!!! Please do vote or comment okay? Let me know what you guys think! And yes... Si James Reid po ang pinsan ni Julie dito :) Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD