-ONE-

1594 Words
“KEIFER” EIGHT years ago, isang innocent heart ng seven years old na batang babae ang winasak ko. Her name is Aeone… Aeone Travis. Kababata ko si Aeone. Sabay kaming lumaki kahit na isang taon ang tanda ko sa kanya. Kung idi-describe ko siya, marami akong magagandang katangian na masasabi. Uumpisahan ko sa pisikal na anyo ni Aeone. Maputi siya na akala mo ay ginagawang pampaligo ang gatas. Her hair is curly at medyo brown. Nakuha niya siguro sa Australian father niya na iniwan sila sa hindi malamang dahilan nang two-years old siya. Sinabi iyon sa akin ng Mommy Andrea niya. Bilugan ang kanyang mata. A brown-eyed little girl. In short, maganda siya kahit na bata pa lang. Siya `yong bata na kapag nakita mo ay masasabi mo agad na lalaki siyang maganda. Magkaibigan ang mommy ni Aeone at ang mommy ko. Gustung-gusto ng Mommy Kristine ko si Aeone dahil sa masiyahin ito at bibo. Parehas pa kami ng birthday. January 30… Nakakatuwa, `di ba? Palagi kaming magkalaro dahil sa magkalapit lang naman ang bahay namin sa subdivision kung saan kami nakatira. Dahil sa palagi kaming magkasama ay ilang beses na kaming nabiro ng ibang tao na paglaki daw namin ay kami ang magkakatuluyan. Pero, hindi ko pinapansin ang mga sinasabi nila. Bata pa kami that time. Ang gusto lang namin ay maglaro at gumawa ng kalokohan. Manghuli ng paru-paro at magtampisaw kapag umuulan. Kaibigan lang ang tingin ko noon kay Aeone at iyon ang gusto kong maging kami habangbuhay. Ang akala ko ay ganoon din ang tingin niya sa akin, ngunit nagkamali pala ako… Tandang-tanda ko pa ang araw kung kailan sa isang iglap ay nasira ang aming pagkakaibigan at ganoon din ang puso ni Aeone. That was eight years ago… She’s seven and I am eight nang mangyari `yon. Maaga akong nagising ng umagang iyon dahil sa pagyugyog ni Mommy Kristine sa akin. Wala si Daddy. Literally. Wala na siya. Namatay na siya sa isang car accident ng five-yearsold pa lang ako. Isang businesswoman ang mommy ko—may-ari siya ng isang grocery stores na may tatlong branches dito sa Laguna. May mayayaman naman kaming relatives sa side ni mommy pero mas pinili namin na mabuhay with our own. May tita ako na may-ari ng isang academy dito sa Laguna at merong head nurse sa isang malaking hospital sa Canada pero hindi kami umaasa sa kanila. Isa pa, wala namang dahilan para umasa kami sa kanila. Maayos na tumatakbo ang negosyo ni mommy, nakatira kami sa maayos na bahay at only child ako kaya naman maalwan ang buhay namin. “Keifer, gising na…” Napakalambing talaga ng boses ng mommy ko. Papungas-pungas akong bumangon at nakasimangot na humarap sa kanya. “Bakit po?” halos hindi ko maintindihan ang sarili kong pagsasalita dahil sa sobrang antok ko. “Nasa ibaba si Aeone. Kanina pa siya doon.” “Ang aga pa po, eh!” sabay kamot ko sa ulo ko. “Pakisabi, wala pa pong paru-paro ngayon sa park. Mamaya pa pong before lunch…” At humiga ulit ako. Inaantok pa kasi talaga ako dahil late na akong nakatulog kagabi sa paglalaro ng GameBoy. “Hindi naman daw kayo manghuhuli ng butterflies. May sasbihin daw siya sa’yo. Importante. Sige na, bumangon ka na. Hindi dapat pinaghihintay ang mga girls, remember?” Napipilitan na bumangon ako dahil doon. “Okey po, mommy…” Bumangon na ako. Nagbrush ng teeth at bumaba na sa salas. Nakasuot pa rin ako ng pajamas. Nakita ko na nakaupo si Aeone sa sofa habang may nakapatong na pink box sa kanyang lap. Wala akong idea sa laman ng box at hindi naman ako interesado. Baka girly stuffs lang. Isa sa mga napansin ko, nakasuot siya ng magandang dress. Iyong parang sinusuot niya kapag birthday niya. Pink girly dress tapos may pink ribbon din siyang na ginawa niyang pantali sa kanyang curly hair. “Good morning, Keifer!” Nakaka-engganyo ang smile niya sa akin. “Ang aga mo naman, Aeone. Natutulog pa kaya ako. `Pag hindi na ako lumaki dahil sa lack of sleep, it’s your fault!” sabi ko sabay tabi ko sa kanya. “Keifer, hindi ka pa talaga lalaki dahil hindi ka pa nagpapatuli.” Biglang namula ang mukha ko. “N-next summer, papatuli na ako,” depensa ko. “Hmp! I don’t think so. Takot ka kaya sa injections.” “Hindi, ah! Bakit ka ba `andito?” Sinuklay ni Aeone ng kamay niya ang buhok niya. Parang inaayos niya pa kahit ayos pa naman. “I have something for you…” sabay abot niya ng pink na kahon. “Ano `yan?” “Take it! Open it!” Excited na sabi niya. Kumibit-balikat lang ako at kinuha ang pink box na parang lalagyan ng mga jewelries ni mommy. Ano naman kaya ito? Hindi pa naman namin birthday, ah. Hindi rin naman ngayon Christmas or New Year. Wala rin naman akong maisip na occasion ngayon. Sinipat-sipat ko muna ang box baka may bomba sa loob o kung ano. Ipis, daga o kaya ay worms. Knowing Aeone, puro siya kalokohan. “Baka naman worms ito, ha.” Umiling siya. “No. Promise. Buksan mo na.” “Okey…” Tinanggal ko na ang takip ng pink box at tumambad sa akin kung ano ang nasa loob niyon. Isang kulay gold na singsing. Kinuha ko ang ring at nagtataka na tiningnan iyon. Nakangiting kinuha sa akin iyon ni Aeone. Kinuha niya nag kaliwang kamay ko at dahan-dahan niyang isinuot ang singsing sa ring finger ko. “Alam mo ba, Keifer, mommy told me na ang singsing na ito ay kay daddy. Naiwan niya ito when he left us. At ang sabi sa akin ni mommy, paglaki ko ay ibigay ko ito sa boy na love ko.” Naisuot na niya sa akin ang singsing. Maluwag iyon dahil payat pa ang daliri ko that time. Nagtataka ako na tumingin sa kanya. “Ha? Eh, bakit mo sa akin ito ibinibigay?” “Hindi na kasi ako makapaghintay na maging big girl na ako. At `wag kang tanga, Keifer! Ibinibigay ko sa’yo ang ring na `yan because… I love you!” Hinubad ko ang singsing at inilagay ulit iyon sa box. “Pero, bata pa tayo, Aeone. Yari tayo kina mommy kapag nag-girlfriend at boyfriend na tayo. Para lang `yon sa big boys and girls.” “Pero—“ “Aeone, I don’t know kung seryoso ka pero bata pa tayo…” pinutol ko agad ang sasabihin niya. “At we’re friends at ang gusto ko, ganoon tayo forever. Friends forever…” Biglang sumimangot si Aeone. Ngayon ko lang siya nakita sa ganoong reaksiyon. Humalukipkip siya at tiningnan ako ng matalim. “Friends? Forverer? No, Keifer! Ayoko. Gusto ko maging boyfriend kita now!” “Ayoko talaga, Aeone.” “So, you’re rejecting me?” Tumango ako. Magpapaliwanag pa sana ako sa kanya pero bigla siyang umatungal ng iyak. `Yong iyak na parang inagawan siya ng candy or nalaglag sa lupa ang ice cream niya. “I hate you, Keifer! I hate you! I thought you love me, too!” “Baka marinig ka ni mommy. Yari tayo…” pagpapakalma ko sa kanya. “No! I hate you! You rejected me!” sabay tulak niya sa akin. Kinuha niya ang pink box at nagtatakbo palabas ng bahay. Hahabulin ko pa sana siya pero mabilis na siyang nawala sa paningin ko. Paglingon ko sa likuran ko ay nakita kong papalapit sa akin si mommy habang may dala siyang tray ng pagkain. “Oh, umalis na si Aeone? Hindi niya tuloy matitikman itong graham balls na ginawa ko. At narinig ko siyang sumisigaw, ah. Bakit?” tanong sa akin ni mommy. “Gusto niyang maging girlfriend ko siya, mommy.” Nanlaki ang mga mata ni mommy. “What?!” Hindi makapaniwalang sabi niya. “And I rejected her…” pagpapatuloy ko. ONE week kaming hindi nagpansinan noon ni Aeone. Kapag nag-a-attempt akong lapitan or kausapin siya ay lumalayo siya. I don’t understand her. Galit na galit siya sa pag-reject ko sa kanya. Bata pa kami at sa pagkakaalam ko, hindi pa kami pwede sa ganoong bagay. Ang alam ko kasi, ang dapat sa amin ay naglalaro lang. Siguro nga ay masyadong matured nang mag-isip si Aeone. Hanggang sa dumating na ang araw na hindi ko inaasahan… Nasa harapan ako ng bahay namin that morning at naglalaro ako ng toy car ko. Isang red car ang tumigil sa harapan ng bahay nina Aeone. Isang tall at maputing lalaki ang lumabas sa kotse. Pumasok iyon sa loob ng bahay nina Aeone. Sino kaya `yon? Ngayon ko lang siya nakita, ah. Iyon pala ay father iyon ni Aeone—he’s Australian father. Binalikan na sila nito. Ang sabi sa akin ni mommy, kaya pala iniwan si Aeone ng father nito ay dahil tutol ang father at mother ng father niya sa relationship nito sa mother ni Aeone. Medyo magulo, `no? Pero `yon na iyon! Namatay na kasi ang parents ng father ni Aeone kaya wala na daw pipigil sa pagbabalik nito kina Aeone. Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan ko nang hindi nakita si Aeone. Isinama na siya ng tatay niya sa Australia at ang sabi ni mommy ay doon na sila for good. Sayang naman… Umalis ang bestfriend ko nang hindi man lang ako nakakapag-sorry sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD