-TWO-

1064 Words
“AEONE” “MOVE over! Parating na ang The Cliques!!!” “Tabi! Dadaan na ang queens ng Pristine Academy!!!” Nang marinig ko ang sigawan na iyon ay saglit akong napatigil sa pagsasagot ko ng assignments ko sa Math. Nakasalampak kasi ako sa hallway ng building para sa fourth year high school na tulad ko. Nasa second floor ako. Gustung-gusto ko kasi na nakasalampak sa sahig dahil sa gusto ko ang lamig na naibibigay ng tiles sa aking puwitan. Nagmamadali kong sinamsam ang mga notebooks ko at agad na isinilid iyon sa aking bag. Isinukbit ko iyon sa aking balikat at tulad ng ibang estudyante na naroon ay tumabi na rin ako upang bigyan ng daan ang “queens” ng Pristine Academy—ang The Cliques. Ang The Cliques ay binubuo ng tatlong pinakamagaganda, mayayaman at sikat na babae sa buong Pristine Academy. Sila ay sina Sabina, Livian and Zoey. Si Sabina ang tumatayong leader nila dahil kapag naglalakad sila ay siya ang palaging nasa gitna. And besides, siya ang pinakamaganda sa kanila. Parang siyang barbie doll na binigyan ng buhay! Tulad ngayon, siya na naman ang nasa gitna at sabay-sabay silang maglakad. Ang bongga nilang tingnan. Marami sa mga lalaki ang crush sila at marami namang babae ang humahanga sa kanila. Fab, queens, fashionista, beauty queens, barbie dolls, sosyal, famous and dyosa. Ilan lang `yan sa mga words na kinakabit sa tatlong babae ng The Cliques. Parang diyos na nga ang tingin ng iba sa kanila dito sa academy. Talagang kapag dumadaan sila ay kailangang walang nakaharang sa daraanan nila kundi lagot ang haharang. Iyon nga lang, hindi ko mag-get kung bakit ang daming umiidolo sa kanila gayong hindi naman sila mabait. I mean, they’re so mean! Kapag may ayaw silang tao, pinapahiya nila. Laging nakataas ang kilay nila at mean na iyon for me. Well, ko naman sila masyadong binibigyan ng pansin unless ako ang gawan nila ng masama. Marami rin akong kilalang girls na gustong mapabilang sa grupo nila. At ang best example diyan ay ang bestfriend kong si Chloe. And speaking of Chloe, here she is. At anong ginagawa niya sa gitna ng hallway? Oh no! This is wrong… May hawak pa siyang placard na may nakasulat na: I LOVE THE CLIQUES. With flower design. Note that. flower design. Mukhang Chloes is desperate para mapabilang sa The Cliques! “Sabina, pwede na ba akong sumali sa group niyo? I’m begging you!” sabi ni Chloe nang papalapit na sa kanya sina Sabina. Huminto sina Sabina sa harapan ni Chloe at parang nandidiri na tiningnan nila si Chloe. Grabe naman `yong tingin nila sa bestfriend ko. Yes, I know naman na hindi ganoon kagandahan si Chloe. Katulad ko lang siya na tinatawag na “weirdo” sa school na ito. Paano ko ba ide-describe ang hitsura ni Chloe? Okey. Chloe is 5’5 katulad ko. Makapal ang salamin ng eyeglasses niya kaya `yong mata niya ay nagmumukhang malaki na parang may suot na siyang dalawang magnifying glass na pinagdikit. May problema kasi siya sa eyesight niya. Payat siya at mas lalo siyang nagmumukhang payat dahil sa medyo malaki sa kanya ang school uniform na suot niya. Straight ang buhok niya na hanggang batok lang niya ang haba. Parang si Dora The Explorer kung tataba ng konti dahil sa hair niya. Well, hindi naman nagkakalayo ang “pormahan” namin ni Chloe. May suot din akong big eyeglasses na may thick black and square frame. Gusto ko rin ang maluluwag na damit tulad ng uniform ko. Kahit na magmukha akong sampayan. Feeling ko kasi ay hindi bagay sa akin ang magagandang dress or girly stuff. Mahaba naman ang hair ko. Halos abot iyon sa aking beywang kapag nakalugay. Walang style iyon. Basta kapag naiisipan ko ay tini-trim ko iyon all by myself. Ayoko kasing magpagupit sa parlor at baka kung ano ang gawin nila sa buhok ko. Actually, kung si Chloe ay walang choice na maging ganoon ang hitsura dahil ganoon naman talaga yata ang hitsura niya since birth, ako naman, choice ko na maging ganito ang hitsura. Eight years ago nang mapagdesisyunan ko na baguhin kung paano ako manamit at kumilos. Dahil na rin siguro sa nawalan ako ng tiwala sa aking sarili at bilang isang babae. Yes, feeling ko ay ugly ako. At eight years ago na rin nang magkaroon ako ng takot at galit sa mga lalaki except my daddy and other relatives, of course. At balik na tayo kay Chloe… “Wow! At saan ka kumuha ng lakas ng loob para humarang sa daraanan namin, weirdo!” mataray na sabi ni Sabina kay Chloe. “Please… First year pa lang tayo, gusto ko na talagang mapasali sa inyo. Siguro naman na ngayong fourth year na tayo ay isasali niyo na ako!” Stop that, Chloe! sigaw ko sa kanya sa isip ko. Humakbang si Livian palapit kay Chloe. “May salamin ka ba sa inyo? Nakita mo na ba ang sarili mo? You’re eww! And you are not qualified para mapabilang sa amin. Move over!” Malakas na tinabig ni Livian si Chloe para matumba ito kasama ng hawak nitong placard. Kinuha pa ni Livian ang placard at pinagpunit-punit iyon sa harap ng bestfriend ko. War freak… Iyan ang salitang bagay kay Livian. Maganda nga sila pero hindi naman ganoon ang ugali. Si Sabina naman ay parang relax lang palagi pero makikita mo `yong ‘evil’ the way she talks and moves. While Zoey? She’s dumb. Beauty without brain. Biglang lumapit si Zoey kay Chloe at tutulungan sana nitong makatayo ito pero hinila ni Sabina si Zoey palayo kay Chloe. “And what do you think you’re doing Zoey?” “I’m just trying to help her—“ “Help her? Hindi natin `yang gawain. Wala iyan sa self-published book natin na How To Move Like The Cliques na may ten thousand copies sold! Dumb!” sabay pakita ni Sabina ng sinasabi nitong aklat. “Okey…” sagot na lang ni Zoey. “Masyado nang nasasayang ang time natin, girls. We only have five minutes para maglakad sa buong Pristine Academy para ipakita sa lahat how fabulous we are. Lets go! “The Cliques, exit!” At sabay-sabay na naglakad na sina Sabina palayo. Poor Chloe…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD