-THREE-

1908 Words
“KEIFER” “HMMM…” ungol ko nang may yumugyog sa balikat ko habang natutulog ako sa kama. Alam ko na si mommy lang iyon. Sino pa ba ang hobby ang istorbohin ako sa pagtulog ko kundi siya lang naman. “Keifer, wake up…” Tama nga ako. Si Mommy Kristine nga. “Mommy, antok pa ako,” ungot ko. “You have to wake up now Keifer,” may diin ang bawat salita niya. “Nasa labas si Claire, hindi ko pinapasok dahil nagwawala. Ang sabi niya ay buntis siya at ikaw ang ama. For God sake, Keifer! You’re only sixteen pero nakabuntis ka na agad!” Sa narinig kong iyon ay tuluyan na akong bumangon. Kitang-kita ko ang tensiyon sa akin mommy. Sa pagkakatanda ko, si Claire ay isa sa mga naging girlfriends ko. Nag-break na kami three months ago pa. “Mommy, calm down. You know Claire. She’s crazy! At alam mo kung gaano siya kabaliw sa akin. Masyado niyang dinidibdib ang two-weeks relationship namin. Hindi ako ang ama ng dinadala niya dahil walang nangyari sa amin at sa lahat ng naging girlfriends ko. I know my limitations. Playboy lang ako pero hindi ko pa ginagawa ang hindi dapat, mommy,” paliwanag ko sa kanya. Tiningnan ako ni Mommy Kristine sa aking mga mata. Hindi naman ako nailang sa tingin niya. Nagsasabi naman kasi ako ng totoo. Yes, papalit-palit ako ng girlfriends pero kahit isa sa kanila ay wala akong nagalaw. Alam ko naman kasi na wala pa ako sa tamang edad para gawin iyon. At hindi rin ako two-timer. Sinisiguro ko muna na tapos na ako sa isang relationship bago ako pumasok sa panibago. Nirerespeto ko naman kasi ang mga babae just like my mom. Kaya imposible talaga ang sinasabi ni Claire na nabuntis ko siya. Matagal na kaming wala. Three months na yata at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move on? Sabagay, hindi ko naman kasi siya masisisi. Hindi siguro siya maka-get over sa kagwapuhan ko. He he… Namana ko yata ang kagwapuhan ko sa namatay kong daddy. Maya maya lang ay lumambot na ang ekspresiyon ng mukha ni mommy. “Okey… I believe in yo. Pero, be a gentleman. Labasin mo doon si Claire at paalisin mo siya ng maayos. Nakakahiya sa mga kapitbahay natin ang ginagawa niyang pag-eeskandalo. Don’t worry, I’m on your back kapag may hindi siya magandang ginawa.” “Thanks, mommy!” At mabilis ko siyang niyakap. At sinunod ko na nga si mommy. Nasa salas pa lamang ako ay dinig ko na ang malakas na boses ni Claire. “Keifer! Lumabas ka diyan! Panagutan mo ang baby natin!” sigaw nito. Paulit-ulit. Mabuti na lamang at hindi mga tsismosa ang kapitbahay namin kundi baka madami na ring tao sa labas at pinapanood ang pag-eeskandalo na ginagawa ni Claire. Nababaliw na nga yata ang babaeng iyon! Ano bang ginagawa niya? Naging maayos naman ang pakikipaghiwalay ko sa kanya noon pero bakit nagkakaganito siya ngayon? Naghiwalay kasi kami kasi… wala lang. Trip namin ang isa’t isa kaya naging kami. At nagbreak din kami dahil trip lang din namin. Nagkasawaan agad kami. She’s two years older. Eighteen na siya pero kapag magkasama kami ay hindi napapansin ang pagkakalayo ng edad namin. Kahit kasi sixteen pa lang ako ay matured na ang hitsura ko. Marami nga ang nagkakamali na twenty years old na ako dahil sa tangkad ko. Iyon nga lang, dahil bata pa ako ay hindi pa masyadong nagdedevelop ang muscles ko sa katawan kaya medyo payat ako. Medyo soft din ang features ng mukha ko. Inosente daw tingnan at kung magiging babae daw ako ay siguradong maganda ako. Nakalabas na ako ng bahay at nang makita ako ni Claire na papalabas ay tumigil siya sa pagwawala. Kumapit siya sa grills ng gate namin at para akong inaabot habang nakangiti. “Keifer! Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis. Come here, baby,” sabi pa nito. Napailing ako. Mukhang malakas na ang sapak sa ulo ng babaeng ito. Hindi ko siya pinagbuksan ng gate. Sa hitsura niya ang parang wala siyang gagawing maganda. Halos hindi ko na nga siya nakilala nang una kong makita. Nagkaroon siya ng eyebags at medyo pumayat pa. Hindi naman sa panlalait pero… nagmumukha na siyang bungo. Nasa harapan na niya ako. Ang gate ang nasa pagitan naming dalawa. “Claire, you have to leave now. Hindi maganda na nag-eeskandalo ka dito sa amin for no reason. Go home,” sabi ko sa kanya habang nakahalukipkip. “What? Pinapaalis mo ako?” Hindi makapaniwalang turan niya. Halos magusot na ang mukha ni Claire. “Are you serious, Keifer? Hindi mo ako pwedeng paalisin. I’m pregnant at ikaw ang ama!” Napangisi ako sa sinabi niya. Kulang na lang ay matawa pa ako pero pinipigilan ko dahil ayoko siyang mainsulto. Sabi nga lagi ni Mommy Kristine… Be a gentleman. “Alam mong imposibleng mangyari `yang sinasabi mo, Claire. Walang nangyari sa atin and besides, three months na tayong wala.” “Three months na rin akong buntis, Keifer!” “Pero walang nangyari sa atin. Alam mo `yan. Kaya kung ako sa’yo, uuwi na lang ako at magpapahinga. You look tired. At kumain ka din, kailangan mo `yon.” Natahimik sandali si Claire. Pero maya maya ay inilapit niya ang kanyang mukha sa may grills at biglang nanlisik ang kanyang mga mata. “You’re a s**t! Pumayag lang akong makipaghiwalay sa’yo noon dahil ang akala ko ay babalikan mo rin ako!” galit na sigaw niya. “You know my, dad? He’s a general. Isusumbong kita sa kanya at sasabihin ko na nabuntis mo ako at ayaw mo akong panagutan! Humanda ka, Keifer. Kung hindi ka magiging akin mas mabuti pang hindi ka na lang pakinabangan ng iba!” Tinalikuran na niya ako at naglakad palayo. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Whoa! Pinagbantaan ba niya ako? Yes, pinagbantaan nga niya ako. Medyo nakaramdam ako ng takot sa sinabi ni Claire. Totoo naman na isang general ang tatay niya. Not sure kung pulis o sundalo ito. And Claire is a brat. At mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na naghiwalay na kami. Bumalik na ako sa loob at sinalubong agad ako ni Mommy Kristine. May kaba sa mukha niya at natawa ako doon. “Mommy, bakit ganiyan ang hitsura niyo?” tanong ko. “Kinakabahan ako. Hindi pa ako handang maging lola. Anong sabi ni Claire? Umalis na ba siya?” “Relax, mommy… Umalis na siya. Hindi naman niya ako maloloko. Hindi rin ako uto-uto para panagutan ang baby na hindi sa akin. Kaya lang nagbanta siya, mommy.” “Nagbanta?” “Opo. Ang sabi niya, kung hindi daw ako magiging kanya ay mas mabuti pang hindi na ako pakinabangan ng iba.” “Oh my, God! Death threat `yon!” Minsan talaga, may pagka-overacting si mommy. “Pero, hayaan na lang natin siya. Hindi naman siguro—“ “No, Keifer! Hayaan? Hahayaan natin siyang patayin o ipapatay ka? No. Ayoko. Hindi pa ako handa na mamatayan ng only son. Kailangan mo munang magtago!” “What? Seriously? Hindi na po kailangan. Nababaliw na si Claire kaya niya nasabi `yon.” Sunud-sunod na umiling si mommy. “`Wag mong maliitin ang puso ng babae, Keifer. Hindi mo alam ang kaya nitong gawin kapag ito ay nasaktan.” Medyo hindi agad ako naka-react sa sinabi niya. Masyado kasing matalinghaga at hindi ko maarok ng husto. He he… Sa hitsura ng mommy ko ay mukhang seryoso siya na pagtaguin ako at mukhang kasilangan ko rin siyang pagbigyan. “Okey. Siguro nga ay hindi ko dapat ipagsawalang-bahala lang ang banta ni Claire,” sabi ko. Tama nga siguro si mommy na kailanagan ko munang magtago. Paano kung totohanin ni Claire ang banta niya? Baka paglabas ko pa lang ng bahay ay may bumaril na agad sa akin tapos sapol ako sa ulo. Eh di, goodbye, Keifer na agad ako! Mababwasan na naman ng gwapo ang Earth. Isa pa, parang gusto ko rin `yong idea na magtatago ako para makapagbakasyon at relax. Saan naman kaya ako magtatago? Sa isang beach resort kaya o sa ibang bansa? “Good thing na nakinig ka sa akin ngayon, Keifer.” “Pero, sa’n naman ako magtatago na hindi ako mahahanap ni Claire. Ang alam ko kasi ay maimpluwensiya ang family ni Claire. Marami silang koneksiyon…” Sandaling nag-isip si mommy. “Alam ko na! Tawagan mo ang pinsan mong si Olive. Sa dorm muna niya ikaw makituloy.” Napanganga ako sa sinabi niya. “Seryoso ka, mommy? Hindi ba pwedeng sa isang beach resort o kaya ay sa ibang bansa ako magtago?” “Wala akong budget for that. Alam mo naman na medyo krisis tayo ngayon. Pumayag ka na sa suggestion ko na magtago kaya kailangang pumayag ka na rin na kay Olive ka muna. Atleast doon ay may magbabantay sa’yo na kamag-anak natin.” “So, package deal pala ang suggestion niyo? Pero, ayoko kay Olive, mommy. Yes, magkasundo kami pero daig ka pa niya kung manduhan ako. And besides, hindi ako pwede sa dorm niya. For girls lang ang dorm niya, remember?” “Perfect! Mas okey na kay Olive ka para maranasan mo kung paano ang manduhan. Dito kasi ay spoiled ka sa akin masyado. At perfect kung all-girls dorm nga doon dahil hindi maiisipan ni Claire na doon ka magtatago, `di ba?” “Pero—“ “Get your phone now at kausapin mo na ang pinsan mo. Explain everything para maintindihan ka niya. Okey, diyan ka na muna. Ready na ang breakfast. Kumain ka na lang doon kung gutom ka na. Bibisita lang ako sa stores natin ngayo to check everything.” “Mommy!” Wala nang nagawa ang pagmamaktol ko dahil tinalikuran na niya ako at umakyat na siya sa kwarto. Wala na talaga akong choice kundi ang sundi si mommy. Minsan lang siya magrequest at para din naman ito sa sarili kong kaligtasan. Kaya, heto ako ngayon at kausap sa cellphone ang pinsan kong si Olive. Kinukwento ko sa kanya ang lahat including ang nangyari kanina at kung bakit kailangan kong magtago. Sinabi ko na rin sa kanya ang suggestion ni mommy sa akin kung saan ko gagawin ang pagtatago ko. Pati ang dahilan ni mommy kung bakit gusto niya na kay Olive muna ako tumuloy ay sinabi ko na. “Sinasabi ko na nga ba at walang magandang maidudulot `yang pagiging playboy mo! Hindi ka na nga nagpatuloy sa pagka-college mo dahil ang sabi mo ay hindi mo pa alam ang kukunin mong course tapos bibigyan mo pa ng sakit ng ulo si Tita Kristine!” `Ayan na nga at nagsermon na si Olive. Matalino kasi si Olive at palagi siyang honor. Matanda ako sa kanya ng isang taon. Fourth year high school na siya at sa school na pagmamay-ari ng mommy niya siya nag-aaral. Siya iyong matalino, seryoso pero minsan ay lumalabas ang pagka-cool at pagiging pilya. “Olive, `wag ka munang mag-sermon, okey? Ano na? Payag ka na ba na diyan muna ako sa dorm mo?” Narinig ko ang buntung-hininga niya. “Okey, fine. Wala naman akong choice. Sa’n tayo magkikita?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD