“AEONE” “HINDI mo na dapat ginawa iyon, Chloe. Look what happened to you, nasaktan ka pa,” naaawa kong tiningnan si Chloe habang naglalakad kami sa hallway papunta sa classroom namin. Mag-uumpisa na kasi ang first subject namin – Mathematics. “No, Aeone. Hindi naman ako nagsisisi na ginawa ko `yon. Nakita mo ba, hinawakan ako ni Livian. First time na hinawakan niya ako. Grabe lang. Doon ko nakita na napaka strong ng personality niya.” Talagang malala na si Chloe. Mukhang natutuwa pa siya na sinaktan siya ni Livian. “Hinawakan ka niya para itulak. Hindi ko talaga ma-gets bakit tulad ng ibang girls dito sa Pristine Academy ay gusto mo ring mapabilang sa The Cliques. They’re mean! At mas mean sila sa mga tulad nating weirdo dahil ang tingin nila sa atin ay weak…” “Kung hindi lang kita bes

