Part 1

1047 Words
SIX years ago…   “Malapit ka nang manganak, Em,” sabi ni Angelique sa best friend na si Erica Mae. Nang pumasok ito sa office niya ay awtomatikong bumaba ang tingin niya sa namimilog nitong tiyan. “Oy, matagal pa ito. Excited ka lang na ninang,” sagot nito. “More than six months pa lang itong si Bibi-O.” “Bibi-O?” “Baby Onyok,” she grinned. “Galing pa lang ako sa check-up. Confirmed na confirmed na. I’m having a boy. Sa wakas, pinakita na niya ang bird niya. Alam mo namang dati pa akong nakaabang, lagi na lang siyang nakatalikod.” Namilog ang mga mata niya. “Onyok? Sa dami ng magagandang pangalan, Onyok ang naisip mo? And I thought you want a baby girl?” “Cute ang Onyok for a nickname. At masaya ako na boy siya. Okay na rin ako sa baby boy. Naisip kong kung babae ang magiging anak ko, baka pagdating ay magaya lang din sa akin na disgrasyada. You know, minsan talaga tinatamaan tayo ng katangahan sa buhay.” “Stop it. I thought, you’re okay now?” “I’m fine, pine tree, pineapple. Natanggap ko na itong kapalaran ko. Pero siyempre, hindi ko maiwasan na mag-alala para sa anak ko. Na-realized kong kahit anong palaki sa iyo ng magulang mo, kahit na abutin ka pa ng impatso sa unli-sermon ng mga pangaral sa iyo, kapag tinamaan ka ng katangahan sa pag-ibig, waley ka pa rin. ” “Hindi ba puwedeng minalas lang talaga sa pag-ibig?” “Ang sakit naman noon sa heart.” “Parang mas masakit na masabihang tanga.” Tumawa si Erica Mae. “Sabagay nga. Wala pa daw kasing ospital sa mga Tan-G-A. Excited ako sa cupcake business natin, Anj. Feeling ko iyon ang kapalit ng malas. Hindi ba, kapag daw may malas na dumating ay kapalit din naman sa suwerte?” “Madami tayong suwerte, Em. Kasali na iyang si Bibi-O mo.” Hinagod nito ang tiyan. “Ay, ito talaga ang greatest blessing ko sa life. Kine-claim ko na iyan ngayon pa lang.” Ilang sandaling katahimikan ang nagdaan sa kanila. “Gusto ko rin ng ganyang blessing, Em.” Tinaasan siya nito ng kilay. “Seryoso ka?” “Kapag nakikita kita na excited sa baby mo, ganoon din ang pakiramdam ko. And I’m really considering bakit nga ba hindi rin ako?” “Uy, magtigil ka, Angelique. Huwag kang gaya-gaya, puto-maya.” Lumapat siya ng sandal sa upuan niya. “Hindi ba, birds of the same feather flock together?” “So, magpapabuntis ka na rin?” She made a nervous smile. “Kung sana nga ay ganoon lang kadali, hindi ba? Ilang beses ko na ngang pinag-iisipan. Plan A, plan B o baka kailanganin ko pa ng plan C?” “Litsi! Seryoso ka diyan, Anj?” She nodded. “Single mom by choice, is that something new?” “Ang labo mo, Anj.” “Pero pinag-iisipan ko talaga.” “But why?” Sumalit ang pagtataka sa itsura nito. “Convenience?” sagot naman niya. “Luka-luka. Kelan pa naging convenient maging single mother?” “Para sa mga taong ayaw ng kumplikasyon, hindi ba’t praktikal lang iyon? Alam mo naman ako, isa ring dakilang malas pagdating sa mga lalaki.” Alam na alam naman ng kaibigan niya kung gaano siya kasawi pagdating sa pag-ibig. “Try and try.” “Six times of trying, hindi pa ba sapat? Mas gusto ko nang magkaanak na lang,” she sounded desperate. “Pag-isipan mo ng mga one million times. Hindi ko ginusto na mangyari sa akin ito. This is a consequence of what I did. At siyempre, mahal ko naman itong anak ko kaya welcome sa akin ang big change na ito sa buhay ko. Pero siyempre, nangarap din ako ng normal na buhay. Iyong papakasalan ako at saka kami magpapamilya. Pero siguro hindi ako swak sa mga conventional na bagay kaya here I am, magiging super mama nitong si Bibi-O.” “Kapag nakikita ka, mas lumalakas ang loob ko. Ang nasa isip ko, kung ikaw nga kaya mo at kakayanin mo, de ganoon din ako, di ba?” “Kaya mo kung sa kaya lalo at mas mabunga ang kumikitang kabuhayan mo. Alam mo naman dito sa mundo, maraming problema ang madaling naso-solve kapag may datung ka. Pero hindi lang naman yaman ang solusyon sa mga problema, di ba? Saka wala ka naman talagang problema. Kaya mas maganda, huwag ka nang gumawa ng poproblemahin mo.” “Problema ba iyong gustuhin ko na magka-baby? Mali ba ako sa paniwala na a baby is always a blessing?” “Your baby will come in God’s perfect time, Anj. Huwag mong ipilit sa ngayon. Hindi ko makita iyong katwiran.” Dumukwang ito sa kanya. “At alam mo ba kung ano ang isa ko pang hindi makita? Kung sino magiging tatay ng anak mo.” “Problema pa ba iyan ngayon? May mga sperm donor naman. May mga listahan na rin ako ng clinic na puwedeng mag-artificial insemination sa akin. Kung hindi mag-work out sa una, puwede namang umulit. Or other method---” “Iyong natural method? Hindi mo bet?” nakangising sabi ni Em. “Nakakaloka itong usapang na ito, Anj. Una hindi ko ma-take iyang binabalak mo na iyan. I kennat! May hugot ka ba diyan? Kung naiinggit ka lang dahil pretty ako magbuntis, tigilan mo na iyang balak mo. Mas magandang mag-walk down the aisle ka. At siyempre ako ang maid of honor. Kung mga few years from now pa iyan, aabot pa na ring bearer itong si Onyok ko.” “Parang hindi ko na nakikitang ikakasal ako. Mas possible pa na magka-baby ako.” “Di ba, suwerte ang number seven? Malay mo naman, kay Boyfriend number seven, maka-jackpot ka na. Sa kasalan na ang tuloy.” She sighed. Alam niyang hindi binibili ni Erica Mae ang plano niya. “Kumpleto ka na ba sa gamit ng baby? Tara, shopping tayo.” “Generous ang ninang ngayon?” excited na sabi nito. Kinuha na niya ang bag niya. “Tara na. baka magbago pa ang isip ko.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD