Prologue:

1619 Words
•Nathaniel• Naghihintay ang lahat sa mga modelong rarampa mamaya. Lahat ay may kanya-kanyang gustong mapanuod. Sa ngayon isa lamang ang nais kong makita. Ang babaeng hindi ko makalimutan kahit ilang taon pa ang lumipas. Ang babaeng naging inspirasyon ko para maabot ko ang posisyon ko ngayon. Ang nag-iisang babae na nagpapatibok ng puso ko. Nakangiti ako habang pinapanuod ang babaeng mahal ko na rumarampa sa entablado. Walang pagsidlan ang tuwa ko na makita siya sa ganitong sitwasyon, matagal na niya itong pangarap at ngayon ay natupad na nito iyon. Last time when we're together I find her beautiful but now, I can't even describe her beauty. She's more beautiful than the word itself. Isn't she a goddess? "I'm so proud of you, Maureen," bigkas ko, habang nakatitig sa magandang mukha nito. "I always see you in my dream like this, conquering the stage, walked and looked like a queen." Hindi man siya nito nakikita sapat na sa kanya na makita itong naglalakad sa daan na pinapangarap nito. Masakit man na hindi na siya kasama nito sa mga pangarap niya, ay mas nangingibabaw pa rin ang tuwa sa kanyang puso. "Puntahan mo mamaya sa back stage, James." Napalingon siya sa kaibigan at agad itong inilingan. Ayaw niyang mabigla ito sa muling pagkikita nila. Alam naman niyang magkikita pa sila muli, at doon na niya ito kakausapin. Siya ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay na dalawa kaya hindi niya pwedeng lapitan ito kapag nasa trabaho. Ayaw niyang masira ang araw ni Maureen dahil nakita niya ang pagmumukha ko. "Hanggang tingin na lang muna ako sa kanya. Balang-araw makakasama ko rin yan sa isang bahay, dahil kasal na kami," may naglalarong-ngiti sa labi niya habang sinasabi iyon. Maski siya ay kinikilig sa sariling pangungusap. Balak niyang ligawan ulit ang dalaga at iparamdam dito ang pagmamahal na hindi niya naibigay noong nag-aaral pa sila. "I want her to be mine." "May boyfriend na yan, Morse. Hindi mo ba kilala yung gwapong doctor?" tanong sa kanya ni Seth. Kumunot ang noo niya dahil sa pag-iisip kung sino ang ibig nitong sabihin. Hindi naman niya binabasa ang balita tungkol sa dalaga, kapag ang headline noon ay tungkol sa rumor boyfriend or fiancee nito, dahil hindi naman iyon totoo. May usapan na sila ng ama ng dalaga at alam niyang hindi babali sa pinag-usapan nila ang ama nito. "Sa pagkakaalam ko hindi naman doctor ang boyfriend niya," simpleng saad niya rito. Ito naman ang napakunot-noo na tumingin sa kanya. "Yun ang nasa balita. Sino ba ang boyfriend ni Ms. De Silva ngayon?" "Gwapong engineer, in short, ako." "Ay gago! Boyfriend ka?" namamangha nitong tanong. Mula sa kaibigan ibinalik niya ang tingin sa entablado. Tapos na ang pagrampa ni Maureen, hinihintay na lamang nila ang paglabas ng lahat ng modelo. "Maureen De Silva's future boyfriend, James Nathaniel Morse," nakangisi niyang bigkas. Ang sarap sa pakiramdam, kapag sinasabi niya ang mga salitang iyon. "Baliw," kontra nito. Hindi na niya pinansin ang kaibigan at nagpokus na lamang sa kay Maureen na huling lumabas. Nagpalakpakan ang mga tao, habang pinupuri ito. Sa lahat ng mga magagandang modelo na naroroon kay Maureen lang tanging nanatili ang kanyang mga mata. "I miss you, nerd," mahina niyang bulong. Tawagan nila iyan noon, kung hindi sila naghiwalay ng babae, baka 'gorgeous' na ang tawag niya rito, dahil sa angkin nitong kagandahan. - "Engineer Morse." Napalingon siya nang may tumawag sa kanya. Nakita niya si Maureen sa may di kalayuan, magkadikit ang dalawang kilay nito tila ba naiinis sa presensya niya. Hindi naman iyon maiiwasan dahil simula nang maghiwalay silang dalawa ay galit nga ito sa kanya. Siya rin naman ang rason kung bakit nagpunta ito sa Paris para doon na tatapusin ang kanyang pag-aaral. "Maipaglilingkod ko sa inyo, Ma'am Maureen?" agad niyang tanong dito. Umismid muna ito sa kanya bago tiningnan ang mga tao sa kanyang likuran. Kasama niya ang ibang construction worker, at si Lucil, dahil ito naman ang architect. "Pinapatawag ka ni daddy. May pag-uusapan daw kayo tungkol sa resort," naiinis nitong saad. Tumango siya sa sinabi nito at pinakatitigan ang kanyang mukha. Kahit wala na itong kolorete sa mukha ay napakaganda pa rin nito. Ang natural na maputi at makinis nitong balat ay kumikinang sa sinag ng araw. Para itong isang diwata na nagbibigay liwanag sa mga nasa paligid nito. Minsan habang tinititiga ko si Maureen ay napapatanong din ako kung may ganito ba talaga kagandang tao sa mundo o kung tao ba talaga. Kung hindi ko siguro siya nakilala noong nasa SIS kami ay iisipin ko na hindi ito tao. She must be a Goddess of beauty. Napalingon siya sa kanyang likuran para tingnan ang mga lalaking kasama ko. Hindi nga siya nagkakamali, nakatitig silang lahat sa kay Maureen at nakangiti pa ang mga ugok. "Tatanggalin ko sa team kung sino man ang tumingin sa babaeng nakatayo sa harapan ko," mariin kong saad habang nakatitig kay Maureen. "Bumalik na kayo sa trabaho dahil marami pa tayong hindi natatapos." Hindi naman siya nagseselos sa tuwing rumarampa ito sa entablado, pero naiinis siya sa mga titig ng mga lalaking kasamahan. "Sasamahan mo ba ako roon?" tanong ko rito. Ayaw niyang iwan ito, at baka maubos ito dahil sa tingin ng mga lalaki. Gusto niya ring makausap ito at baka pwede pa nilang ibalik ang nakaraan. "Mali pala. Samahan mo ako, Miss Maureen." "Bata ka ba? Bakit ka pa magpapasama sa akin? You can go there—" Naputol ang sasabihin nito nang bigla kong hinila ang kamay niya at mabilis itong inakay patungo sa may office ng ama niya. Pero bago pa kami makaabot doon ay hinila na nito ang kamay niya na hawak ko. Tiningnan ko muna ang kamay ko na ibinandona niya, bago lumipat ang tingin ko sa kanyang mukha. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasira ang araw ko sa ginawa nito. Napalunok ako at hinintay ang sasabihin niya. "May kailangan pa akong puntahan na iba," seryosong niyang saad. "Pwede ka nang mauna sa office ni daddy," puna niya nang hindi pa rin ako kumikilos. Naningkit ang aking mga mata nang kinuha nito ang cell phone sa bulsa nang tumunog iyon. Hindi pa niya iyon nasasagot nang magsalita ako. "Hihingi sana ako ng permiso, Miss De Silva," mahina kong saad habang nakatitig sa kanyang magandang mukha. She raised her left eyebrow and look at me. But instead of answering me, she lift her hands and give me a smirk. "No," she uttered, not interested to listen to my words. Napakamot ako sa aking noo sa sobrang inis ko sa sinagot niya. Sa halip na makiusap sa kanya ay agad kong hinablot ang cell phone na hawak nito at tiningnan kung sino ang tumatawag dito. "Doctor Josh?" mariin kong tanong. Ito ba yung doctor na sinasabi ng kaibigan ko? Na high blood ata ako sa ideyang pumapasok sa aking isipan. Mahigpit kong hinawakan ang cell phone niya at dikit ang kilay na tumingin sa kanya. Simula noong nasa SIS pa kami ay ito na palagi ang asungot na sumusunod kay Maureen at nakikialam sa relasyon namin, hanggang ngayon ba ito pa rin? "Kayo ba ng lalaking ito, Maureen?" mariin kong tanong sa kanya. Tinaasan lamang ako nito ng kilay at ngumisi, hindi naman ganito si Maureen dati pero sa tingin ko ay nagbago na rin ito sa tagal ng panahon. "Pakialam mo naman sa amin?" balik-tanong nito. Nakagat ko ang aking bagang at tiningnan ang nasa likuran niya. "Kung kami man ni Josh, wala ka ng pakialam doon—" Di ko na pinatapos ang sasabihin niya at hinila siya sa may pader ng opisina ng ama nito. Nasa likuran kami ng building na iyon, at kung may makakita man sa amin dito ay wala akong pakialam. Ipapakilala ko lang ulit sa kanya, kung sino ako sa buhay niya. At wala namang masama roon dahil pagkatapos naming kausapin mamaya ang ama nito ay magiging akin na naman ulit siya. Sa akin naman siya noong kaya sa akin pa rin siya hanggang ngayon. "May pakialam ako dahil ikaw ang pinag-uusapan dito—" "Sino ka ba? Isa ka lang engineer ni daddy." Mahina ko itong itinulak para maisandal siya sa pader, bago ipiniin ito roon gamit ang dalawa kong kamay. Akala ko ay matatakot ito o di kaya'y itutulak niya ako palayo sa kanyang katawan. Ngunit nanatili lamang itong kalmado, tila ba wala nang reaksyon ang kanyang katawan sa pagkadikit nito sa akin. "Ako yung lalaking unang nakahalik sayo. Isa na yan sa mga dahilan kung bakit ako may pakialam," nakangisi kong saad. Nawala lamang iyon nang marinig ko ang malakas na tawa nito. "Bakit ka tumatawa?" "Thanks to you, Morse. Dahil sayo natuto akong humalik, at kaya ko na yung ibigay sa ibang tao, I mean sa nagiging karelasyon—" Nandilim ang paningin ko sa sinabi niya. Unti-unting lumulukob ang galit sa puso ko. Naiinis ako sa mga salitang lumalabas sa labi nito. Hindi ko alam kung sino ang mga nakarelasyon nito, pero ngayon pa lang ay naiinis na ako sa kanila. Kung pwede ko lang hanapin sila isa't-isa ay ginawa ko na. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa siya muli, at inangkin na ang labi niya. Napaungol pa ito nang kinagat ko ang ibabang bahagi no'n. I want to kiss her passionately and with tenderness but she keep on pushing me at move her lips away from me. "Masarap ba?" nang-aasar ko na tanong sa kanya. Hindi ito sumagot ngunit malakas na sampal ang natamo ko rito. "Tandaan mo, Maureen. Sa akin lang ang labi mo. Ako lang ang makakaangkin sa'yo. Be a good girl, nerd," mahina kong saad, at dinampian ulit ng halik ang labi niya. "I'm watching you, my future wife."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD