TLYA 01:

1821 Words
•Maureen• Napatakip ako sa aking tenga nang marinig ang hiyawan ng nasa kabilang mesa. Nasa sulok na nga ako, ngunit may naghaharutan pa rin dito. Tumaas ang kilay niya at nakita ang tatlong babae at apat na lalaki na malakas na nag-uusap tila ba walang pakialam sa mga taong naroroon. Hindi ko alam kung saan sila nakakuha ng kakapalan ng mukha para mag-ingay rito sa library. Wala akong pakialam kung ano ang section at kung anak ba sila ng mga mayayaman. All I need is peace para makapag-aral ako ng maayos. "Please lower down your voice. Nasa library kayo at wala sa canteen. Hindi niyo kailangan mag-sigawan dito dahil alam kung kahit sa pinakamahinang boses ay maririnig niyo na ang isa't-isa," reklamo niya rito. Tumingin ito sa kanya at sinuri ang kabuuan niya, agad na nagdikit ang kilay niya sa ginawa ng mga ito. "What? Do you need something?" inis niyang tanong. Hindi niya ipagkakaila na naiilang siya sa ginawa ng mga taong nasa kabilang mesa ngayon. Kahit sanay na naman siya sa mga tingin ng mga tao dahil isa siyang modelo. Ngunit ang kaba na kanyang nararamdaman ngayon ay di niya mapigilan, parang sasabog na ang puso niya lalo na sa kakaibang titig ng lalaki na hindi inilalayo sa kanyang mga mata ang tingin. "Miss top two, kahit anong gawin mo top two ka pa rin," nakangising saad ng isa sa mga lalaki roon. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito, namumukhaan niya ito, hindi niya nga lang maalala kung ano ang pangalan nito. Hindi naman sila malapit ng lalaking ito, pero kung makaasta, akala niya ay ilang taon na silang magkakilala. Hindi siya sanay na hindi nirerespeto ng mga tao o di kaya'y kausapin na para bang isa lang siyang ordinaryong tao, pwera na lang kung matalik niyang kaibigan ang mga ito. "Hindi kita kilala. Manahimik ka d'yan," mariin kong saad. Napaawang naman ang labi nito sa aking sinabi, tinaasan niya ito ng kilay bago bumalik sa pagbabasa. Wala naman talaga siyang pakialam sa mga taong nasa harapan niya ngayon. Hindi niya ito kilala, ang nais niya lang ay manahimik ito para makapagpokus siya sa pag-aaral. Iyon naman talaga ang gusto ng mga pumupunta sa library. Kaya hindi niya maintindihan ang grupong ito kung bakit sila nag-iingay. "James Nathaniel—" Hindi na nito natapos ang sasabihin niya nang biglang may sumingit dito. "Maureen!" Hindi ko pinansin ang sinasabi ng lalaki sa aking harapan at nilingon ang tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako nang makita si Josh na papalapit sa akin. Matalik kong kaibigan si Josh dahil magkakilala na ang pamilya namin kahit noong bata pa kami. Matanda lang ito sa akin ng isang taon at gusto rin nito na palaging nasa Dean's list, kaya nagkakaintindihan kami sa mga bagay-bagay. Gusto nitong maging doctor kaya minsanan lang kaming magkita dahil sa sobrang busy nito sa pag-aaral. Tinapik ko siya sa dibdib nang makalapit ito sa akin at inilagay sa bibig ko ang aking daliri. "Ang lakas ng boses mo library to," saway niya rito. Baka akalain ng iba na kinukunsinte ko ito dahil kaibigan ko siya. "Bakit ka narito, Josh? Hindi ka ba busy ngayon?" Umiling muna ito bago mahinang tumawa at hinalikan ako sa noo. Bata pa lamang sila ay gawain na nito iyon, hindi naman siya nagrereklamo dahil kuya na naman ang turing niya rito. Lahat na nga yata ng mga kahihiyan niya noong bata pa lamang siya ay nakita na nito kaya sobrang lapit nila sa isa't-isa. Kinuha nito ang librong binabasa niya at tiningnan iyon. Tumango ito at muling ibinalik sa kanya. "Review? Natapos mo na ito last week diba? Ang bait naman ng Reen-ren namin," sunod-sunod na tanong nito. Tumango naman siya rito, at tiningnan ang libro. "Reen-ren? Ano ka bata?" Napakunot-noo ako nang marinig iyon. Nagsasalita na naman ang lalaki sa kabilang linya, at sa pagkakaintindi ko ay hinahamak ako nito. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nito ngayong nanahimik na ako rito at hindi na sila pinapansin. Kinuha ko ang ballpen sa mesa, at mariin itong hinawakan. Kung pwede ko lang tusukin ang lalaking iyon ay ginawa ko na. Napalingon ako kay Josh nang hinawakan nito ang kamay ko. "Huwag mo na silang pansinin. Kain tayo ng gusto mong ice cream?" Napangiti ako sa sinabi ni Josh at mabilis na tumango. Sa tuwing dinadala ako nito roon ay nawawala ang stress ko. Tatayo na sana ako nang lumapit ang lalaki sa mesa namin. Nakangisi siya at hinawakan ang kwelyo ng suot niyang uniporme. I blinked my eyes twice, when I saw his beautiful dark brown eyes. "Your eyes is too beautiful, nerd." Nasambit na nito ang gusto kong sabihin sa kanya. "My blue eyes baby." Inilayo ko ang mukha ko sa kanya nang maramdaman ko ang malakas na pagpintig ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang malakas na pagtibok nito, at kailangan ko iyong patigilin at baka mamatay ako ng wala sa oras. "Tara na, Maureen," aya sa akin ni Josh. Tumango ako at nagpahila na rito. "Huwag mo nang pansinin ang mga ganyang tao." Hindi pa kami nakakalayo nang may humawak naman sa kabila kong kamay. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ng lalaki kanina nang nilingon ko ito. Tinaasan ko siya ng kilay nang inilagay nito sa aking kamay ang isang piraso ng papel. "Call me, baby," nakangisi nitong saad. Itatapon ko na sana ang papel na inilagay nito sa kamay ko nang hinawakan nito iyon at dinala sa kanyang labi sabay halik dito. Tumaas ang balahibo ko sa ginawa nito. Tinaas ko ang aking kamay para sampalin ito nang nauna na si Josh na kwelyuhan siya. "Respect my baby girl, dude," Josh angrily said. I grabbed his arm to stop him, I don't want to go to detention room right now. Hindi naman worth it mapunta roon dahil lang sa maliit na arguments na'to. "Yours? I don't think so," mahinahon nitong saad at nilingon ako. Tinabig nito ang kamay ni Josh na nakahawak sa kanya, bago lumapit sa akin. Nanlalaki ang mata ko nang dinampian nito ng mabilis na halik ang aking labi. "Mine." Nanigas ako sa aking kinatatayuan, nag-iinit ang buo kong katawan sa sinabi at ginawa nito. Ngayon lang ako nahalikan ng lalaki sa labi, at ang malala pa roon ay di ko siya kilala. Estranghero sa akin ang lalaking nagnakaw ng una kong halik. "Maureen, are you okay?" Bumalik ako sa reyalidad sa tanong ni Josh sa akin. Tumango naman ako kaagad sa kanya, at napahawak sa braso nito. Nakaalis na rin pala ang grupo ng mga estudyanteng iyon. Hindi ko man lang namalayan dahil nakapokus ang isipan ko sa lalaking humalik sa akin. "Huwag kang magpapadala sa Morse na iyon, Maureen. Kilala ang lalaking iyon bilang isang campus playboy," mariin na pahayag ni Josh. "Lahat na yata ng babae rito sa campus ay nai-date na niya. Ayaw kong madamay ka sa kalokohan ng lalaking iyon." Tumango naman ako sa sinabi nito, at hinila na siya palabas ng library. Tumitingin na rin kasi sa amin ang ibang estudyante na naroroon. Ako pa naman ang sumasaway kanina tapos heto ako at nagbibigay ng ingay. Pagkarating namin sa ice cream shop ay agad nang nag-order si Josh. Habang naghihintay sa kanya ay inilabas ko ang aking cell phone. Titingnan ko lang kung may mensahe ba akong natanggap. Una kong tiningnan ang email ko at baka may proyekto akong natanggap. Isa akong freelance model, kahit pwede naman akong ipasok nila mommy sa mga malalaking kompanya ay pinigilan ko, dahil kaya ko naman umakyat sa itaas gamit ang sarili kong kakayahan. Alam kong mahihirapan ako sa una pero doon naman talaga nagsisimula ang lahat kaya hanggat nasa baba pa ako ay dapat i-enjoy ko muna ito, dahil sabi nila kapag nasa taas ka na ay mas lalong mahirap ang tatahakin mong daan. Matapos kong i-check ang email ko at masagot ang mga mensahe roon ay kaagad akong pumunta sa Innet—isang social media platform kung saan pwedeng makipag-usap sa mga taong malayo sa atin, para tingnan kong ano na ang nangyayari. Minsan ko lang ito ginagamit para na rin makausap ko ang kaunti kong fans. James Nathaniel Morse sent you a friend request Confirm Decline Morse? Ito ba yung sinasabi ni Josh? Tiningnan ko muna ang profile niya, bago i-accept. Tumaas ang kilay ko nang makita ang mukha ng lalaki kanina. Bakit kailangan niyang padalhan ako ng friend request, ang kapal ng mukha niya. Hinalikan nga niya ako nang walang paalam kanina. "Idiot!" mariin kong saad. "Something happen, Maureen?" tanong sa akin ni Josh, pagkabalik niya. Agad akong umiling at kinuha ang cookies and cream at inilagay iyon sa aking harapan. Ayaw kong ipaalam sa kanya na ginugulo ako ng lalaking iyon at baka mag-away na naman silang dalawa. "Anong oras ang next subject mo?" napaisip ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung may pasok ba ngayon ang kay Miss Sheena. Kinuha ko ang aking cell phone at tiningnan ang GC, bago pa ako makapunta roon ay nakita ko na ang message request. Mabilis ko iyong tiningnan at baka importante ang mensahe. "Hi, nerd. Accept mo naman ako, baby girl" Natampal ko ang aking noo sa kaharutan ng lalaking 'to. Kung nandito lang ito sa aking harapan sigurado akong nakurot ko na ang singit niya. "Baliw!" sagot ko sa mensahe nito bago isinilid ang cell phone sa aking bag at kumain na ng ice cream. "Maui, may problema ka yata? Sa bawat tingin mo d'yan sa phone mo ay namumula iyang mukha mo at magkadikit ang kilay halatang naiinis ka." Tumingin ako kay Josh na nanlalaki ang mga mata. Bago pilit na tumawa, nakalimutan ko na kilalang-kilala na pala ako nito. "Wala may mga pangit lang na tao na gumugulo sa buhay ko ngayon." "Sino naman para mapagsabihan ko." Kaagad akong umiling. Hindi niya pwedeng malaman iyon. "Reen-ren?" "Mga taong ayaw sa pagmomodelo ko," kagat-labi kong usal dito. Totoo naman talaga na may nakakaaway akong mga tao dahil sa career ko, pero isinawalang-bahala ko na naman iyon. Bukod sa hindi talaga ako nila kilala ng lubos ay hindi ko rin naman ugali ang makipag-away. "You should report them, Maui." "No need, Josh, hindi naman araw-araw nilang ginagawa iyon. Hayaan na lang natin sila siguro wala lang silang magawa sa buhay, baka kapag tumanda na sila at malaman nila kung gaano kahirap ang buhay ay magbabago rin ang ugali nila," mahinahon kong saad sa kanya. "Ikaw bahala pero kapag bina-bash ka ulit sabihan mo na ako di ko na palalagpasin 'yan." Tumango ako sa sinabi at kumain na ulit. "Natunaw na!" Sabay kaming natawa sa sinabi ko. Lumapit naman siya sa akin at pinunasan ang gilid ng aking labi. "Thank you, Josh." Nakakawala ng stress talaga ang ice cream. Ang sarap lang sa pakiramdam, sana lang walang manggugulo sa akin mamaya kapag nasa bahay na ako dahil hindi naman pwedeng kumain ako ulit. Mapaparami ako noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD