TLYA 02:

1522 Words
•Maureen• Isang linggo ang lumipas. Hindi na naman ako iniistorbo ni Nathaniel, kaya tulad ng dati ay payapa pa rin ang buhay ko sa SIS. Naglalakad na ako palabas nang biglang may tumawag sa akin, nakangiti ko itong nilingon at hinintay siya na tumatakbo palapit sa akin. "Mauie! Club daw tayo later, tapos na kasi yung exam." Napakamot ako sa aking noo sa sinabi ni Cheska. Hindi ko alam kung pupunta ba ako, mas gugustuhin kong mag-aral kay magpunta sa club. "Sige na Mauie, minsan lang naman eh." "Sasabihin ko muna kay dad, baka may pupuntahan kaming importante," sagot ko sa kanya. Gusto ko talagang tumanggi hindi ko lang magawa dahil sa minsan lang naman itong mag-aya. "Minsan lang kasi silang mag-aya ayaw ko naman na hindi kami magkita-kita sa oras na available sila." Kaya kahit alam ko naman na wala kaming pupuntahan ay nagdadalawang-isip pa rin ako na sumama sa kanila. Hindi ko kilala ang mga taong sasamahan ko. Hindi naman kasi mawawala sa akin na matakot na baka may mangyaring masama sa akin. "Nerd!" Pamilyar ang tawag nito kaya agad akong lumingon sa may pintuan. Nakita ko roon si Nathaniel, nakangiti ito at may dalang libro. Tumaas ang kilay ko dahil sa pagtataka kung bakit na naman siya nagpapakita sa akin. Akala ko ay nakalimutan na ako nito simula nang hindi na siya magpakita sa akin. "Na-miss mo ako?" "Mangarap ka!" naiinis kong sagot sa kanya. Kinindatan lang naman niya ako at lumapit sa amin ni Cheska. "May ibibigay akong libro sayo. Sigurado akong magugustuhan mo ito," nakangiti nitong saad. Inilahad nito kaagad ang librong hawak nang nasa harapan ko na siya. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng classroom, nang makita na ang lahat ay nakatingin ay agad kong inabot ang libro na hawak niya. Isang kulay blue ang cover no'n, at walang nakatatak kung anong klaseng libro iyon. "Anong gagawin ko rito?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya. "Kainin mo?" sarkastiko naman niyang sagot. Matalino ba talaga ang taong 'to? O matalino lang sa kagaguhan? Nasa kolehiyo na kami tapos ganito pa rin kung umasta. "Basahin mo yan, nerd. Sigurado akong kikiligin ka sa mga notes d'yan," nakangiti nitong sabi. Patakbo naman itong lumabas ng classroom. Hindi ko alam kung anong kailangan nito sa akin, pero naiinis ako sa tuwang lumulukob sa puso ko. Binuksan ko ang librong ibinigay niya ngunit nang makita ko ang salitang 'nerd' sa unang pahina nito ay kaagad ko nang tiniklop iyon. "Nililigawan ka pala ni Morse?" namamanghang tanong ni Cheska. Umiling ako kaagad sa sinabi nito, hindi naman talaga ako nililigawan ng lalaking iyon, gusto niya lang talaga akong inisin. Magsasalita pa sana ulit si Cheska nang tumunog ang cell phone ko. Humihinging paumanhin akong tumingin rito, tumango naman siya kaagad at hinayaan akong sagutin ang tawag. "Dad, napatawag po kayo?" bungad ko. Rinig ko ang tawa ni daddy sa kabilang linya tila ba inaasahan na nito ang isasagot ko. "Family dinner tonight, love." "Sige po, daddy. Uuwi na rin po ako pagkatapos kong pumunta sa library," sagot ko naman sa kanya. Nagpaalam naman kaagad si daddy sa akin, dahil marami pa siyang gagawin. Binalingan ko kaagad sila Cheska na hindi ako makakasama sa kanila. Mas pipiliin ko nalang na pumunta sa family dinner kaysa club. Napatingin ako sa relo ko bago pumasok sa loob ng library. May dalawang oras pa ako bago ang family dinner, magbabasa lang ako saglit bago uuwi. Naningkit ang mata ko nang mamataan sa di kalayuan si Nathaniel. Pumunta muna ako sa librarian, bago naghanap ng tagong mauupuan. Ilang saglit pa lang akong nagbabasa ngunit nawawala na ako sa pokus. Panay ang tingin ko sa kay Nathaniel na seryosong nag-aaral. Ibang-iba ang ugali nito kapag mag-isa, mas gusto ko ang Nathaniel na ito. Napalunok ako sa aking naiisip. Bakit ko naman magugustuhan ang pangit na lalaking ito? Napatigil ako sa pagkontra sa mga ideyang pumapasok sa aking isipan, nang tumunog ang cell phone ko. "Nasaan ka, Maureen?" tanong kaagad ni Josh pagkasagot ko. "May ginagawa ka ba ngayon?" Palagi naman itong tumatawag sa akin kapag tapos na ang klase ko. Minsan ay gusto nitong makasigurado ako, dahil nangako ito sa mga magulang ko na aalagaan niya at minsan naman ay ihahatid ako nito pauwi kung walang driver na susundo sa akin. "Nasa library ako ngayon, pero pauwi na rin dahil may family dinner kami. Tinawagan na ako ni daddy kanina," pagpapaliwanag ko rito. "Kailangan mong sabihin lahat nang ginagawa mo sa kanya?" Nanlalaki ang mata ko na tumingin kay Nathaniel na nasa harapan ko na ngayon. Hindi ko siya inaasahan na lumapit sa akin, akala ko ay seryoso ito sa binabasang libro. Parang kanina lang ay ang layo nito sa akin bakit nandito na ito kaagad sa tabi ko? Hindi ko man lang namamalayan. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Rinig ko ang pagsagot ni Josh sa kabilang linya, ngunit nakatuon lang ang atensyon ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. "Umalis ka nga d'yan, bumalik ka roon sa pwesto mo—" "Abot hanggang sa labas ng library ang ingay ng phone mo kanina, tapos tatanungin mo ako? Okay ka lang, Miss De Silva?" Bumabawi ba ito sa akin dahil sa sinabi ko noon sa kanya? Iniligpit ko kaagad ang aking mga gamit nang marinig ang sagot nito. Naiinis ako sa sarkasmo ng boses nito, hindi ko alam kung iniinsulto ba ako nito o sadyang ganoon lang talaga ang tono ng boses niya. "Maureen, are you okay? Gusto mo bang puntahan kita? Hatid na lang kita sa inyo—" Bago ko pa masagot ang sunod-sunod na tanong ni Josh, ay kinuha na ni Nathaniel ang cell phone sa kamay ko. Matangkad ako pero mas matangkad si Nathaniel sa akin, kaya kahit anong pilit kong abutin ang phone ko sa kanya ay di ko magawa. Inilagay nito iyon sa kanyang tenga, kinakabahan ko siyang tiningnan. "Nathaniel, kapag hindi mo iyan sinauli sa akin ngayon masasampal talaga kita—" "Boyfriend, speaking," simpleng saad nito. Umiling ako at sinapak ang dibdib niya, hinayaan niya lang naman ako na gawin iyon. Ngunit hindi pa rin niya ibinibigay sa akin ang cellphone ko. Tumayo na lang ako roon at masama siyang tinitigan, wala rin naman akong magagawa dahil ayaw naman nitong ibigay iyon sa akin, at di ko rin naman abot iyon. "Anong ginagawa mo kay Maureen? Sino ka?" galit na tanong ni Josh. "Magkayakap kaming dalawa ngayon, problema mo roon, Santander? Nathaniel Morse—ang gwapong boyfriend ni Maureen," seryoso ang pagkakabigkas nito ng mga salita ngunit may ngisi naman sa kanyang labi. "May problema ka ba roon, Santander?" Nakanganga akong tumingin rito, puno rin pala ng kayabangan ang lalaking ito. Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Josh, kaya sa tingin ko ay pinatay na nito ang tawag. Tumatawa naman si Nathaniel na ibinigay sa akin ang phone. Pero hindi ko pa iyon makuha ay nahawakan na nito ang batok ko. "Anong gagawin mo? Nasa library tayo, Morse," kinakabahan ko paalala sa kanya. Itinulak ko ito palayo sa akin ngunit mas inilapit niya pa ang mukha sa akin at hindi ako hinayaang makalayo sa kanya. "Morse, l-lumayo ka sa akin." "Kiss lang naman eh, ang damot," pagmamaktol naman niya. Kaagad akong nagtaas ng kilay, hindi alam ang isasagot dito. "Isang kiss lang naman, nerd—" Mahina kong tinampal ang labi niya. Sino naman ito para halikan ako? Pangalan niya lang ang kilala ko sa kanya. Akala ba nito na madali lang akong babae dahil nahalikan na niya ako noon? Sa tingin ko naman ay kilala niya ako kaya bakit ganito pa rin siya makaasta sa harapan ko? "Baliw ka ba? Hindi kita boyfriend-" "Future boyfriend mo nga ako," putol nito sa sasabihin ko. Itinulak ko ito palayo sa akin, buti na lang at walang nakakahalata sa amin dito sa kabila ng ingay na ginagawa namin. Kung hindi ay baka issue na naman ito. Ayaw kong magpakalat ng maling balita at masira ang reputasyon ko rito sa school. Ilang taon ko iyong pinaghirapan simula nang tumuntong ako rito sa SIS. "Paano kita magiging future boyfriend? Nanliligaw ka ba?" Napatakip ako sa aking bibig dahil sa sinabi ko. Baka akalain nito na gusto kong magpaligaw sa kanya. "Ligaw lang pala gusto ng nerd ko," nakangiting sambit nito. "Hindi naman mahirap gawin iyon lalo na at gusto na kita. Ang problema lang ay kung papayag ka ba?" "Baliw! Hindi iyon ang ibig kong sabihin—" Mahabang lintanya ang nais ko sanang bitawan, ngunit naputol iyon dahil sa halik na iginawad ni Nathaniel sa aking labi. Kaagad kong tinakpan ang aking labi at tinignan siya nang masama. Naiinis ako sa kanya pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang halikan. "Tatandaan ko na ito. One kiss, can shut you up, nerd," nakangisi niyang saad. Muli ay sinampal ko siya nang malakas. Sobrang lakas na halos marinig na ng ibang naroroon ang tunog nang pagkakadikit ng palad ko sa mukha niya. "Respect me as young lady, Mr. Morse," mariin kong saad sa kanya bago kinuha ang aking mga gamit sa ibabaw ng mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD