TLYA 03:

1736 Words
•Maureen• Malakas na sampal ang iginawad ko sa mukha ni Nathaniel. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa malakas na pagtibok nito. Ngayon lang tumibok ang puso ko ng ganito. Alam ko na dahil iyon sa kalapastanganan na ginawa ng lalaking nasa harapan ko ngayon. "Don't you dare kiss me!" bulyaw ko rito. Tumawa naman ito at kaagad na umakbay sa akin. Hinawakan ko iyon at tatanggalin na sana ang kamay nito nang mas binigatan niya ang pagkaka-akbay sa akin. "Hindi mo tatanggalin?" "Future girlfriend—aray!" Kaagad kong kinagat ang kamay niya at lumayo rito. Masama ko siyang tiningnan bago siya tinalikuran. "Maureen—" "Wala akong pakialam sa katulad mong pervert!" sigaw ko. Hindi ko pa rin ito nililingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Huwag mong guluhin ang payapa kong buhay, Morse!" Hindi ko naman narinig ang boses nito kaya napangiti na lamang ako sa tuwa. Ayaw ko ng gulo habang nag-aaral, gusto kong magpokus sa pag-aaral para makuha ang bagay na gusto. Napatigil ako sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng manager sa screen ng phone ko. Tiyak kong may project na naman akong gagawin ngayon weekend. Pinindot ko na ang answer button at inilagay sa tainga ko ang cellphone, habang nagsimula nang maglakad. "Maureen, free ka this Saturday? May photoshoot ka sa Lady's Magazine. Ikaw ang magiging cover this month!" Nanlalaki ang mata ko sa narinig sa kanya ang Lady's Magazine ay isa sa mga pinakasikat na magazine sa bansa at ma-swerte ako at ako ang napili nila ngayong buwan. "I'll pick you up this Saturday—" "No need po, Miss Marcelle. Magpapahatid na lang po ako sa driver ko, para hindi na po kayo mahirapan maghatid sa akin pauwi," usal ko at nagpaalam na sa kanya. Deretso na ako palabas ng paaralan, kailangan kong magmadali ayaw ko naman na mapahiya si daddy sa mga kakilala nito sa negosyo. Ilang beses na naming ginagawa ang family dinner na'to, kaya hindi na bago sa akin ang mga bagay na ito. Kinawayan ko si Manong Oscar na naghihintay sa akin sa di kalayuan. "Good afternoon po, Ma'am Mauie. Kanina pa po kayo hinihintay nila Sir Raol." Ngumiti ako kay manong at tiningnan ang relo ko. Medyo napatagal pala ako sa loob, akala ko naman kasi matagal pa ang oras. "Uuwi pa po ba tayo o sa sasakyan na lang po kayo magbibihis? Nauna na po sila Sir Raol sa venue." Napaisip din ako sa tanong nito. Kung uuwi pa ako tiyak na matatagalan pa bago kami makarating sa pupuntahan namin. "Sa van na lang po ako magbibihis," saad ko at sumakay na. Dahil sa pagmomodelo ko ay personalize ang sasakyan ko na ito, para convenient sa akin habang nagtra-trabaho. May sofa bed ito, small closets para sa mga dresses ko, at may kalakihang salamin. Hindi rin ako makikita ng driver dahil nilagyan iyon ng compartment. Mabilis lang ang ginawa kong pagpapalit ng damit, dahil isang red mini dress lamang iyon. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at inayos ang nagulo kong buhok at make-up. Napatingin ako sa cellphone na nasa aking tabi nang tumunog iyon. Unregistered number iyon kaya nagda-dalawang isip ako kung sasagutin ko ba. Pero dahil na rin sa pangambang isa iyon sa mga contract offer ay sinagot ko kaagad iyon at bumalik sa paglalagay ng lipstick sa aking labi. "Hello, this is Maureen—" "Hi, future girlfriend!" Kumunot ang noo ko at ibinaling ulit ang tingin sa cellphone ko. Kilala ko ang boses na iyon at kahit patayin man ako ngayon. Alam ko na si Nathaniel ang kausap ko ngayon, pero bakit alam nito ang numero ko? "Nagulat ba kita? Pasensya ka na magaling akong maghanap ng impormasyon sa mga taong mahal ko—" "Creepy. Pwede ba, Nathaniel, tigilan mo ako sa kalandian mo?" naiinis kong saad sa kanya. Hindi ako pwedeng mapalapit dito dahil hindi ko alam kung ano ang pwedeng kakahantungan no'n. Papatayin ko na sana ang tawag nang bigla itong sumigaw sa kabilang linya. "Hihintayin kita bukas sa school. Maghihintay ako, sweetheart—" Napailing ako at pinatay na ang tawag. Hindi ko na hinintay pa na matapos niya ang sasabihin. Napatingin ako sa may bintana nang biglang may kumatok doon. Nakangiting mukha ni Manong Oscar ang bumungad sa akin. Mabilis ang kilos na bumaba ako sa sasakyan. "Nasa second floor po sila ng restaurant na ito. VIP room number 120 po, Ma'am Mauie," pagbibigay impormasyon nito sa akin. "Salamat, manong. Text na lang po kita kapag natapos na kami. Pwede ka po munang mamasyal baka po kasi matagalan." Tumango si manong at hinintay lamang ako na makapasok sa loob bago pumasok sa kotse. Maraming tao na sa first floor dahil kilala rin ang lugar na ito. Napabuntong-hininga ako na pumunta sa itaas, kaagad na hinanap ng mga mata ko ang room na sinabi kanina ni Manong Oscar sa akin. Tumaas ang kilay ko nang may nakita akong lalaki sa labas ng kwartong iyon at nakikipaghalikan sa babaeng kasama nito. Malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating kaagad sa kwarto. "Hey, excuse me first..." Tumigil ako sa pagsasalita at tiningnan silang dalawa. Pareho silang gwapo at maganda, pero wala akong pakialam doon. "And may I know if you have any relationship sa mga taong nasa loob?" Ayaw ko lang na makagawa sila ng kasalanan sa mga taong nasa mataas na estado at kapag napagalitan ay sila pa ang may kasalanan. Ilang ulit na ba itong nangyari? Akala kasi nagbra-brag kami ng mga yaman namin. When in fact nagsasabi lang naman kami ng totoo at nagbibigay ng reaksyon sa ginagawa nila sa amin. "Anak ako ni Mr. Madrigal—owner of Madrigal Beach Resort." Napatango ako sa sinabi nito. Kilala ko ang mga nagmamay-ari ng sinabi niya dahil palagi kaming pumupunta roon kapag bakasyon. "Ikaw kilala mo ba ang mga taong nasa loob?" "Maureen De Silva, please excuse me, dahil may pag-uusapan kaming importante sa loob." Nanlalaki ang mata nito na tumingin sa akin at umalis sa kanyang kinatatayuan. "Salamat." Pagkapasok ko ay sumunod naman ito sa akin. Hindi ko na siya pinansin at pinuntahan na kaagad si daddy at mommy na kumakaway sa akin. "I'm sorry na late po ako," hinging-paumanhin ko sa kanilang lahat. Tumawa naman ang may katandaang lalaki na kamukha ng lalaki na nakaabang sa may pinto kanina. "Sorry po, Sir..." "Tito Sean na lang, hija. Kay gandang naman nito, Raol." Inabot nito ang nakalahad kong kamay at pinaupo ako sa katabi ng lalaki kanina. "Ito naman ang anak kong si Creon." Ngumiti ako at inilahad din ang kamay ko sa binatang na katabi ko ngayon. Malapad ang ngiting inabot nito ang kamay ko at dinala iyon sa kanyang labi. Muntikan ko ng bawiin iyon, lalo na at naalala ko ang halikan nila ng babae kanina sa labas. Mabuti na lang at napigil ko ang aking sarili, dahil ayaw kong mapahiya sila mommy. "Tingnan niyo 'di ba bagay silang dalawa?" natatawang saad ng ginang na katabi nito. Pinilit ko ang aking sarili na bigyan ito ng isang pilit na ngiti. Hindi namana ko namimili ng taong magugustuhan ko, ngunit ang first impression ko sa kanya ay di na mapapalitan. "Dy, ano po ang okasyon?" tanong ko kay daddy. Sa amin tatlo lamang ang rason kung bakit may ganitong pagsasalo. Una, ay dahil may deal na kailangang i-close. Pangalawa, ay may ipapakila silang lalaki sa akin na pwedeng maging future groom ko at ang pangatlo, ay masaya sila dahil may mga bagong kliyente na dumating sa kompanya. "May pag-uusapan lang kaming importante ng Tito Sean mo, anak. Magpahangin muna kayo ni Creon sa labas," nakangiting usal ni daddy. Simpleng salita lang niya ay alam ko na kaagad ang ibig nitong sabihin. Nasa pangalawang rason ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Ngumiti ako at tumango sa kanila. Nauna na akong tumayo at lumabas sa kwartong iyon. Kahit naman nasanay na ako sa sistemang ito, ay palagi pa rin ako nahihirapan sa paggalaw kapag nasa loob. "Hi, Maureen. Gusto ko sanang makilala ka ng lubusan." Kahit pa sabihin na gusto siya ni daddy sa akin ay di pa rin nila ako mapipilit na maging life partner ang lalaking ito. "Creon, right? Gusto ko lang na sabihin sa iyo na may iba na akong gusto," seryoso at walang utal na saad ko rito. "Ayaw kong umasa ka na may tsansa pa tayong dalawa. Sorry." Narinig ko ang mahinang tawa nito kaya agad akong napalingon sa kanya. Sumandal ito sa may pader habang nakatitig nang maigi sa akin. "Bakit may nasabi ba akong nakakatawa?" maang na tanong ko rito. "Wala naman interesado lang talaga ako sa'yo, kaya kahit simpleng salita mo ay  napapatawa ako." Napangiwi ako sa sinabi nito. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mukha ko. Hindi ko iyon tinabig, hinayaan ko lang siya sa pagpunas sa mukha ko. "I can be your superman—" "Kaya kong protektahan ang girlfriend ko, pare." Sabay kaming napalingon ni Creon sa taong nagsasalita. Kumunot ang aking noo nang makita si Nathaniel doon. "Ang kamay ay ilagay mo sa tamang lugar kung ayaw mong maputulan." "Tinatakot mo ba ako? Kilala mo ba ang pamilya ko, ha?!" galit na sigaw ni Creon. Namumula na ang mukha nito habang nakatitig kay Nathaniel na hanggang ngayon ay kalmado pa rin. "Isa akong Madrigal—" "Wala akong kapangyarihan na hawak ng pamilya mo. Interesado lamang ako sa babaeng ito." Di ako nakapagsalita ng hinapit nito ang aking bewang. Umalis nga naman si Creon, ngunit ang masamang tingin nito ay hindi inaalis kay Nathaniel lalo na at paatras itong naglakad palayo sa amin. "Sweetheart, nagseselos ako—" "Ano ba ang problema mo, lalaki? Sigurado akong wala kang gusto sa akin dahil ngayon pa lang tayo nagkakilala at imposibleng may nararamdaman ka kaagad," mahaba kong lintanya. Kinuha nito ang kamay ko at inilagay iyon sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang pagpintig ng puso nito kaya agad akong napatingala sa kanyang mukha. "What are you doing?" I asked shakingly. "Letting you know that I'm in love with you," he answered. Itinaas ko ang aking mukha para tingnan siya ng mabuti lalo na at wala akong marinig na pagdadalawang-isip sa boses niya. 'Hindi ako pwedeng mahulog. Hindi pwede lalo na ngayon,' bulong ko sa aking sarili at iniwasan na siya. Mabilis akong lumayo sa kanya at bumalik sa kwartong kinaroroonan ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD