Chapter 01: The Start of an Another Adventure

1147 Words
Kenny’s POV: Tatlong taon na rin ang lumipas mula ng mangyari ang mga hindi kanais-nais na mga bagay na iyon sa aming mga buhay, mga pangyayaring hindi namin inaasahang mangyayari pala sa realidad na kaganapan. Tunay nga talagang walang imposible sa kalawakan, tunay ngang hindi lamang tayo ang nag-iisang planetang may nakatirang organismo. Walang makapagsasabi kung gaano ba talaga kalawak ang kalawakan at kung kailan matatapos ang angkin nitong walang hanggang kadiliman. [...] Narito kami ngayon sa mansyon ng mga Montalbon, ang bahay nila Yohan at ng kanyang triplets na supling, to be specific. Kasama ko sina Cynthia, Cedrick, at Levi. 'Yung tatlo ay naisipan lang talagang dumalaw rito, kaarawan kasi ng triplets kahapon at dahil doon ay napapunta silang tatlo, hindi ko naman lubos akalain na mamumuro pala ang mga ito at sinabi pang dito na muna raw sila hangga' t gusto nila. Si Winter at Jiro naman ay kasama ko ring naninirahan dito. Ako naman, dito na talaga ako tumitira para matulungan ko si Yohan sa pagpapalaki ng mga anak niya, hindi rin biro ang sitwasyon ng kaibigan kong 'yon ngayon dahil sa loob ng nakalipas na tatlong taon ay walang tigil siya sa paghahanap ng nawawala niyang kabiyak na si Martin. Ngunit kahit na abala siya sa paghahanap ay hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging mabuting magulang, nilalaanan niya pa rin ng oras ang tatlo. Isa pa sa nakakagulat ay kung bakit ang bilis-bilis lumaki ng kanyang mga anak, tatlong taon pa lamang sila ngunit ang pisikal at mental nilang anyo ay para ng sa sampung (10) taong gulang na bata. Noong tinanong naman namin tungkol dito si Yohan ay normal lamang daw ito sa lahi nila dahil bukod sa hindi sila taga rito ay ganon daw talaga ang uri ng paglaki ng mga bata sa planeta nila. Kapag daw ang mga ito ay tumuntong na ng labing walong (18) taong gulang ay doon pa lamang magiging normal ang paglaki ng mga ito — kasabay ng paglabas ng mga natatangi nilang kakayahan. Naiiba lamang si Yohan dahil sa prokteksyong ipinataw sa kanya ng kanyang ina. Sa nakalipas na tatlong taon ay madalang ko lamang na nakikitang ngumingiti si Yohan, maging sa kanyang mga anak ay alam kong pekeng ngiti lamang ang ipinapakita niya sa mga ito. Wala na ang dating masigla at animo'y walang kaproble-problemang Yohan, ang buo niyang pagkatao ngayon ay nababalotan na lamang ng pagkaseryoso, ni hindi ko na nga siya nakaka-asaran at parang casual na magkaibigan na lamang kami. "Rylan, tawagin mo na ang mga kapatid mo't kakain na tayo, patawag na rin ng mga tita at tito mo," pagtawag ko sa pansin ng nakakatanda sa tatlong anak ni Yohan. "Sige po, Mameeta." Alam ng tatlo kung ano ang tunay nilang katauhan dahil sa simula pa lamang ay hindi na nagkulang si Yohan na ipaintindi sa mga ito kung ano talaga sila, ngunit kahit na ganon ay sinisikap pa rin naming lahat na palakihin ang mga ito bilang normal na mga bata. Mga matatalino rin sila dahil imbes na malungkot at magrebelde ay tinanggap na lamang nila ang kanilang sitwasyon, ayaw na raw nilang dumagdag pa sa pasanin ng kanilang Papa kaya't minarapat na lamang ng mga ito na magkaroon ng bukas na pananaw sa mga pangyayari. Sunod-sunod na silang nagsidatingan dito sa kusina ngunit ang may-ari ng bahay na ito ay 'di ko nakitang nakasunod. "Rylan, tinawag mo ba ang papa mo?" pagtatawag ko sa pansin ng bata habang ito ay pa-upo na sa kanyang pwesto. "Opo, pero hindi ko po siya makita rito sa loob." "Baka nasa ground floor na naman 'yun, alam mo na–" sabat naman ni Jiro. "Tanghaling tapat nandoon na naman siya, hayst, kinakalimutan niya na talaga ang kanyang pagkain," bulalas naman ni Cynthia na may pagkainis sa tono. "O sya, sya, mauna na lang kayong kumain at susunduin ko lang ang bakletang 'yon," Kaagad na akong umalis at tinahak ang daan papunta sa lugar kung saan alam kong doon ko ito matatagpuan, sa lugar kung saan palagi niyang pinaglilipasan ng oras. Ang kanyang training place. Malaki talaga ang mansyon na ito nila Yohan, kaya kailangan ko pang maglakad ng ilang minuto para lamang marating ang kinalalagyan ng elevator ng mansyong ito. Sakay ng elevator ay pumaibaba ako upang marating ang ground floor nitong mansyon, mga ilang sandali rin akong naghintay bago muling bumukas ang pinto nito at bumungad sa akin ang napakalawak na lugar. Hindi mo mahahalatang nasa ilalalim ito ng lupa dahil hindi madilim sa lugar na ito, sa tulong ng bawat kapangyarihan ni Yohan ay nagawa niyang gawan ng ground floor itong kanilang mansyon. Ang taas ng lugar na ito ay katumbas na rin sa taas ng kabuuan nitong mansion na may apat na palapag at may lawak na 80 square meters — Siguro ay maihahalintulad mo ito sa isa't kalahating football field. Sinadya niya talagang taasan at lawakan itong training ground na ito dahil sa uri ng pag-eensayo niya. Makikita rin sa lugar na ito ang iba't ibang uri ng halaman na nagsisilbing palamuti upang hindi magmukhang kawalan at patay ang buong lugar. Tanging ako, si Yohan, Jiro at Winter lamang ang may permisong makapunta rito, maging ang mga bata ay hindi pinapayagan ni Yohan na makapunta o kahit sumilip man lang dahil na rin sa pagkadelikado ng mga ginagawa niya. Ilang hakbang pa ang aking ginawa at nakita ko na siya sa kaliwang bahagi ng lugar na ito, nag-eensayo gamit ang pinaghalo niyang mga kapangyarihan. Hindi na naman bago sa akin ang ganitong gawain niya dahil matagal ko nang sinanay ang sarili ko sa pagiging kakaiba ng mga taong nakapaligid sa akin. Nakita ko siyang lumilipad suot ang pakpak niyang gawa sa itim na apoy habang kalaban ang daan-daang mga lumilipad na halimaw. Sa totoo lang ay napaka-angas ng dating niya kapag ganitong nasa seryosong pag-eensayo siya, sabayan pa ng naglalagablab niyang pakpak na mas lalong dakadagdag sa kaseryosohan nito. Pinindot ko ang alarm na nasa kanang bahagi nitong pinto upang matawag ko ang kanyang pansin. Tumingin siya sandali sa akin saka bumaling ulit sa kanyang ginagawa. Isang malawak na hampas ang kanyang pinamalas gamit ang pakpak niya saka walang ano-ano'y natunaw ang napakaraming kalaban sa kanyang harapan. Pagkatapos nun ay lumipad siya papalapit sa akin. "Ano ng plano mo, magpapalipas ka na naman ng gutom, 'di ka na naman kakain? Ha?" bulalas ko sa kanya, wala naman siyang itinugon bagkus ay umupo lamang ito sa bakanting upuan saka nagpunas ng kanyang pawis. Bumuntong hininga ako. "Tara na kanina pa sila naghihintay sa taas, tiyak na hindi pa kakain 'yung mga anak mo hangga't hindi ka pa nila nakikita." Sa pagkakataong ito ay tiningnan na niya ako ngunit sandali lamang. Bumuntong hininga ulit ako at naka krus na ang dalawang kamay sa dibdib na nagwika. "Na-iintindihan ko naman kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito, pero intindihin mo rin ang sarili mo, wala rin namang patutunguhan 'tong lahat ng paghihirap mo kung magkakasakit ka or worst... mamatay ka—" "Oo na, kakain na ingay mo." "Well, I'm just concerned." Hinubad na niya lahat ng kasuotan niya saka kami sabay na umakyat. [...]   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD