Chapter 02: Meet the House Personnel

1005 Words
"Nagtext sa'kin 'yung private tutor ng mga bata, 'di raw siya makapagturo ngayon dahil kapapanganak lang daw ng ate niya," sabi ko kay Yohan habang nasa hapag kainan na kami. "Hm." Tugon niya sabay tango dahil puno pa ang bibig niya. "Papa, pagkatapos po nating kumain pwede ba kaming sumama kina, tito Jiro, na mamasyal?" tanong ng bunso nitong anak na si Marty. Hindi sumagot si Yohan, tinitigan niya ako ng ilang sandali saka siya muling lumingon sa kanyang anak habang ang dalawa pa ay nag-aabang ng kanyang pagsang-ayon. "Okay, pero 'wag makukulit ah malalaki na kayo pero 'wag pa rin kayong lalayo sa isa't isa." Gumuhit agad sa mga mukha ng tatlo ang napakamasayang ngiti habang bagya nang lulumulundag na sumasang-ayon sa kondisyon ng huli. "Nga pala, ba't hindi ka na lang sumama, Yohan, total wala ka namang masyadong gagawin ngayong araw diba?" biglang pagsasalita ni Jiro. "Pass muna ako, hahayaan ko na muna 'tong tatlo na mag-enjoy na sila-sila lang total eh birthday naman nila," sagot naman ni Yohan. **** "Naka-alis na ba sila Jiro?" bungad sa akin ni Yohan nung papasok na ako ng kusena. Naabutan ko siya doong nagpupunas ng mga plato kasama ang tatlo pa naming kasambahay rito — Kasambahay, na siya mismo ang lumikha gamit ang katawan ng isang puno at hinulma ito bilang isang tao. "Yes, my dear... kanina pa, iniimbita nga ako nung dalawang magkasintahan eh but I declined baka kasi gusto mo ng kausap sa napakalaking bahay na ito." "May makakausap naman ako ah." Napaismid ako. "Eh? At sino naman, 'yang mga maids mong gawa sa kahoy?" "Oo, diba, Ilang-ilang?" lumingon siya sa naghuhugas na maid. "Opo, sir." Nabigla ako dun dahil sa totoo lang sa loob ng tatlong taon na ito eh hindi ko pa nakita o nadinig ni isang beses na nagsalita ang mga kasambahay na ito ni Yohan, ngayon lang talaga. Mismong mga bata nga ay natatakot sa mga ito paminsan-minsan dahil sa para lamang itong mga robot. "B-ba't nakakapagsalita na sila?" "Nilagyan ko lang sila ng vocal cords na galing sa mga hayop at kunting ayos lang sa language para magmukhang tao talaga ang nagsasalita..." Habang nagsasalita si Yohan ay nilapitan ko isa-isa ang tatlong kasambahay at sinipat nang mabuti ang mga mukha nito. "... Kausapin mo kung 'di ka naniniwala," dugtong pa niya. At ginawa ko naman... "So, anong pangalan mo?" kausap ko dun sa nagwawalis na maid. "Ako po pala si Mangrove, but you can call me Grove for short," sagot nito. "Is he a boy?!" balik kong tanong kay Yohan. "Ahuh, kamakailan ko lang din nalaman akala ko kasi babae lahat ng nagawa kong kasambahay, tsaka siya lang din ang may pag-kaattitude sa lahat, siya lang kasi nag-eenglish sa kanilang lahat, naadopt ata sa'yo." "Well, it's a good trait though at least may ibang konyo na akong makakausap sa bahay nato... at sino naman 'yung isa?" "Talisay, pero pwede niyo po akong tawaging Isay para mas madali," sagot naman nung isa pang maid na nag-aarange ng mga pinggan sa lagayan, feeling ko may pagkamakulit 'to. "Well, mas mabuti na rin 'yung pinagsalita muna sila para kung sakaling wala ako sa bahay o busy ka, may makakausap din 'yung tatlo-" "Sir, may dumating pong delivery para raw po kay, sir Kenny." bigla namang pag-intriga nung isa pang kasambahay sa pagsasalita ko. Kinuha ko ito saka nilagay sa gilid. "At ano naman pangalan mo?" pagtatanong ko dun sa bagong dating. "Pine po." "Wow, hindi naman halatang 'di ka tamad magbigay ng pangalan at 'yung kahoy na lang kung saan sila gawa ang ipinangalan mo sa kanila, Yoh, hano?" Natawa naman ng bahagya si Yohan dahil sa sinabi kong 'yun. May anim na katulong dito sa buong bahay, ang tatlo sa kusina, at 'yung tatlong natitira ay all around. Meron din kaming dalawang hardenero dahil nga't malaki-laki rin ang garden nitong bahay, tsaka tig-dadalawang security guard at driver. Hindi naman kailangang mag-alala sa kaligtasan namin kapag sila ‘yung nag-dadrive dahil katulad nga ng sabi ni Yohan kanina ay boses na lang talaga kulang sa kanila eh magiging tunay na tao na talaga ang mga ito. May tama rin silang pag-iisip, sa katunayan nga eh baka mas matalino pa sila sa ibang totoong tao. Kung tutuusin ay hindi na kailangang mag-ensayo pa si Yohan dahil kung ako ang tatanungin ay lubha na nga siyang malakas nitong mga nakalipas na taon, pero ewan ko ba tuwing sinasabihan ko siyang tumigil na ay ang palagi niya lamang sinasabi ay... "Hangga't hindi ko nakikita ang asawa ko, hindi ako titigil sa pagpapalakas." "O siya, punta muna akong rooftop at hinihintay pa ako nila Cynthia doon may balak pa atang mag-inom." "Sige, sunod na lang ako." Aalis na sana ako nang biglang may tumawag kay Yohan. "Hah! Bakit? 'Di ba nga't kabilin-bilinan ko na 'wag niyong iwawala sa paningin niyo ang tatlo... o sige na, papunta na kami jan hintayin niyo na lamang kami." Dinig kong pagkausap ni Yohan doon sa taong nasa telepono. "Bakit daw, anyare?" "Nawawala raw si Marty!" **** "Ano, nahanap niyo na ba?" tanong ni Yohan kay Winter. Hindi na siya magkamayaw sa kanyang paglinga-linga sa paligid, kahit nga ang kanyang mukha ay hindi mo na rin malaman kung ano nga bang ekspresyon ang nakapaskil dito. Pabalik-balik na siya sa kanyang nilalakaran habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig na sa mga oras na ito. "Yohan, relax lang malaki na 'yung anak mo, 'di na mawawala 'yun," sabi ko naman dito. "Alam mo naman kung ano ang sitwasyon ng mga bata 'di ba, paano akong hindi mag-aalala eh anak ko 'yun." Hindi na lamang ako nakipagtalo pa, siguro nga’y ganon talaga ang pakiramdam kapag naging isang ganap na magulang ka na  — hindi mo na alam ang dapat isipin sa oras na may mangyaring hindi mo inaasahan sa mga anak mo. Minabut ko na lamang na lapitan ang dalawa pa niyang mga anak upang tanongin ang mga ito tungkol sa kanilang nawawalang kapatid. "Sa'n niyo ba siya huling nakita?" tanong ko sa dalawa. "Nung nasa arcade po kami tas nung paalis na po kami 'di na namin siya mahagilap sa loob." Si Tyran ang sumagot. "Ganon ba, o sige halina muna kayo't hahatid ko lang kayo sa sasakyan baka mamaya eh andoo—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang may sumigaw sa aking likod. [...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD