Chapter 03: Friend or Foe

1022 Words
Someone's POV: Sa dulong bahagi nitong kwarto maririnig ang iba't ibang uri ng tunog likha ng mga sandatang gawa sa mga elemento ng kalikasan, bawat wasiwas at pagtilapon ng iba't ibang bolang enerheyang gawa ni Yohan, sanhi upang bumulusok ang napaka-kapal na usok sa buong paligid. Isang napakalakas na pagwasiwas ang kanyang ginawa at nawala na ang usok. Sige pa rin siya sa kanyang ginagawa, ni kunting pagod ay hindi mo ito makikitaan. Lumutang siya sa ere saka nagpaikot-ikot pagkatapos ay bigla na lamang nagsiliparan ang daan-daang espadang gawa sa yelo saka ito sabay-sabay na bumulusok patungo sa iisang direksyon. Maya-maya pa'y bigla na lamang sumabog ang kabilang dako nitong lugar. Samantala, isang tubig ang nag-anyong napakalaking higanti at walang ano-ano'y umatake ito sa likorang bahagi ni Yohan. Hindi nagpatinag ang huli, kaagad itong lumipad pataas saka nagpaulan ng mga sibat na gawa sa apoy ngunit wala itong talab rito bagkus ay nilamon lamang nito lahat ng kanyang atake. Sunod ay lumapit siya rito nang kay bilis saka ito inikutan nang inikutan, nawasak ang higanteng tubig ngunit ilang sandali lang ay bigla na naman itong nabuo at animo'y mas lalo pa itong lumaki. Hindi ito inaasahan ni Yohan datapwat ang lugar na ito ay siya mismo ang may gawa ngunit dinesenyo niya ito na may kakayahang gawin ang mga nais nito kapag nasa "Berserk mode" ito. Hindi niya nakita ang sumunod na nangyari,  dahil sa angking laki nito ay nilamon siya ng buo nang wala man lang kahirap-hirap Naging tahimik ang buong paligid tanging natitira na lamang ay ang palakad-lakad na higanti, mga ilang minuto rin siguro ang lumipas hanggang sa makikita na lamang ang biglaang pag-iba ng kilos ng higanting tubig, ilang sandali pa'y bigla na lamang itong tumigas at nabasag. Umulan ng yelo sa buong paligid habang si Yohan naman ay nakapikit habang ang kalahati ng kanyang mukha ay nababalutan ng ngayon ng yelo. Humupa na ang mga pangyayari, may narinig na lamang si Yohan na pumapalakpak sa harap niya kung saan matatagpuan ang pintuan. "Bravo! Wala pa rin talagang kupas hanggang ngayon ang aming, Ilinahad." Pabiro ngunit totoong pagkakasabi ni Jiro habang lumalapit ito kay Yohan. "Wag mo na 'kong asarin at baka matusta lang kita nang wala sa oras." Tumawa lang ng payak ang huli. "Wanna fight?" pang-eengganyo nito, iba naman ang pagkakabigkas niya ng salita dahil nga't hindi pa siya sanay sa paggamit ng wikang Ingles. Ngumiti si Yohan at walang sabi-sabing sumugod sa huli, hindi naman nagpatinag ang isa at bigla na lamang lumutang sa kanyang harapan ang kanyang balintataw, winasiwas niya ito sa ere na nag-sanhi sa pagbagal ng lipad ni Yohan, isang wasiwas pa at bigla na lamang napahiga si Yohan sa sahig dahil sa tindi ng pressure na nakapatong sa kanya. Maalam si Jiro sa mga bagay na ito naka-focus ang kanyang kapangyarihan sa dalawang bagay — “Time and Gravity', gamit ang kanyang balintataw ay kaya niyang gawin ang anumang bagay na may kinalaman sa dalawa. Bigla na lamang niyang hinagis-hagis si Yohan sa iba't ibang direksyon, hindi niya ito binigyan ng pagkakataong maka-atake sapagkat alam niyang sa oras na siya ay matamaan ni gahibla ng kapangyarihan nito ay siguradong tapos na ang laban. Hindi pa siya tapos, isang wasiwas pa ng kanyang dalang balintataw at napasigaw na lamang sa sakit si Yohan. [...] Ganyan kung sila ay maglaban, wala silang paki-alam sa kung anuman ang kalalabasan nito, iniisip nilang dalawa na hindi lamang ito pageensayo bagkus ay isa itong totoong laban na kung saan isa lamang sa kanila ang tatayo at isang magiging talunan. "Pa'no ba 'yan, ako nanalo... this time," wika ni Jiro nang matapos na ang kanilang laban makalipas ang kalahating oras. "Mukhang nag-eensayo ka ata mag-isa nang hindi ko alam hindi ko na mabasa bawat galaw mo kanina, lahat ata yun bago ah." Tumawa ang huli. "Gumaganti lang, palagi mo 'kong natatalo eh, panahon na rin para makalasap ka naman ng pagkalugmok ano." "Parang kahapon lang 'di mo pa makontrol nang maayos ang dalawang kapangyarihan mo nang sabay ngunit mukhang nagbunga ata ang buong araw na pagkukulong mo sa silid aklatan." "Mukha nga, sa kababasa ko ng mga librong dala natin galing sa ating planeta ay natagpuan ko rin kung paano ito sabay na ipamalas," wika ni Jiro habang nakatitig sa kanyang hawak-hawak na balintataw o setro. "Kamusta naman 'yung tatlo, nakatulog na ba?" saad ni Yohan sabay hawak pa sa kanyang balikat na parang may sumasakit doon. "Oo, mahimbing pa sa mahimbing nataranta ang lahat sa pagkawala ng isa kahapon tapos pinagtripan lang pala tayo ng anak mo, mukhang may pinagmanahan." Dahil sa sinabi ng huli ay napangiti na lamang ng bahagya si Yohan. "O siya't tutal nanalo ka na rin ay 'wag mo na akong guluhin ngayon, hindi pa ako tapos sa aking pag-eensayo kaya lubay-lubayan mo muna ako." "Naku, 'kala mo talaga wala akong naiitulong sa kanya rito, dyan ka na nga," usal ni Jiro habang padabog na umalis sa lugar na iyon. Habang si Yohan naman ay nagpatuloy na rin sa kanyang pag-eensayo. **** Gabi na ng mga oras na ito, bukod sa mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa labas ay patay na ang lahat ng ilaw na nasa loob ng mansyon, tahimik na rin ang buong lugar sapagka't maghahating gabi na. Sa isang kwarto kung saan matatagpuan ang isang binatang mahimbing na natutulog, isang nakakabulag na liwanag ang lumitaw sa bintana nito. "Sino ka? at nasaan ako?" mababanaag sa boses ni Yohan ang pagkataranta sa mga nangyayari, huli niyang natatandaan ay natutulog na siya ngunit ang ipinagtataka niya ay kung papaano siya napunta sa lugar na ito. Napapalibutan ng napakaraming iba't ibang kulay ng balahibo ng ibon ang buong lugar habang sa unang bahagi ni Yohan ay makikita ang nag-iisang kama at isang pigura ng lalaking nakatalikod sa pwesto niya. Sigaw siya nang sigaw, pilit niya itong tinatawag ngunit ni kunting reaksyon ay wala man lamang itong itinugon. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan ngunit bigo syang ipamalas ito na nagsanhi upang mas lalo siyang mataranta. "Kinakausap kita, sino ka at bakit mo ako dinala sa lugar na ito?" Patakbo niya itong nilapitan saka akmang sisipain sa tagiliran ngunit isa-isa na lamang nagsiliparan ang mga balahibo at siya ay iginapos ng mga ito. Habang nakatalikod pa rin ang misteryosong lalaking ‘yun ay bigla na itong nagsalita. "Dito sa mundo ko, ako ang siyang natatanging masusunod..." [...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD