CHAPTER 04: Dream Weaver

1395 Words
Yohan's POV Mga alas dyes na rin ng gabi nang ako'y matulog dahil nga't kailangan ko pang tapusin lahat ng papeles ng kompanya. Oo, may kompanya ako dahil hindi naman pwedeng kung ano lang 'yung naiwan sa akin ay hahayaan ko na lamang itong maubos kaya ang ginawa ko na lamang ay pinalago ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng kompanya, at ngayo'y itinuturing na akong isa sa pinaka-batang negosyante sa Bansa. Hindi naman gaanong kabusy ang buhay ko kahit na ganito na ang sitwasyon namin ngayon dahil sa likod ng kompanya ay may mga tao akong pinapakilos na lubos kong pinagkakatiwalaan. Napa-upo ako sa gilid ng kama habang nakatitig sa napakaliwanag na buwan, iniisip ko ang mga kaganapan sa aking buhay. Mabuti na lamang at may mga kaibigan akong kasama ngayon dahil kung hindi ay hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko at sa aking mga anak. Wala sa sarili akong napangiti habang pilit na naglalaro sa aking isipan ang mga masasaya kong alaala kasama ang tatlo kong anak at aking mga kaibigan nitong nagdaang tatlong taon. Nakatitig pa rin ako sa buwan habang nagsasalita sa mababang tono. "Malalaki na rin sila at namana ata nila sa iyo ang pagiging wais sa lahat ng bagay, hindi man nila sabihin ngunit alam kong hinahanap-hanap nila ang iyong presensya katulad ng pagkasabik ko sa iyong mga haplos. Tatlong taon na akong naghahanap sa iyo ngunit kahit kunting enerheya mo ay 'di ko maramdaman. Pero hindi ako susuko alam kong nasa paligid ka lang at katulad namin ay nasasabik ka na ring makita at mahagkan ang iyong mga anak." Pumikit ako habang ang mabigat kong puso ay pilit na pinapakalma, ayaw ko nang umiyak, tama na ang mga luhang aking sinayang dahil wala ring magagawa ang mga ito kahit pa ubusin ko ang tubig sa aking buong katawan. "Mananalig ako Martin, mananalig ako sa huling mga salitang iyong iniwan... na maghihintay ka sa muli nating pagkikita," wika ko sa aking isip. Pagkatapos ng mga tagpong iyon ay tuluyan na nga akong natulog, naalimpungatan na lamang ako dahil sa nararamdaman kong napakaliwanag ng aking paligid kahit na ako'y nakapikit. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar sa aking lugar. Inikot ko ng tingin ang buong paligid. Ito'y napapalibutan ng napakarami at klase-klaseng kulay ng balhibo ng ibon habang ang aking tinatapakan ay napupuno ng mga maliliit na kumikislap na mga bagay. Napaigtad ako dahil bago sa aking paningin ang lahat ng ito, dali-dali akong tumayo at naglakad sa kung saan mang direksyon. Habang papalayo nang papalayo ako sa lugar kung saan naroon ako kanina ay may nakikita akong mga nakasabit na parang mga lantern. Akin itong tinitigan isa-isa at doon ko lang nahinuha kung ano ang mga ito. "Dream catchers?" kausap ko sa aking sarili. Doon ay nadagdagan na naman ang aking pagtataka. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang pigura ng tao habang ito ay nakatalikod sa pwesto ko. Walang ano-ano'y binulabog ko ito ng tanong. "Sino ka? At... nasaan ako?" medyo napalakas kong pagkakasabi. Ngunit hindi man lamang ako nito binigyan ng pansin. "Bingi ata to eh?" Mas nilakasan ko pa ang aking boses. "Hoy, magsalita ka, sino ka? At... at ano ang lugar na ito, bakit ako narito?" Hindi pa rin siya umimik, at parang isang estatwa na nakatayo lamang sa pwesto niya. Akma ko sana siyang gagamitan ng aking kapangyarihan ng sa ganon ay mapilitan siyang harapin ako ngunit sa 'di inaasahang pangyayari ay hindi ko magamit ni kahit ano sa aking kapangyarihan. Sa pagkataranta at kaba ko ay wala na akong ibang naisip gawin kundi labanan na lamang siya gamit ang natural kong lakas. Patakbo ko siyang nilapitan habang ang aking mga paa ay ihinahanda ko na sa aking gagawing pagsipa pero bigo ako dahil bago ko pa man siya matamaan ay bigla na lamang humangin sa lugar na iyon saka nagsiliparan papunta sa akin ang daan-daang balahibo. Dumikit ang mga ito sa katawan ko sanhi upang bumigat ang aking katawan, hindi rin ako makakilos dahil sa sobrang dami nilang nakadikit sa akin. "Ano ba, pakawalan mo ko rito, sino ka ba at bakit andito ako sa lugar na ito?" Dahan-dahang nalagas ang bawat balahibong nakadikit sa akin, nabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngunit hindi pa rin ako makakilos. Pagtingin ko sa harap ko ay wala na ang pigurang nakatalikod kanina. Ilang sandali pa ay may naramdaman na lamang akong hininga na dumadampi sa aking leeg. "Dito sa mundo ko ako ang tanging masusunod" pabulong niyang pagkakasabi sa akin. Pakiramdam ko'y nanuyo ang aking dugo dahil sa uri ng pagkakasabi niya, parang isa siyang mamamatay tao na ano mang oras ay kikitlan na ako ng buhay. Nanginig ang bibig ko at ang bawat salitang gusto kong sabihin sana ay hindi ko masabi-sabi 'pagkat ayaw nang bumuka ng aking bibig. Ngunit, maya-maya pa ay narinig ko na lamang siyang tumawa nang napakalakas na para bang nagtagumpay siya sa ano mang plano na kanyang ginawa. Nung nahimasmasan na siya ay bigla na siyang tumingin sa'kin habang nanunubig ang kanyang mata sanhi ng lubos niyang pagtawa. "Tae, sarap niyo talagang paglaruan kahit kailan, nakakatawa ang bawat mukha niyo sa tuwing kayo'y natatakot." At tumawa na naman siya. Habang ako naman ay naka-poker face lang na nakatitig sa kanya ngunit sa kabilang banda ay nagpapasalamat na rin ay ito'y prank lang ang lahat. "Sino ka—" "I'm Juno and the bearer of this world na nagsasabing- Only in your dreams, you are free, " wika niya habang may galak sa kanyang tono, itinaas niya pa ang dalawa niyang kamay sabay ng pagsasabi niya nun. "HUNO?" "Nooooo! It's YUNO." May kung ano siyang binubulong tapos bigla na lamang natanggal lahat ng balahibong nakadikit sa akin kanina. "Anong lugar ba 'to?" medyo kalmado na ako ngayon. Bago siya nagsalita ay umupo muna siya sa nag-iisang kama rito. "Ito ang Dream World o Illusory Dreams, ako ang namamahala sa mundong ito nang mahigit 500 years" Napakunot noo ako. "At bakit naman ako narito or I must say, bakit mo ako dinala rito?" "Simple lang, I want companion. Medyo nababagot na rin akong mag-isa sa mahabang panahon, siguro oras na rin para maghanap ako ng makakasama ko rito." Walang kagatol-gatol niyang pagkakasabi, at parang confident na confident pa siya sa lagay na iyon. Kung tatanungin niya ng ganoon ang dating ako ay siguro magugulat pa ako at aaktong parang mataray na bakla sa kanto, ngunit iba na ngayon. "Let's cut the chase here, so what's with this illusory dreams, alam kong hindi ako napadpad dito para lang sakyan ang mga larong pambata mo, alam kong may mas malalim pa itong kahulugan." Tinitigan niya ako ng ilang minuto saka uli siya tumayo at napabuntong-hininga. Nagbago ang kanyang ekspresyon, ang kaninang masiyahin at maamong mukha ay napalitan ng pagka seryoso "Okaaaay, sa totoo lang wala naman akong planong magdala o magpapasok ng kahit na sino rito sa mundo ko, nasanay na akong mag-isa at mas gusto kong mag-isa kesa matali sa ibang nilalang na alam ko namang hindi mananatili sa aking tabi habang buhay." Biglang may lumitaw na kulay kahel na usok sa kanyang kamay, sa wangis nito ay may kung ano mang sumira sa bagay na iyon. "Isa lamang akong bantay na nangangasiwa sa bawat panaginip ng lahat ng nilalang, ngunit sa kasamaang palad, noong nakalipas na tatlong taon ay bigla na lamang nabasag ang bolang enerheya na pinanggagalingan ng lahat ng kapangyarihan ko." Pagtutukoy niya sa hawak-hawak niyang kahel na usok. Sige lamang ako sa pakikinig, ninanamnam ang bawat salitang kanyang binibigkas at pilit na pinoproseso sa aking utak. "Simula rin nang mangyari ang pagkawasak nito ay hindi ko na maikonekta ang aking diwa sa ibang nilalang bukod sa mga tao, hanggang sa dumating ang araw na tanging ikaw na lamang ang naaabot ng aking saklaw na kapangyarihan." "At ano naman ang ibig mong sabihin sa lahat ng 'yong sinabi?" "Alam kong may hinahanap ka, isang nilalang na malapit sa iyong puso ngunit 'di mo siya kayang hagilapin. Alam ko ang lahat dahil tanging siya lamang ang laman ng lahat ng iyong panaginip." Napa-iktad ako sa kanyang sinabi. "... Hindi ko alam, ngunit malakas ang kutob kong konektado ang lahat ng nangyayaring ito sa kung sino man ang iyong hinahanap,"  dugtong niya. Nang matapos niya iyong sabihin ay tumitig siya sa labas ng lugar na iyon kung saan makikita ang nagkikislapang mga maliliit na butil na ilaw at para bang nasa gitna ng kalawakan itong lugar, tapos tumingin na naman siya sa pwesto ko ngunit nagbalik na ang ngiti niya. "Yaan lang muna sa ngayon, mas makabubuting ibalik na kita sa iyong ulirat sapagka't umaga na roon, byebye! —" ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD