Tanghali na nang magising si Yohan. Patuloy pa rin siyang binabagabag ng kung sino mang lalaking iyon sa kanyang panaginip. Gustuhin niya mang ipagwalang bahala ito ay nararamdaman niyang totoo ang lahat ng pangyayayaring iyon.
Lingid sa kaalaman ng lahat ng kasama niya sa mansyon ay sinarili niya lamang ang mahalagang pangyayayari. Hindi niya na sinubukan pang gambalain ang iba lalo pa't hindi niya pa alam kung ano nga ba ang tunay na mga nangyayari sa buhay niya ngayon.
Ito ba ay isang pagpaparamdam o isa lamang pampagulo sa kanyang isipan.
Hito siya ngayo'y naghahanda ng pagkain kasama ang tatlo sa kanyang mga kasambahay.
"Isay, patulong nga akong dalhin 'yung mga hinanda kong desserts."
"Okay po, s'an nga pala nakalagay?"
"Andyan sa loob ng oven."
Kinuha naman agad ito ni Isay tsaka nagtungo na sa dining area kung saan naghihintay ang iba.
"Ahm, Pine could you please get the knife for me." sabi naman ni Yohan doon sa isa pa, sa isip niya ay bakit nga ba siya napapa-english eh sa pagkaka-alala niya marunong naman itong magtagalog, siguro ay nadala na rin ng pagka-engrata nitong si Pine.
At dahil nga't may pagka-attitude itong huli, nasakto pang malayo-layo rin 'yung lalagyanan ng kutsilyo sa pwesto nito ay gumamit ito ng mahika upang magawa ng madalian ang pinapagawa rito. Ngunit hindi ito nakatakas sa paningin ni Yohan.
"Oops, stop that! How many times do I have to tell you, that magic is forbidden inside this house especially when kids are around," wika ni Yohan rito sa mahina ngunit may diing mga salita.
Hindi kasi gusto ni Yohan na sa murang edad ng mga bata ay pangarapin na ng mga ito ang matutong komontrol ng mahika kaya para maiwasan niyang mangyari iyon ay sinabihan niya ang lahat na bawal gumamit ng ano mang mahika sa loob ng mansyon lalo na kung andyan ang tatlo.
Dahan-dahan naman itong binaba ni Pine. Sa huli ay si Mangrove na lang ang kumuha at ibinigay ito kay Yohan.
"Ano yun, ba't amoy sunog!?" biglang wika ni Kenny na ngayon ay hinahanap kung saan galing ang amoy na iyon, napatingin din naman ang iba sa paligid nila habang si Yohan ay tiningnan ang bawat disaksak na gamit sa kusena kung may wire bang nasusunog ngunit wala siyang nakita.
Hindi nagtagal ay bigla na lamang pumasok ang hardenero ni Yohan sa loob.
"Masamang balita!"
Napa-pitlag ang lahat sa sinabi nito. Kaagad namang nilisan ni Yohan ang kusina at nagtungo sa dining area kung saan naroroon ang hardenero.
"Bakit, anong nangyayari?" may pag-aalala sa boses ni Yohan.
"Lahat ng mga halamang inyong tinanim sa paligid ng mansyon ay namatay, hindi ko alam ang dahilan ngunit bigla na lamang itong nalanta lahat nang sabay-sabay," sagot ng hardenero ni Yohan, ito ang nagsisilbing bantay niya sa labas ng bahay at ang tanging punong kanyang binuhay na nag-aalaga sa mga pananim rito.
Nagulat ang lahat at hindi makapaniwala sa mga sinabi ng hardenero.
"Yun ba 'yung sunog na naaamoy ko kanina?" sabi ni Kenny na siyang tinaguan naman ng huli.
"Kaya pala napaka-tapang ng amo'y, hindi pala ito nasunog kundi nalantang mga halaman."
"Pero 'di ba, Yohan, sa pagkaka-alala ko'y tinanim mo ang mga 'yon para magsilbing proteksyon sa mansyong ito?" wika naman ni Jiro.
"Oo."
"Papano nangyari 'yun eh may mahikang nakabalot sa mga ito na galing mismo sa'yo." Sabat naman ni Winter.
"Jusko lord, ano na naman bang kababalaghan ito?" wika naman ni Cynthia na ngayon ay kagat-kagat na ang napakalaking hiwa na eggpie.
"Shhh." si Levi at Cedrick na binusalan na ang bibig ni Cynthia gamit ang isa oang hiwa ng eggpie.
"Pa'no na 'yan, Yoh. Ang ibig sabihin ba nito ay may kalaban kayong nakapasok dito? hah?" pagtatanong naman ni Kenny sa kanyang kaibigan na ngayon ay hindi na alam kung ano nang unang sasabihin.
Malilim lamang itong nakatingin sa labas kung saan unti-unti at patuloy ang paglanta ng mga halamang kanyang itinanim.
Nagsisilbi ang mga ito bilang proteksyon sa kanila at sa buong mansyon laban sa mga gustong pumasok nang hindi nila kakilalang panauhin na may kapangyarihang mahika rin.
Kaya laking pagtataka niya at kung papaano ang mga ito'y nalanta gayo'y 'di naman pangkaraniwang mga halaman lamang ang mga ito.
Galing pa ang mga ito sa Planetang Mimic, sa demensyon ng apat nilang Bathala. at isa pa ay dapat bago pa lamang ito maatake ng iba ay malalaman niya na agad dahil konektado ang mga ito sa kanya.
"Kenny, puntahan mo muna ang mga bata lalabas lang ako para tingnang mabuti kung ano talaga ang nangyari sa mga halaman ko." Tumango naman si Kenny saka agad ng nagtungo kung saan ang tatlo.
"Wait, sama us!" pahabol na sigaw ni Cynthia saka sila nagsisunurang lumabas lahat.
Tinungo nila Yohan ang bandang likoran ng mansyon kung saan mas makapal ang mga halamang nakatanim, napatakip naman ang lahat sa kanilang ilong dahil sa tapang at nakakasulasok na amoy rito, liban lamang kay Yohan at Jiro.
Sinipat ito isa-isa ni Jiro.
"Wala naman akong naaaamoy na ibang kapangyarihan maliban lamang sa'yo, kaya posibleng wala ring umatake sa mga ito, liban na lamang kung... " wika ni Jiro.
"Liban na lamang kung, ano?" chorus na pagtatanong nung tatlo. Si Cynthia, Levi at Cedrick.
"Liban na lamang kung hindi direkta ang pag-ataking ginawa," si Winter na ang sumagot.
Napa singhap ang lahat sa sinabing iyon ni Winter.
"... Kung gaya nga ng sabi ni Jiro my labs na wala siyang na-aamoy na ibang mahika except kay Yohan ay isa lang ang nikikita kong dahilan, at yun nga ang hindi direktang pag-atake." dugtong pa nito.
Nag-usap ang apat habang sina Yohan at Jiro naman ay walang paki-alam, sige pa rin sila sa pagsiyasat sa mga nalantang halaman.
"I can't really get it, pwede bang i-explain mo nang mas malalalim?" sabi naman ni Levi.
"Bawat mahika o kapangyarihang ginagamit ng bawat nilalang ay nakakonekta ito sa kung sino man na may likha, kaya kung may umatake man sa mga halaman ni Yohan eh mat.trace agad ito ni Jiro my labs, pwera na lamang kung ang taong gumamit nito ay hindi direktang nilikha gamit ang sarili niyang katawan."
Ilang sandaling katahimikan.
"Huh?! mas lalo mo lang pinagulo eh," sabay na namang bigkas ng tatlo.
"Sandali nga, 'di pa ko tapos eh sumasapaw na kaagad kayo...
"Yun na nga, halimbawa kung si Yohan ay magpapamalas ng mahika gamit ang apoy na lumalabas sa kamay niya at direkta niya itong ipapatama sa batong nakausli malapit doon sa gate eh mat.trace 'yon ni Jiro my labs na si Yohan nga ang nagwasak ng mamahalin niyang batong iyon."
Tumango-tango ang tatlo, habang tinitigan naman si Winter ng kanyang kasintahan ng pagkasama-sama.
Ang batong tinutukoy ni Winter na naka-usli sa bandang gate ng mansyon ay ang mismong spaceship na sinakyan nila nung umalis sila sa planetang mimic na si Jiro mismo ang nag-imbento.
"Pero kung gagamit siya ng setro, kahoy o kahit na anong bagay at doon niya ipapadaloy ang kanyang kapangyarihan ay hindi agad ito mat.trace ni Jiro my labs."
" Ah, so ang ibig mong sabihin eh kung gagamit ng magic si Yohan at may ibang instrumento siyang ginamit na hindi parte ng kanyang katawan ay hindi agad ito mat.trace?" pagtatanong ni Cedrick.
"Tumpak."
"Ows. Okay gets ko na," sabat ni Levi...
Nagpatuloy sila sa pagsisiyasat sa mga halaman kahit pa kitang-kita sa kanilang mga mukha na hindi nila nagugustuhan ang amoy sa lugar na iyon.
"Teka, parang lumilindol..." biglang pagbasag ni Cynthia sa katahimikan, napalingon naman ang iba.
Ilang sandali pa ay lumakas na ang yanig ng lupa na kanina ay mahina lamang, unti-unting nagkaroon ng maliliit na bitak sa kanilang paligid at hindi nagtagal ay may bigla na lamang lumutang galing sa nagkumpol-kumpol na natuyot na halaman.
Isang bilugang hugis ng hindi malamang bagay, at napakalakas ng enerheyang lumalabas dito, pilit na hinihila ang kung sino mang malapit sa lugar na iyon.
Upang hindi sila mahila nito ay gumamit ng kapangyarihan si Yohan.
Gamit ang dalawang palad niya ay idinampi niya ito sa lupa na nagsanhi upang mas lalo pang lumakas ang pagyanig ng ilang segundo, pagkatapos nun ay may isang napakalaking barikada ng bato ang lumitaw sa kanilang harapan at nagsilbing harang laban sa bagay na iyon.
Lumipas ang ilang sandali at nawala na ang pagyanig at ang malakas na pag-ihip ng hangin.
Tinanggal na ni Yohan ang barekadang iyon at tumambad sa kanilang harapan ang napakalaking butas na nakalutang lamang sa ere.
"Ano yan, parang... black hole?" wika pa ni Levi.
Lumingo-lingo si Winter na nangangahulugang mali ang sinabi ng huli.
"Eh ano yan?" tanong naman ni Cynthia.
Tumingin si Wonter sa gawi ni Yohan kaya napalingon na rin dito ang iba.
"Hindi yan black hole, isa 'yang uri ng portal," wika ni Yohan.
****