CHAPTER 06: Verging Upon Redemption

1046 Words
"Yoh, ano na gagawin natin ngayon, of all this happening, siguro naman may alam ka kung bakit ito nangyayari ngayon" bulalas ni Kenny sa kaibigan nitong si Yohan pagkatapos nitong mag-ensayo. Tagaktak ang mga pawis at hingal na hingal si Yohan bago tumungo sa pwesto ni Kenny kung saan naroon din ang kanyang pamunas. Dalawang araw na ang lumipas, simula nang nangyari ang mga hindi inaasahang pangyayaring iyon. Nung araw na lumitaw ang sinasabing lagusan ayon kay Winter ay naglaho din ito agad sa loob lamang ng ilang oras ngunit bakas pa rin ang markang iniwan nito sa lupa, animo'y may napakalaking bulalakaw na tumama roon sa laki ng bakas nito. "Mamaya pagkatapos nating mag-haponan pumunta kayo sa office ko, may sasabihin ako sa inyong lahat" sagot ni Yohan. Matahimik namang tumango si Kenny at hindi na nag-usisa pa, alam niya kasing malalaman din naman niya ang lahat mamaya, ipagpapaliban niya na lamang ang mga tanong sa kanyang isipan sa ngayon. Sa mga nakalipas na gabi ay napaka-agang matulog ni Yohan pagkat gusto niyang dalawin muli siya ng lalaking nagpakita sa kanyang panaginip noon, ngunit nadidismaya lamang siya palagi dahil ni isang beses ay hindi na siya nito dinalaw. Kaya sa araw na ito ay napagpasyahan niya na ring sabihin ang lahat sa kanyang mga kaibigan lalo pa't nangangamba siya sa kung ano ang dalang panganib ng mga di pangkaraniwang bagay na lumitaw na lamang sa kanilang harapan. **** Tahimik nang naka-upo ang bawat isa sa mataas na mesang nasa opesina ni Yohan maging ang napaka-ingay na si Cynthia ay naging tahimik din, hudyat na seryoso ang lahat sa gusto nilang malaman galing sa nasa harapan nilang lahat ngayon na si Yohan. Nakatitiig lamang sila sa huli habang ito naman ay nakatanaw lamang sa lamesa na para bang kay lalim ng hinuhugot nitong pag-iisip. "So ano, magtititigan lang tayo dito? Jusko dzai, Yohan ano, simulan na." pagbasag ni Kenny sa katahimikan na halatang sa lahat ay ito ang atat na atat malaman ang lahat. Bumuntong hininga si Yohan saka may kinuhang maliit na kulay kahel (orange) na bato, napakatingkad ng kulay nito kung ating ihahalintulad sa mga ordinaryong bagay na kakulay nito. "Ano yan?" sabay na tanong nila Cynthia, Levi at Cedrick. "Isang sisidlan ng ala-ala, tinatamad akong mag-explain lalo pa't may kasama tayong mahina sa pagpa-process ng bawat pangyayari kaya naisip ko na lamang na gumamit ng mahika para ilagay dyaan yung kopya ng ala-ala ko sana ay masagot nito kahit kalahati sa inyong mga katanungan" pagpapaliwanag ni Yohan. "As if naman ako yun, nananahimik na nga eh." biglang sabat ni Cynthia. May kung anong usok ang dumaloy sa kamay ni Yohan papunta sa maliit na bato, at ilang sandali lamang ay lumitaw mula dito ang panaginip niya kung saan naroon ang lalaking , nagsasabing siya ay isang Dream Weaver. Ilang oras din ang nagdaan, at bigla na lamang naglaho na parang bola ang nakalitaw na mga imahe kasama na rin ang maliit na bato, hudyat na tapos na ang panaginip na iyon ni Yohan. "Ang ibig mong sabihin ay may dumalaw sa'yong ibang tao at hindi mo ito kilala o nakasalamuha ni isang beses?" pagtatanong ni Jiro kay Yohan. Lumingo-lingo naman ang huli hudyat ng pagsang-ayon. "So that means, totoo yung mga sinasabi niya. Sa lahat ba naman ng powers-powers na nasasaksihan ko sa buhay ko ngayon eh hindi malayong maniwala na rin ako sa dream weaver thingy na yan." Sabat naman ni Kenny. "Tama, pero di'ba sabi nila kung ano yung nangyayari sa panaginip eh kabaliktaran sa totoong buhay? Ibig sabihin niyan eh wala talagang dream weaver at baka guni-guni mo lang lahat yun Yoh" wika naman ni Cynthia na siyang binatukan ni Kenny. "Walang ganon. Manahimik ka, wala kang natutulong" si Kenny, napakamot naman sa nabatukang ulo niya si Cynthia at akmang gaganti sana pero pinanlakihan lamang siya ng mata ni Kenny. "Ipagpalagay natin na totoo lahat ng sinabi ng lalaking yun at totoo na siya nga talaga ay isang dream weaver, ay hindi malayong ang lahat ng kababalaghang ito ay konektado sa kanya." Sabi naman ni Levi. "Nga pala Yohan, dinalaw ka ba niya ulit sa panaginip mo?" dugtong naman ni Jiro. "Hindi, yun ang huli at una niyang pagpaparamdam sa akin at hindi ko alam kung masusundan pa yon" sagot naman ng huli. Imbes na mabawasan ang bawat tanong sa isipan ng bawat isa ay mas lalo pa itong dumami, hindi na tuloy nila alam kung ano ang susunod nilang gagawin o kung may susunod pa bang di kanais=nais na mangyayari. "Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos sa panahon ngayon lalo pa't hindi natin alam kung saan tayo magsisimula, ang pinaka-mahalagang mangyari ay ang pagpapakita muli ng lalaking ito kay Yohan, doon lang natin makokomerma ang lahat-lahat. **** Napakatirik ng sinag ng araw ng mga panahong ito, makikita mo sa palagid ang mayayabong at ang pagsayaw ng sumasabay sa ihip ng hangin na mga halaman. Patuloy din ang pag-agos ng bughaw na tubig sa ilog. Animo'y kay sayang araw ang maiisip ng kung sino mang makakakita nito, ngunit sa isang iglap ay naglaho na lamang ang lahat at ito'y napalitan ng kahindik-hindik at napakabigat sa damdaming tanawin. Maririnig mo na lamang ang kaliwa't kanang paghuhumiyaw ng mga hayop at pilit kumakawala sa nagliliyab at galit na apoy na tumupok sa lahat ng madadaanan nitong bagay. Isang lalaki ang makikitang tumatakbo papalayo sa apoy na ito, mukha yatang ang lalaking ito ang pakay ng galit na galit na apoy ngunit, bakit? "Tulong! Tulongan mo ako hindi ko na kaya, naghintay ako ng napakatagal na panahon pero walang dumating na saklolo" sigaw ng binata at animo'y may kinakausap ito sa kanyang harapan. "Tulong mahal ko, tulong! Yohan~" huli nitong sinabi bago kainin ng nagliliyab na apoy. - - Hawak-hawak ang kanyang dibdib ay hindi makapaniwala si Yohan sa kanyang napanaginipan, isang bangungot na kailan man ay hindi niya nais mangyari. Sa isip niya, oras na nga ba para siya ay magsimulang maghanap muli? Ngunit sinuyod na niya ang bawat sulok ng buong kalawakan ngunit bigo pa rin siyang mahanap ang kanyang sinisintang si Martin. May hindi pa ba siya napupuntahan o ang lahat ba ng ito ay pawang kasinungalingan lamang? Hindi pa man din nakakabawi sa nangyari ay bigla na lamang may lumitaw na imahe sa kanyang harapan, isa itong hologram ng tao. Kanya itong tinitigan saka sinipat kung sino ang taong nasa kanyang harapan at hindi nga siya nagkamali, ito ay ang lalaking nagpakilala sa kanya bilang isang dream weaver. ****   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD