CHAPTER 07: The Path

1772 Words
Hindi pa man din nakakabuo ng salita si Yohan ay inunahan na siya ng hologram sa pagsasalita. "Yohan, sa mga sandaling iyo itong makita at madinig ay alam kong hindi ko na maipagpapatuloy pa ang gampaning nakalatag sa aking balikat sa mundong ito, masyado ng mahina ang aking kapangyarihan upang magpatuloy pang bantayan ang bawat panaginip ng lahat ng nilalang dito. Nagbago na ang lahat Yohan, ang mundong iyong kinalakhan ay hindi na katulad ng dati, marami kang dapat malaman ngunit ikaw lamang ang may kakayahang tumuklas sa lahat ng kasagutang iyong gustong makamtan, panahon na para ikaw ay magpatuloy sa'yong naantalang pakikipagsapalaran. Sundan mo ang daan kung saan ang inaakalang katapusan ay simula pa lamang... doon mo lamang malalaman ang lahat... " At saka biglang naglaho ang hologram na iyon, klase-klaseng bagay ang pumasok sa isipan ni Yohan ngunit lahat ng ito ay hindi niya maipagdugtong-dugtong. Anong ibig sabihin ng lalaking iyon? at ano ang ibig niyang ipahiwatig sa huling mensahing kanyang binigkas? Dahil sa gulong-gulo na talaga ang kanyang isipan na sinabayan pa ng bangugot niya tungkol sa kanyang sinisinta ay hindi na niya gustong bumalik pa sa pagkakatulog. Lumabas sya sa kanyang balkonahe at sinipat ang mayayabong na halamang kagagamot niya lamang. Hindi niya maintindihan ang bawat pangyayari ngunit may kutob siyang may kailangan siyang gawin sa lalong madaling panahon. Ngunit saan siya magsisimula? **** Umaga na, at nagtipon-tipon na naman silang lahat sa kusina upang mag-agahan. "Yoh ba't parang ang liwanag ng kwarto mo kagabi?" biglang bulalas ni Cynthia na ang kwartong tinutulugan nito ay katapat lamang ng kwarto ni Yohan. "Hah? Ah... wala naman, baka namamalikmata ka lang." sagot ni Yohan. "Oo nga, kung ano-ano na lang nakikita mo tagal mo kasing matulog, laki na ng eyebags mo singlaki ng pwet mo" sabat naman ni Kenny na ngayon ay busy sa paghiwa ng pagkain ni Marty. "Hoyyy, atleast ako may pwet, che! Pero parang may nakita talaga ako kagabi eh... nag eesparkle-sparkle pa nga ata yun" Ngumiti lang si Yohan at nagpatuloy na sila sa pagkain. Sa kabilang dako naman ay medyo naghihinala din ang magkasintahang Jiro at Winter dahil sa kakaibang pagiging matamlay ni Yohan ngayon at para bang napakalalim ng iniisip nito, ni hindi man lang namamalayang tubig niya na ang kanyang sinasandok. "By the way guys, aalis na pala kami ni Cedrick next week dadating kasi yung tito ko galing abroad, at the same time balak ko sana siyang ipakilala sa mga relatives ko during our reunion." wika ni Levi. "Woo, kagaling naman babae na pala ngayon ang mauunang magpapakilala sa mga magulang-" sabat na naman ni Cynthia. "Ikaw kung wala ka namang magandang sasabihin manahimik ka na lang, hinayupak ka!" sabi ni Kenny sabay sungalngal ng hotdog dito kay Cynthia. "- Okay ingat kayo sa pag-alis, San ba gaganapin reunion niyo?" dugtong ni Kenny. "Sa Siargao, sayang nga't hindi ko kayo maimbeta, alam ko din kasing may sarili din kayong problemang kinakaharap ngayon" "Naku wag mo pansinin yun madami pa namang panahong dadating, I'm sure ma-iimbeta mo rin kami next time." sagot naman ni Jiro. "So kailan alis nyo?" wika ni Cynthia. "Bukas aalis na kami agad para makapag-handa na rin." "Okay ingat!" Binatukan naman ni Kenny si Cynthia sa di malamang dahilan. "AHHHHHH! Papa ang sakit ng dibdib ko" nagulantang na lamang ang lahat dahil sa biglaang pag sigaw ni Rylan. Agad itong nilapitan ni Yohan at sinipat itong mabuti. Ilang sandali pa ay bigla namang sumunod sa paghihiyaw si Tyran, hawak-hawak din ang dibdib nito. " Yohan ano bang nangyayari sa mga bata?!" nag-aalalang pagtatanong ni Kenny. "Nagsisimula ng lumitaw ang kanilang mga kapangyarihan, ngunit hindi ito normal masyado pang maaga hindi kakayanin ng katawan nila ang ganitong pagbabago." wika naman ni Jiro na ngayon ay sipat-sipat si Tyran. Hindi pa man din nakakalipas ang ilang minuto ay sumonod namang namilipit si Marty sa sakit, pero mas malala ito kumpara sa dalawa nitong kapatid. Lumilitaw ang iba't-ibang kulay sa bawat ugat nito, ni hindi na ito maka-hiyaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nito. "Yohan, kailangan nating gumawa ng paraan kung magpapatuloy ito si Marty ang pinaka-critical sa tatlo. Hindi ko alam kung bakit ngunit hinuha koy mas marami ang kapangyarihang namana ng iyong bunsong anak." wika ni Jiro. Natataranta na ang lahat hindi na nila alam kung anong dapat gawin sa sitwasyong iyon. Kagat labing nagpa-ikot ikot si Yohan bago niya na alala ang kapangyarihang bago niya lamang nalaman. Isang kapangyarihang magliligtas sa kanyang mga anak ngunit siya naman ang magdudusa ng doble-doble.  [...] "Lumayo muna kayo sa tatlo! Kenny, Jiro ilapit niyo sakin sina Tyran at Rylan!" "Bakit anong gagawin mo?" pagtatanong ni Kenny. "May bago akong natuklasang kapangyarihan alam kong may posibilidad na mangyari ang kaganapang ito kaya naghanda ako kung sakali... nabasa ko to sa librong ibinigay sakin noon ni Martin sakin nung kami ay nag-eensayo pa lamang, ang libro ng mga Inilahad. Nakasulat doon na pwede pwersahing ipalabas ng kasalukuyang Inilahad ang kapangyarihan ng possibleng tagapagmana nito kung sakaling hindi normal ang pagsasaling magaganap sa bawat henerasyon." "Ngunit isa lamang sa kanilang tatlo ang posibleng maging tagapagmana, papano mo iyon gagawin ng sabay-sabay sa tatlo?!" tanong naman ni Jiro. "Hindi ko din alam ngunit wala na tayong sapat na oras para maghanap pa ng alternatibong paraan, kailangan kong subukan ito sa tatlo" Sa totoo lang ay alam ni Yohan na gagana ito sa tatlo sapagkat nananalaytay sa bawat isa sa kanila ang dugo ng pagiging Inilahad ngunit hindi niya na ito sinabi dahil nangangamba siya at baka pigilan siya ng kanyang mga kaibigan pag nalaman nila ang kabayaran sa paggamit nito. Wala nang sinayang na oras si Yohan, pagkatapos maipagtabi-tabi ang tatlo ay gumawa agad siya ng bilogang harang pa-ikot sa mga ito, ngayon ay nasa loob na silang apat. Biglang lumitaw ang libro ng mga Ilinahad sa gitna ng bilog, pumikit naman si Yohan at pinagdakit niya ang kanyang dalawang kamay. Halo-halong mga sinaunang letra ang nagsilitawan paikot sa tatlo na nanggaling sa libro. Sa pagkakataong ito ay medyo nakakaramdam na si Yohan ng balik na pinsala dulot ng kapangyarihang ito ngunit hindi siya nagpatinag kumpara sa nakalipas niyang mga pinagdaanan ay wala ito sa kalingkingan, lalo pat para ito sa ikabubuti ng tatlo. Ilang sandali pa ay biglang nagsilapatan ang mga sinaunang letra sa bawat katawan ng tatlo. Hindi pa rin tumitigil sa pagpupumiglas ang tatlo dahil sa nararamdaman nitong mga sakit kitang-kita sa bawat pagluha ng mga ito ang nararamdaman nitong mga pagdurusa. "Sure ba kayo na okay lang yung tatlo, parang mas lumalala pa ata yung sakit na nararamdaman nila ngayon eh" pag-aalala ni Kenny. "Magtiwala na lang tayo kay Yohan" bulalas naman ni Jiro. Bigla namang sumuka ng dugo si Yohan sa gitna ng ritual na ikinabahala ng lahat. "Yohan!" sigaw ng lahat. "Jiro gumawa ka ng paraan patigilin mo na siya sa kung ano man ang ginagawa niya ngayon at baka kung mapano pa siya pag nagpatuloy ito, humanap na lang tayo ng mas ligtas na ibang paraan" bulalas ulit ni Kenny habang pilit na lumalapit sa bilog na harang ngunit pinipigilan ito nila Cynthia sa utos na rin nila Winter at Jiro. "Hayaan natin siya Kenny kami man din ay nag-aalala din ngunit wala tayong magagawa dahil wala sa amin ang may alam sa ritual na ginagawang iyan ni Yohan, at isa pa hindi din natin alam kung pag pinigilan natin ang ritual na yan ay wala itong pinsalang maidudulot kay Yohan at sa tatlo!" sagot ni Winter. "Ano gagawin natin?" "Maghintay, yun lamang ang tangi nating maitutulong sa kanya ngayon" wika ulit ni Winter. Pilit man na nagpapakatatag si Jiro ay sa loob-loob nito ay sobra na rin ang pagkabahalang nararamdaman niya ngunit tama ang sinabi ng kanyang kasintahan, wala silang ibang magagawa ngayon kundi hintayin na lamang ang kalalabasan ng kaganapang ito. "Wag ka mag-alala alam kung kakayanin yan ni Yohan" pagpapagaan ni Winter sa kalooban ng sinisinta. Sa kabilang dako naman ay parang sasabog na ang buong kalamnan ni Yohan sa sakit na nararamdaman nito, para bang hinihigop ng ritual na ito ang lahat ng kanyang lakas. Napaluhod siya sa sahig at sumuka ulit ng panibagong dugo ngunit sige pa rin siya sa pagpapatuloy ng ritual, hindi siya pwedeng huminto dahil buhay ng mga anak niya ang nakasalalay sa mga oras na ito. Ilang sandali pa ay dahan-dahan ng nagsialisan ang mga letrang nakadikit sa tatlo at lumipat ang lahat ng ito sa kanyang katawan, dahil dito ay mas triple pa ang sakit na kanyang nararamdaman kumpara kanin, humalo na rin sa isinusuka niyang dugo ang dugong galing sa kagat-kagat niyang kanyang labi dahil sa pagpipigil niyang sumigaw sa sakit. Lumipas pa ang ilang sigundo at natapos na nga ang kanyang ginagawang ritual, hindi na rin namimilipit sa sakit ang tatlo dahil ang pagdurusang nararamdaman ng mga ito kanina ay nalipat na ngayon kay Yohan. Dali-dali namang lumapit ang lahat sa kanila. "Yoh!" sigaw ni Kenny habang akay-akay ang lupaypay na katawan ni Yohan. "Yung t-tatlo..." huling nasambit ni Yohan bago siya nawalan ng malay. **** "Papa!" unang bumungad kay Yohan nung sua ay nagising. Hawak-hawak niya ang kanyang ulo na umupo sa kama. "Papa, buti naman gising na kayo alalang-ala kaming lahat sa iyo po" pagkausap sa kanya ni Rylan. Si Tyran naman ay hindi magkaugaga sa pagtakbo upang tawagin ang mga kaibigan ni Yohan. "Tito Kenny, tito Jiro, tito Winter, Ate Cynthia gising na si Papa!" sigaw nito sa buong bahay habang may galak sa boses nito. Bigla namang umakap si Marty kay Yohan habang umiiyak. "Sorry papa, dahil *hic* sa amin nagkaganito *hic* ka" Ngumiti naman si Yohan at bumawi na rin na yakap sa anak nito. "Hindi niyo kasalanan yun anak, obligasyon ko lamang na gawin yun bilang inyong magulang." Bumukas naman ng biglaan ang pinto ng kwarto ni Yohan at iniluwa dito ang mga kaibigan niya. "Yoh, thank god gising ka na!" bungad ni Kenny pagkapasok nito. "Kamusta ka naman?" si Cynthia. "Medyo nahihilo pa rin pero okay na naman ako, nga pala gaano ba ako katagal nawalan ng malay?" "Limang araw ka ng natutulog, jusko. Pinag-iisipan ka na nga naming dalhin sa ospital kung di lang kami pinigilan ni Jiro, walang ka tiwa-tiwala sa mga doktor eh" sagot ni Kenny. Sa isip-isip ni Yohan. Tagal niya na palang nakahilata, pero mas mabuti na rin yun dahil nawala na naman ngayon ang pinsalang dulot ng ritual na iyon. Hindi niya ma imagine kung sa mga panahong nagdudusa siya ay gising ang ulirat niya, ang sakit siguro ng dadanasin niya. "So, ano na? May next move na ba?" wika ni Cynthia. Nag-isip ng taimtim si Yohan, saka sinabing... "Siguro oras na rin para ipagpatuloy natin ang naudlot nating paglalakbay,  It's time to continue our journey!" -  **** Sa kabilang dako naman ng mundo ay naroroon nagtipon-tipon ang mga nilalang na nakasuot ng itim na roba, may maiitim na awrang bumabalot sa mga ito habang pilit nilang sinasamba ang hindi maipaliwanag na nagliliyab na hugis. Ilang sandali pa ay biglang bumula ang tubig na nakapalibot sa buong islang inaapakan nila ngayon, at lumabas dito ang limang hulma ng tao.    ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD