CHAPTER 08: Starting Point

2134 Words
Lumipas ang isang linggong paghahanda ay napagpasyahan na ng lahat na simulan na ang kanilang paglalakbay. Hindi man maka-sama ang lahat dahil nga't kailangang may mag bantay sa tatlong bata ay nagpa-iwan na lamang si Kenny kasama ang mga alipores ni Yohan. 2 days early... "Papaano ang mga bata, walang maiiwan dito para magbantay sa kanila." Wika ni Kenny noong panahong ginagawa nila ang plano para sa kanilang pag-alis. "Edi isasama, malalaki na naman sila tsaka, tingnan mo nga yang mga yan mukhang mas may isip pa kesa sakin eh" mungkahi naman ni Cynthia habang tinitingnan ang tatlo na tumutulong sa mga kasambahay/alipores ni Yohan. "Hindi pwedeng isama sila, masyadong mapanganib ang gagawin nating ito at isa pa hindi din natin alam kung ano-anong bagay ang kakaharapin natin sa paglalakbay na ito." Sabat naman ni Jiro. "Tama si Jiro, mas mainam na mamalagi na lamang dito ang mga bata, mas ligtas sila sa loob ng mansyon, siguro ay mas pagtibayin na lang natin ang mga harang na nakapalibot dito." wika naman ni Winter. Natahimik ang lahat, wari'y nag-iisip sa kung anong makakakabuti sa lahat, sa panahong ito ay nagdadalawang isip na si Yohan kung isasama ba niya ang lahat o mas makabubuti kung siya na lamang mag-isa ang gagawa sa lahat. Ilang sandali pa'y biglang nagsalita si Kenny. "Ako na lamang ang magpapa-iwan tutal eh sa ating lahat bukod kay Yohan ay ako ang mas malapit sa tatlo mas magagabayan ko sila ng maayos habang wala kayo rito." wika niya sabay tingin kay Yohan. "Ako din, magpapa-iwan na lang din ako baka maging pabigat lang ako sa daan eh" sabi naman ni Cynthia. Sa huli ay napagpasyahan na lamang nilang lahat na sundin ang suhestyon ni Kenny. **** At oras na nga ng paglisan nila Yohan, Jiro at Winter. Todo iyak ang ginawa ni Marty na napakahigpit ng hawak sa damit ng ama at parang ayaw talaga nitong mawalay rito habang si Rylan at Tyran naman ay naiiyak na rin. Nilapitan ni Yohan ang tatlo saka binigyan ng napaka-higpit na yakap. "Mga anak alagaan niyo ang isa't-isa ah, wag masyadong matigas ang ulo makinig kayo sa tito Kenny niyo. Alam kong hindi madali to para sa inyo at kahit gusto ko man kayong isama ay hindi pwede dahil lubhang mapanganib ang gagawin namin" Tumango-tango ang tatlo habang humahangos dahil sa pag-iyak. "Hindi ko alam kung gaano katagal tayong magkakahiwalay pero pinapangako ko, sa pagbalik ko ay iuuwi ko na ang Tatay niyo." Huling sinabi ni Yohan bago ulit niyakap ang tatlo saka binigyan ng halik sa bawat ulo ng mga ito. "Kenny ikaw na bahala sa mga bata mag-iingat kayo rito wag kayo mag-aalala sa oras ng panganib asahan mo ang mga kasambahay, hindi ko pa nasasabi pero singlakas din sila ni Jiro." tumango naman si Kenny sabay payak na ngiti sa kaibigan. Nagpa-alam na ang lahat sa isat-isa. Sakay ng sasakyang galing Mimic ay tuluyan na ngang umalis sila Yohan. "So, saan first stop natin?" wika ni Winter na ngayon ay nag-mamaneho sa sinasakyan nila. Sa lamesang gawa sa batong amethyst ay lumitaw rito ang imahe ng isang napakalaking puno na tinatakloban ang buong isla. "Mukhang alam ko na kung saan natin makikita ang punong ito." Wika ni Yohan. "At saan naman yan?" tanong ni Jiro. "Sa isla sa Visayas, pumunta kami ng buong klase ko noon nung ako ay nag-aaral pa, nagbago man ang ibang-anyo nito ngunit alam na alam ko ang itsura ng puno na iyan. "Sure ka ba diyan Yoh, at isa pa saan mo ba nakuha yang imaheng yan" si Winter. "Ibinigay sakin to ng dream weaver sa huli niyang pagka-usap sakin, hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig pero sabi niya ako na lamang daw ang siyang dapat na tumuklas" "Ngayon lamang ako nakakita ng ganyan kalaking puno, kahit doon sa planeta natin ay walang ganyan kalaking puno na halos kainin na ang buong isla." Si Jiro habang nakatitig sa imaheng nasa lamesa. "Anyways, hayaan na lang muna natin yan sa ngayon malalaman din natin ang lahat kapag nakarating na talaga tayo sa isla." huling sinabi ni Yohan. Saka sila nagpatuloy sa paglipad. **** Sa hindi kalayuan ay makikita ang nag-iisang isla sa napakalawak na dagat, isang puno ang matayog na sumasaklob sa kabuoan nito, unti-unting lumapit sila Yohan sa mismong isla. "Ito na ba yung sinasabi mo Yoh?" pagtatanong ni Jiro. "Oo, mukhang ito na nga yon, Winter ilapit mo yung ship sa pinakatuktok ng puno" "Okay" "Woah, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganito kalawak na tuktok ng isang puno, mukhang pwede ng magtayo na isang bahay dito ah" bulalas ni Winter. Tuluyan na nga silang bumamaba sa sinasakyan nila. Pinagmasdan ng tatlo ang buong paligid animo'y naghahanap ng mas madaling paraan para makababa sa puno. Kung titingnang mabuti ang isla ay hindi maipagkakaila ang kagandahang taglay nito, tirik pa ang araw ngunit kahit na nasa tuktok sila ng puno ngayon ay hindi man lamang sila nakakaramdam ng init, ang bawat dampi ng simoy ng hangin sa kanilang balat ay para bang pinapawi nito ang init na nanggagaling sa araw. "Tara na, malaki-laki din ang islang to at hindi din natin alam kong ano talaga ang dapat nating hanapin, sigurado akong mahaba-habang paghahalungkat ang gagawin natin" pagbabasag ni Yohan sa pag-eenjoy ng dalawa sa tanawin. Suot ang mga jetpacks na si Jiro mismo ang may gawa ay nauna ng tumalon pababa ng puno ang magkasintahan samantalang si Yohan naman ay ginamit ang kanyang kapangyarihang hangin upang utosan itong dalhin siya pababa. Pagbaba nila sa lupa ay bumungad kaagad sa kanila ang napakalaking marka na nakatatak sa mismong katawan ng puno kanina. "Mukhang hindi na natin kailangang baliktarin pa ang isla Yohan." **** Sa Ilalim ng puno, makikita ang nakaukit na symbolo. Isang napakalaking bilugang hugis habang may mga linyang naka-konekta sa isa't isa at naghuhugis ng dalawang tatsulok na baliktarang nakapatong. Samantala, bigla namang naging malikot ang batong ibinigay ng dream weaver kay Yohan, nakaramdam ng init si Yohan na galing dito kaya inilabas nya ito. Bigla naman itong lumitaw at naghugis tatsulok kasunod naman nito ay dahan-dahang yumanig ang buong isla saka lumabas ang dalawang ugat sa magkabilaang gilid ng puno, ito ay pumulupot sa batong hugis tatsulok at hinila ito palapit sa pinaka-gitna ng simbolong naka-ukit sa puno. Naging matahimik ang paligid, ni kahit anong huni ng insekto o ingay ng hampas ng dagat ay walang marinig animo'y tumigil ang buong oras na nakapaligid sa islang iyon ngunit- Ilang sandali lamang ang nakalipas ay nabaliktad ang lahat ng nangyari. Walang mapagsidlan ng kaguluhan sa lugar na iyon, hindi magkamayaw sa paghampas ang dagat at ang mga alon ay patuloy ang pagtaas na para bang kakainin na ang buong isla, kung hindi dahil sa barrier na ginawa ni Yohan ay naanod na sila nito. Pati ang buong isla ay hindi din mapakali, nagbibitak ang lupa at kulang-kulang kalahati ng mga dahon ng malaking puno ay sunod-sunod na nalagas. "Ano nangyayari? Ba't parang nagagalit pa ata ang buong isla," wika ni Jiro. "Nagkakamali ka, tingnan mo- sabi naman ni Winter habang turo-turo ang katawan ng puno. Dahan-dahang nahahati ang katawan nito at sunod-sunod din ang paglitaw ng malalaki nitong ugat na nagsanhi upang magbukasan ang lupa. "Mukhang iyan ang dahilan sa mga nagyayaring ito." Patuloy lamang ang nangyayari hanggang sa wala na ngang dahon ang nananatiling nakakabit sa puno at tuluyan na nga itong nahati, pumulupot ang mga ugat nito sa nahating katawan at pinagdugtong ang bawat dulo nito upang magkurbang bilog. Samantalang sila Yohan naman na nakatitig at pinagmamasdan ang bawat nangyayari ay wala ng nagawa nang bigla na lamang lumabas sa bilog na iyon ang napakalakas na enerheya at walang ano-ano'y hinila sila papasok. *** YOHAN's POV: Madilim ang paligid walang kahit na ano akong nakikita, mistulang ako'y nagliliwaliw sa kalawakang walang hangganan. Para akong nakalutang pero ang bigat ng pakiramdam ko na para bang may malaking batong nakadagan sa buo kong katawan, pilitin ko mang buksan ang aking mga mata ay puro kadiliman lamang ang aking nakikita. Asan ba ako? Sila Jiro, anong ng kalagayan nila? Mga anak, asan kayo? "Yoh!" May naririnig akong boses pero tila ba'y kay layo nito. "Yohan!" Ayan na naman sya, palinga-linga ako ngunit di ko masundan ang boses na iyon. Di naglaon ay nakakita ako ng katiting na liwanag, pilit ko itong inaabot, lakad-takbo ang aking ginawa at ang boses kanina ay unti-unti ng nagiging malinaw sa aking pandinig. "Yohan gising?!" Niyuyugyug ako ni Jiro habang sinisigaw niya ang pangalan ko. Pagbuka ko ng aking mg mata ay tumama kaagad ang napakaliwanag na sinag ng araw, nasilaw pa ako kaya napapikit-pikit ako. "Okay ka lang ba?" tanong ulit ni Jiro. Tumango lang ako sa kanya sabay dahan-dahang tumayo. "San ba tayo?" tanong ko sa dalawa habang palinga-linga akong tinitingnan ang paligid. LUNTIAN. Yan ang una kong na-isip ng napagmasdan ko ang paligid, ang yayabong ng mga puno at ang titingkad ng mga kulay ng halaman. Para bang bumalik ako sa mundo ng tatlong bathala ng planetang Mimic. "Hindi din namin alam, basta nung hinigop tayo nung malaking puno sunod ko na lang nalaman , andito na tayo at nakahandusay ka na sa lupa," sagot ni Jiro. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dali-dali ko kaagad sinubukan ang apat kong elementong kapangyarihan kung meron pa ba ito at laking tuwa ko'y wala namang nagbago sa mga ito. Tiningnan ko naman ang dalawa na ngayoy'y busy sa paghahalungkat ng mga kagamitan nila. Lalapit sana ako sa kanila upang tulungan sa pagliligpit ng nakakalat na gamit nang bigla na lamang may kung ano akong naramdamang maitim na enerheya. Napa-alerto ako at mukhang naramdaman din ito ni Jiro dahil naging mapagmatyag din siya. Wala mang kakayahan si Winter ng katulad naming dalawa ni Jiro ay alam niya na kaagad kung ano ang mga nangyayari. "Mag-ingat kayo hindi lamang ordenaryong enerheya ang nasagap ko, lubha itong mapanganib," wika ko na tinanguan naman ng dalawa. Hindi pa nga lumilipas ang ilang segundo ay bigla na lamang may lumipad na kung anong bagay papunta sa pwesto ni Winter, bigla itong sumabog at nagpakawala ng napakakapal na usok. Pagkahawi nito ay tumambad sa amin ang wala ng malay na si Winter habang may lumalabas na dugo sa mga mata nito. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi kaagad kami naka-react. Narinig ko na lamang ang sigaw at umiiyak na si Jiro habang kumakaripas ng takbo papunta kay Winter, dali-dali naman akong gumawa ng barrier pa-ikot sa amin. "Ay, Ano ba yan, kala ko pa naman ang lalakas ng mga nilalang na makakasalubong natin mukhang pepetyuging tatlong tao lang pala, may depekto na ata ang kapangyarihan mo Nikos." Biglang bulalas ng kung sino man, panay tawa pa ito pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. May hawak-hawak itong kung anong umuusok na bagay samantalang sa ulo naman nito ay may nakalutang na dalawang umiikot na matalim na bagay. "Manahimik ka Niphel! Hindi porket nakatama ka lang ng isang beses eh mamamaliit ka na, wag kang masyadong kumpyansa" wika naman nung isang lalaking sumulpot sa tabi niya. Ito naman ay may iisang sungay sa noo, at matatalim ang kuko. Sumunod ding nagsulpotan ang tatlo pang nilalang sa likod nila. Yung isa ay may pakpak , yung isang babae naman ay kawangis nung babae kanina ngunit ang nakalutang sa ulo nito ay isa lamang kulay itim na maliit na bola at ang huli naman ay isang lalaking nakatakip ang buong katawan ng napakahabang roba, sa kaliwang kamay nito ay may hawak na patpat at sa kabila naman ay isang kahon. "Che! Paki mo ba ikaw ba kinakausap ko!" —wika na naman ng babae kanina— "Ano ba to?" dugtong niya saka nilapitan ang harang na ginawa ko, kanya itong hinawakan at walang ano ano'y napa-igting siya dahil sa init na dala nito. "Walang hiya kayo, anong karapatan niyong saktan ako!" galit na galit niyang sumbat samin. Umatras siya ng kaunti saka nagsiliparan ang napakaraming matatalim na bagay galing sa kanyang ulo patungo sa harang ngunit wala itong nagawa kaya mas lalo lamang itong nainis. "Grrrrr, Nikos ano ba yan?!" tanong niya sa kasamahan niya sinagot naman ito nung lalaking may dalang patpat at kahon. "Isang barrier, na likas sa kapangyarihan ng mga gumagamit ng natural na elemento katulad ko. Pinagsabihan ka na namin wag mo silang mamaliitin dahil kung tinawag tayong lima para lamang sa tatlong target ay malamang hindi sila pangkaraniwang nilalalang lamang." "Whatever, alisin mo na lamang ang bagay na yan nang matapos na tong trabaho natin nakakapagod na," bulalas na naman nung babae. Sinunod naman siya ng huli, lumitaw sa kanyang harapan ang kahong kanyang hawak saka lumabas rito ang isang hugis dragon na tubig. Bumulusok ito papunta sa harang na ginawa ko ngunit wala din itong nagawang pinsala bagkus ay nawala lamang ito na parang bola na lubhang ikinabigla ng lalake. "Imposible! Mid-level power ko na yun ngunit wala man lamang itong nagawang pinsala sa kanyang harang-" May sasabihin pa sana siya ngunit bigla na lamang humakbang ang lalaking may pakpak saka niya winasiwas ng kay lakas ang kanyang mga pakpak at walang ano-ano'y nagkabitak-bitak ang aking harang. Isang hampas pa at tuluyan na nga itong nawasak. Nabigla ako sa mga pangyayari, huli ko na lamang nalaman na nasa kamay na pala nila sina Jiro at Winter.   ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD