Chapter 1

2292 Words
AUTHOR’S NOTE: Ito po ay exact continuation ng book 1 kaya walang masiyadong grand opening.      On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess                   CHAPTER 1   JIN- POV   Patamad kong pinunasan ang basang basa ko pang mukha. Naghilamos kasi ako dahil pinagpawisan talaga ako sa laro na sinalihan ko kanina. Pero sulit naman at nanalo kami. Pabalik na rin ako sa gym para maki-assemble para sa next game nang may bigla namang sumabay sa paglalakad ko. Si Relic, hindi ko siya pinansin.   Kung kailan ka talaga umiiwas sa gulo ay tsaka ka naman nilalapitan nito.   "Idol, kamusta? Congrats nga pala! nanalo ‘yong team nyo nila Norky. Hindi ko alam na magaling ka rin pala sa relay. Halos magaling ka pala sa lahat ng bagay ah, pati sa pagpapa ikot ng mga babae. Baka pwedeng turuan mo naman ako?" sabi pa nito na pilit umagapay sa paglalakad ko.   "What do you mean?" Huminto ako sa paglalakad ko. Nahimigan ko kasi na may iba na naman siyang pakahulugan sa sinabi niya.   "Wala naman. Ah oo nga pala. Kausap ko kanina ‘yong P.A. mo, si Maki. She's really cute, type mo ba siya? Baka hindi, ibalato mo na lang siya sa akin. Tutal madami ka pa namang ibang girls eh, mukhang hindi naman siya kawalan. Isa pa, parang si Sir Vincent din naman ang type niya. Alam mo na, para mas big catch. Kung makikita mo nga lang idol ‘yong mga tinginan nila kanina, hanep talaga. Ibang-iba eh! Naisip ko nga baka may relasyon na ‘yong dalawang yon. Magkasama pa silang dumating kanina at talagang na late pa, malay natin may dinaanan pa sila,” madaldal na sabi nito na halatang ina- annoy na naman ako.   Naisip ko naman ang point nito. Halata namang pinagseselos niya ko. Even he's assuming na may gusto ko kay Maki or kung ano man ang nasagap ng radar nito. Wala siyang mapapala sa akin, kahit pa nga ba napainit talaga nito ang ulo at ang dugo ko.   "Sorry, but you must have mistaken me for somebody who cares. Gawin mo lang ang gusto mo, ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Lahat tayo may kalayaan tama? Just don't bother me, I'm living happily ever after,” sarcasticly, ngumiti ako at tinapik-tapik ko pa siya sa balikat at lumakad na ako ulit.   Kung ano man ang reaction niya ay bahala na siya sa buhay niya. Anyway, I couldn't care less what that asshole had to say. Sorry but sarcasm is just one more service that I can really offer. Ewan ko ba kung bakit pa siya lumalapit, wala naman siyang napapala.   After some time, nag-start ulit ‘yong game. This time lahat kami sumali, scavenger hunt ‘yong title. Masaya naman at hindi boring, madami kasing list ng dapat hanapin. We tend to get out sa gym at nag explore sa kabuuan ng Platinum Clubhouse.   The place was great, ang luwang pala talaga dito, para na rin itong sports center. Buhat kasi sa gym na pinanggalingan namin which is ‘yong basketball court nga, pag-exit ay open area na. Parang isang malaking oval na pang track and field at may mga bleachers din. Then may konting harang at may open naman na swimming pool na matatagpuan.   "Last item na pala tayo, brad. Gusto mo doon tayo maghanap sa kabilang gym?" tinuro ni Norky ‘yong may kalayuang area.   "Ano bang meron do’n?"   "Ang sabi nila mga swimming pool din daw, kulob do’n, eh. Doon daw kasi nagpa-practice ‘yong mga pang-olympics, gusto ko nga sanang mag-try do’n mamaya. Pwede naman daw sa uwian, lalim siguro do’n!" excited pang kwento nito.   Sasagot sana ko pero biglang nag-ring ‘yong cellphone ko. Si Bob ‘yon, nag-inform lang na dumating na sila sa clubhouse with Ms. V and Mr. Gatchalian.   Then, nag-check ako ng inbox. May mga text message pa.   Halos lahat ay nangungumusta. Except for one.   "Jin, I want to tell you something important, please meet me after the next game sa side ng second gym."   P.s.   ‘Pag ‘di ka pumunta, magpapakamatay ako.   At nanakot pa. As I read the message parang si Maki ang nagugunita kong nag-text nito. Pero bakit naman niya sasabihin ‘yong ganito? Medyo tamad kasi akong mag-save ng number ng mga nakaka-text ko. Natatandaan ko naman kasi kako minsan then nakakalimutan ko na rin naman.   So ayon nga, at nakigulo na rin ako sa mga nagha-hunt. Sa dami ng mga tao, parang hindi ko naman nakita man lang kahit ang tuktok ni Turtle. San naman kaya nagsuot ‘yon?   Twenty minutes had already past, at pinababalik na kami sa next area. Which is sa open oval nga daw. Medyo napalayo talaga kasi kami, kaya pagdating namin doon ay halos nag-start na ‘yong next game. Sa previous game daw ay Blue team ang nanalo. Afterall the hardship sa pagkulimbat ng mga item like mga dahon, insekto at iba pang mga bagay sa list ay natalo pa rin kami.   Hindi pa ako tuluyang nakakaupo sa bleacher ay halos mabingi na ako sa sigawan ng mga tao.   Ano bang meron? Natanong ko sa sarili ko.   "Hanep pare! Enjoy tayo nito!" natatawang sabi ni Norky na titig na titig sa parang stage.   Syempre lumingon naman ako, then I saw some girls na mga naka summer swimsuit. Medyo natatabingan pa nga ako nung ulo nung isang taong nakatayo sa may gawing harapan ko, nasa gawing side kasi kami nakapwesto.   "Joke lang! Bakit mo ‘yan tatakpan? Hello ang kinis mo, oh! Ang puti-puti ng batang ito, sa’n ka nakatira, ‘te? Sa basement? Naaarawan ka pa ba?" narinig kong joke ni Tante Viva ‘yong comedian.   Tawanan ‘yong mga tao at tilian.   "Go Maki!!!!" narinig kong sigaw ni Pinky at nag-wave-wave pa ito.   Maki?   Wala sa sariling napatingin ako sa screen monitor at naka-focus nga do’n ang mukha niya na halatang nagba-blush pa.   Shit! Anong ginagawa niya do’n at naki-swimsuit-swimsuit pa siya? Hindi na ba siya nahiya at sumali pa siya?   Then lumingon ako sa gawing stage to actually look for her. Okay, great! At parang sinasadyang nagkatinginan pa kami.   Looking at her right now makes my heart skip a beat. Hindi ko akalain na, maganda rin pala ang katawan niya, actually she's pretty sexy, hindi nga lang siya confident sa itsura niya dahil mukhang hiyang-hiya pa siya but she looks great talaga. Ewan, ‘yong kahit ba katabi pa niya si Veronica at si Angel ay parang siya lang ‘yong nandoon.   "Ang puti at ang kinis nga naman pala ni Maki. Bakit pinapalagpas mo ‘yong mga ganiyan, Pare? Ang cute niya!" biro pa sa akin ni Norky.   "Nasan ba ang cute diyan? Nagsuot pa ng ganung damit, hindi naman bagay. Pwede, ‘wag mo na lang tingnan? Baka maumay ka pa," kunwari ay sabi ko. Naalangan naman kasi akong sumang-ayon dito.   "Ano ba ‘yang attitude na ‘yan, Jin? Huwag kang ganiyan, pinipintasan mo ba siya o ayaw mo lang na tingnan siya ng iba?" tatawa-tawang hula pa nito.   "Loko mo. Just shut up!" sabi ko na lang dito.   "19 years old! Maki!!! from Green Team!" narinig ko na pakilala sa kaniya ni Tante.   "Maki! Maki! Maki!" cheer ng crowd, most especially ay ang green team at sila Pinky nga.   But what's really caught my attention ay ‘yong ilang mga kalalakihan na from Yellow team na nakaupo sa gawing likuran namin na nagchi-cheer din para kay Maki.   I heard them saying that she's cute, sexy and flawless.   Para tuloy gusto ko nga silang lingunin, tapos singhalan at bawalan na kung pwede ay ‘wag nila siyang tingnan. Kung gusto nila ay ‘yong iba na lang.   But ofcourse, I just can't do that! I will just sound like a jealous boyfriend and it's not right.   So, whatever!   Nung si Angel naman ang ipinakilala ay talagang idinamay pa ako nito.   "Hi, babes! Para sa’yo ‘yong laban na ‘to! Wait mo lang! papaalugin ko ‘yong mundo mo!" seductive na sabi pa nito. Kumagat-kagat pa sa labi niya.   Natawa ang mga tao sa sinabi niya, double meaning kasi ‘yon kaya talagang ligayang-ligaya sila. Syempre nakitawa na lang din ako.   Then nag-start na ang laro nila. All the crowd are cheering, mga ganadong-ganado at gustong-gusto, lalo na ‘yong mga barako. What's not to like? Ikaw ba naman ang makapanood ng mga babae na nakasuot ng sexy at nagtatakbuhan sa parang playground.   Kaya nga hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag si Maki sa ganitong set up, tatakbo-takbo siyang naka-bra lang. Hindi naman siya mukhang napilitan, kasi mukha namang nag-e-enjoy siya. In fact, she's doing her best! Sa lahat ng turtle ay siya talaga ang pinakamabilis tumakbo.   The hula hoop part is one of the best, hindi ko alam na magaling pala siya do’n which makes me think na may hidden talent naman pala siya hindi lang siya aware.   Pinanood ko lang sila. Alright, nakakaano kasing pagmasdan ‘yong mga dinadala nila na totoo ngang mapapaalog ang mundo mo ‘pag tinitigan mo talaga. Minsan, no need na, kasi ‘yong camera man pino-focus pa talaga sa big screen ‘yong mga mahahalay na scene. May pagka-bad boy! Loko talaga!   The crowd seems enjoying every part of the game. And then there's the crucial part, ‘yong sa may swimming pool. Sa obstacle course do’n na nagkatalo talo. May mga na-disqualify na, until Angel and Maki made it.   Everythings seems okay, nakita ko pa nga ‘yong rubix sa final test. At naisip ko ‘yong talent do’n ni Maki so malamang na siya nga ‘yong manalo.   Kaya lang, masiyado naman yata siyang na-excite dahil she's already heading sa last part samantalang kailangan pa niyang sumapo ng bola tumakbo sa running event.   Okay na sana ang lahat...   Hanggang sa...   Biglang may agaw-eksena!   Si Maki kasi mukha niya ‘yong pinangsapo niya sa bola tapos ay bumulagta pa siya.   Bigla ay parang nanunuod ako ng funniest video sa youtube. There goes the turtle I know, at the end of the day siguradong may kapalpakan talaga itong gagawin. And she didn't fail to suprise me. Alright, everybody seems shock at the moment and even ako napatayo pa ko sa kinauupuan ko at muntik pa ko do’n mapatakbo para sumaklolo.   But I've worry for nothing, dahil tumayo din naman siya. Nagpapagpag ng sarili niya, sumapo ng bola at kahit hilo pa ay tumakbo na. Mukha talaga siyang tanga. But I admit, she had guts!   Then ‘yong fear para sa health niya, naging tawanan na. Tumakbo na naman siya nang matulin, nag-over take na siya kay Angel pero hindi siya nag-hesitate na bumalik noong madapa at magpagulong-gulong nga ‘yong kalaban niya.   Si Maki at si Angel. Pwede silang mag-tandem. More often than not ay mga sablay talaga sila, pero sa paraang nakakatawa.   Si Maki ‘yong nanalo, and everybody celebrates with her. Most speciality ay ‘yong Green Team. I watch them from a far, nakita ko pa na pati si Relic ay proud na proud.   "Hoy, titingin ka na lang ba? o lalapit ka?" nakatawang tinapik pa ko sa balikat ni Bobby.   Nakalapit na pala siya ay ‘di ko pa nalalaman.   "Why should I? Games lang naman ‘yon. Nothing serious," sabi ko na iniwas ko ng tingin ko kina Maki.   "Okay, okay. Gets ko na. You mad, bro?" natatawang biro pa nito.   "Sira!"   "Jin, tara puntahan natin si Ate Virgie, do’n na lang tayo manood ng boy version ng obstacle course. Mas kita do’n ‘yong laro,” yaya nito.   "Ah sige, susunod ko,” sagot ko.   Pinag-iisipan ko kasing puntahan ‘yong nag-text sa akin, ‘yong nakikipagtagpo sa side daw ng kabilang gym.   It takes time bago ako tumayo at maglakad-lakad nga. Naisip ko kaysa manood ako ng mga barakong naglalaro at bago pa tuluyang masira ang pandinig ko sa lakas ng sigawan at tilian nina Pinky at Cha kasama ‘yong mga babaeng audience at bakla, aalis na lang muna ako.   Malayo-layo rin ‘yong lugar na pinuntahan ko, and I don't think na may nakapansin sa pagkawala ko siyempre busy nga ang lahat. Sa gawing area na to ay wala talagang katao-tao, which makes me feel calm.   Until I heard some noise, nanggagaling nga sa loob ng gym na may mga swimming pool. Curious, sumilip talaga ako and I heard some echo. Boses ng babae dahil matinis and she seems like panicking.   "Anong gagawin ko?"   "Hindi rin ako...   "Lumangoy."   Parang ganiyan ‘yong intindi ko, basta the voice was obviously hysterical. Then narinig ko ‘yong mabibilis na footsteps, mukhang nagtatakbo ‘yong babae papuntang exit. Ako naman, I get my self closer, then nakarinig ako ng splash of waters.   "s**t! May tao sa pool!" agad na naisip ko.   Kasi habang papalapit ako ay papalakas ng papalakas ‘yong sounds of struggling. Nagmadali ako sa pagkilos ko, but unluckily ‘yong dadaanan ko ay blocked pa so I have to take some detour.   Nagtatakbo kong palapit sa 8 feet in depth and kung ilang feet in diameter ay hindi ko alam basta mahaba ‘yong pool.   Damn! Malayo pa lang talaga ako ay natanawan ko na ‘yong pangyayari at positive nga! eto at may nalulunod nga. I was taught as a kid in poolside life-saving class that, when possible, stay out of the water and offer the person in trouble the other end of a pole, and pull him out that way.   Pero sa case ngayon ay halos wala na ngang lakas ‘yong taong nasa pool kaya hindi na talaga ‘yon applicable.   Maki?   Itutuloy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD