Kabanata 1

377 Words
Jack "What the f**k are you thinking Jack?" Bulyaw ni Dean habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. "Anong gusto mong gawin ko? Ikadena si Faye para hindi ito tuluyang umalis? Nakapagdecide na siya Dean, mas pinili niyang sumama sa matandang amerikanong iyon kaysa sa ang makasama ako, mas malaki ang mahihita niyang pera sa matandang iyon." Ganting bulyaw ko sa aking kaibigan. "Pero Jack naman, isipin mo nga kung ilang halaga ang mawawala sa'yo, ano balik ka na naman sa pasolo solo? Barya lang ang aabutin mo Thad. Ano may nakita ka na bang ipapalit sa kanya?" Tanong ni Dean habang kinukuha ang kopeta na may lamang wine at mabilis nitong tinungga ang alak. "Sa ngayon solo na muna ako habang wala pa akong nakikitang kapalit kay Faye, madali lang naman siyang palitan." Saad ko at napakapit na lamang ako sa aking sentido dahil tila sumasakit ito. Tanginang Faye naman kasi, parang walang utang na loob, nakakilala lang ng matandang amerikano akala niya naman ito na ang mag-aangat sa kanya sa kahirapan, if I know, gagawin lang naman siya nitong parausan. "So magsosolo ka na lang Jack? Paano ka magiging milyonaryo niyan kung pasolo solo ka na lang? Maghanap ka na ngayon ng papalit kay Faye, total sabi mo madali ka lang namang makakahanap ng katulad niya diba? If memory serves me right, diba halos limang buwan mo ring sinuyo si Faye para mapapayag siya?" Saad ni Dean na mas lalo lang nagpasakit sa aking ulo at nagpagulo sa aking isipan. "Pupunta akong club ngayon, maghahanap ako ng papalit kay Faye." Saad ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa may bench. "Goodluck na lang sa'yo Jack, sana hindi ka masampal ngayong gabi." Malokong saad ni Dean at ngumising parang nasisiraan na ito ng ulo. "Tangina mo, kung ipahiram mo na lang kaya sa akin si Ella para tapos na ang problema ko?" Suhestiyon ko rito na ikinawala ng ngisi nito, mariin itong tumingin sa akin, ang mga mata nito ay puno ng galit. Bullseye! I hit his nerve at bago pa ako mabaril nito ay itinaas ko ang aking mga kamay bilang pagsurrender dito. "Chillax ka lang bro, nagbibiro lang naman ako. Paano, mauna na ako." Nakangiti kong saad at mabilis na lumabas sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD